Chapter 31: Dylan

2K 73 4
                                    

Dylan Ezekiel's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dylan Ezekiel's Point Of View

Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang usapan namin nila Zed. Wala na rin akong balita kung ano nang nangyari sa GRIWA kasi naging hectic yung schedule ko. Interview doon, photoshoot dito, tapos heto ako ngayon sa set namin. Ngayon na kasi gagawin yung pinakaaabangan na music video ko na kasama si Katsumi.

"Ezekiel, where is this leading lady of yours, ha? Kahit anino niya hindi ko makita!! Akala ko ba nag-usap na tayo na ikaw ang pipili ng babae? Kapag hindi siya sumipot, hay naku ikaw ang mananagot. Pipili na lang ako ng kung sino diyan."

"No, Direk. I'm a hundred percent sure na pupunta siya at siya lang ang gusto kong babae na maging lead. Walang iba."

Minu-minuto na lang akong pinagsasabihan ni Direk Chua. Kanina pa kasi kami nandito at naghihintay kay Katsumi. Tatlong oras na rin ang nakalipas pero wala parin siya. Ano kayang nangyari sa kanya? May sakit kaya siya? Sana naman okay lang siya.

Sinubukan ko siyang tawagan pero laging sinasabi nung boses ng babae na the number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later. Kaasar naman oh. Ilang Later pa kaya ang hihintayin ko para lang sumagot siya?

"Hey, Dylan Ezekiel where do you think you're going?" sa leading lady ko, dun ako pupunta.

Hindi ko na siya sinagot. Pinaandar ko na yung kotse at umalis na. Hindi ko na kasi kaya. Nag aalala na ako sa kanya. Pinuntahan ko na lang siya sa bahay nila pero walang tao roon. Aalis na sana ako nang dumating yung... Teka, kaano ano ba siya ni Katsumi? Boyfriend? Eh wala namang boyfriend yun! Alam ko naman na wala talaga sila ni Zed.

Pumunta yung lalaki sa front door ng bahay nila Katsumi. Parang may hinahanap. Tumago muna ako sa may garden tapos hinihintay ko yung tamang timing para...

"Awwwwshit!!" Sabi niya habang hinahawakan yung ulo na binato ko ng bato.

"SINO KA? MAGNANAKAW KA SIGURO NOH?!" parehas naming sabi. Aba, ako pa talaga yung magnanakaw? Sa gwapo kong 'to?

"Wuy teka, Dylan Gonzales?"

"O,  ako nga"

"Teka teka, sino ka muna at bakit ka nasa harap ng bahay ni Katsumi?"

"Who? Me? I'm her brother. I'm a fan."

Ah kuya niya pala?

"Nice to meet you brother in law" tapos inabot ko yung kamay ko sa kanya kinuha niya naman.

"Paano ka nakapunta rito? Diba kanina nasa live interview ka?"

"Ah... oo nga eh. Sorry pala kanina natamaan kita ng bato."

"Okay lang yun. Ang liit nga nung bato eh tsaka huwag kang mag-alala. Malayo yun sa bituka"

Woa, paano niya nalaman? Fanboy ko siya tapos kapatid niya si Katsumi. Swerte ko naman. Teka, sino nga ba ang maswerte sa aming dalawa? Ako o siya?

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now