Chapter 35: Earl

2K 74 2
                                    

Earl Joshua's Point Of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Earl Joshua's Point Of View

Dumiretso agad ako sa classroom at ibinalik sa shelf yung mga dala kong libro.

Hindi parin maalis sa isipan ko yung nangyari kanina. Nakasalubong ko kasi ulit si Kyle Zedrick sa hallway.

"You should be thankful. You made it through the finals because of me. If I didn't show up, you would've been disqualified because you need a partner for the first round. Stupid. I thought you're a genius."

Oo nga noh? Kaya pala siya sumama kasi para naman yun sa akin. Tinulungan niya ako? Kung wala siya edi sana hindi ako nakasama? Tsk! Nangongonsensiya ba siya?

"Huwag mo nga ako diyan Kyle Zedrick. Kung ayaw mo kasi, dapat simula pa lang umayaw ka na. Dapat kung ayaw mo, huwag mo nang pilitin"

"Oh come on, Earl. Are you even thinking or what?"

"Tapos ngayon tinatanong mo ako ng tanong na yan? Baka ikaw ata ang dapat na tanungin ko. Nag-iisip ka ba? Nanalo ka na nga tapos ibinigay mo pa, edi para ka na niyang bumitaw ng isang mahalagang bagay at ipina agaw pa sa iba."

"I guess not. You're wrong. I'm not that kind of person who easily let go of things that are important to me. Nothing is more important than Katsumi and I will never let her go."

Pagkatapos nun, linampasan niya ako. Those words hit me like a lightning bolt. Siguro nga ako ang dapat mag let go. Pero mahirap atang mag move-on, lalo na at una pa lang, wala naman talagang kami. Yun ang masakit sa part na yun.

Tinawagan ko si Caz. Tatapusin ko na. Ititigil ko na ang pagkagusto ko sa kanya.

***

"Hello Caz! Nasaan ka na? Ilang years ka pa ba bago dadating? Malapit lang naman 'tong coffee shop ah?"

Sabi ko kasi kanya kanina na sa pinakamalapit na coffee shop kami magkita pero hanggang ngayon, wala parin siya. Nakakasawa kayang maghintay, alam niya yun?

[Haha sorry bestfriend. Nung tumawag ka kasi kakauwi ko lang ng bahay nun eh. Basta malapit na ako. Order ka na muna diyan. Iced Americano na lang sakin tapos cake. Kahit ano basta cheese cake hahaha]

Tapos in-end niya na yung tawag. Sana katulad lang siya ng cellphone na isang click lang. Sana ganun lang kadaling i-end ang nararamdaman ko sa kanya. Sana masabi ko ang lahat ng sasabihin ko sa kanya. Sana lahat ng sana natutupad.

Complicated Goddess [COMPLETED]Where stories live. Discover now