V: Run

113K 4.1K 258
                                    


Chapter V
Run


Auriel




Napatigil ako sa paglalakad nang makitang nagkukumpulan at nagbubulungan ang ilang mga estudyante sa pasilyo.



“Taga-Bloodlust 'yan, 'di ba?” nakangiwing bulong ng isa sa katabi. “Anong rule kaya ang nilabag n'yan?”



“Baka naman may pinatay siya sa maling paraan?” assumed by one of the three girls' that are huddled together as if there's an existing proper way to kill.



“E di, sana patay na rin siya?”



One of K-High's rule: Killing using anything other than the knife given during the orientation is considered a capital offense under the school's law. Hindi nabanggit ni Stephan pero isa 'to sa marami pang rules ng eskuwelahan na nasa students handbook.



Illogically logical. If that makes sense.



“Nakakatakot talaga kapag nahuli ka ng student council president.”



Halos lahat, may sari-sariling opinyon habang dumaraan ang isang lalaking hirap sa paglalakad. Puno 'to ng sugat at galos. May mga pasa at bahid din 'to ng dugo sa kung saan-saang parte ng katawan.



“T-tulungan na kita.” Inalalayan ko 'to nang hindi ko na napigil ang sarili pero bahagya niya lang akong itinulak at tiningnan na para bang takot na takot.



“Under suspension yata 'yan. Isang linggo siyang hindi pwedeng pumatay at patayin,” komento ng kung sino sa kumpulan tungkol sa isa na namang rule. “Baka mauna pa tayo sa kanya kapag sinuway natin ang president.”



Sinundan ko ng tingin ang kawawang lalaki hanggang sa tuluyan na 'tong makalampas sa harapan ko. Hindi ko ginusto pero ang mga patayan at ganitong eksena sa araw-araw ay unti-unti ko nang nakakasanayan.



Kung pangatlo o pampito ko nang linggo 'to sa K-High, ay hindi ko na sigurado. Malakas nga yata ang kapit ko sa suwerte dahil humihinga pa 'ko hanggang ngayon. Pero kanino nga ba ako mas dapat matakot: sa mga nakakasalamuha kong estudyante o sa hindi ko pa rin kilalang student council president?



Ito nga ang captain ng faction namin pero ni minsan ay hindi ko  pa 'to nakikita. Masyado yata siyang abala sa pagpapataw nang makapanindig balahibong parusa para makapaglaan pa ng oras magpakilala.



Maraming laman ang isip na itinuloy ko ang paglalakad patungo sa classroom na nakatakda kong pasukan. Nag-aaral kami gaya ng mga pangkaraniwang estudyante habang ginagabayan ng mga de kalibreng guro. K-High would've been such a good school if not for its abnormality.



Pasimple kong sinilip ng tingin ang mga estudyanteng nakakasabay sa paglalakad. Para lang din silang mga normal na mag-aaral na papunta na sa klase. Kung sana ay gano'n nga talaga. Hindi ko maikakaila sa sarili ang panlalamig dahil sa mga mata nilang alam kong nakamasid sa 'kin.



Kahit sa sarili kong classroom, sa pintuan pa lang, dama ko agad ang mga tinging galing sa loob na parang gusto nang tumarak sa 'kin.



That's where the thrill comes in. Dahil halo-halo ang mga faction sa bawat classroom, hindi mo alam kung sino ang kakampi at sino ang kalaban.



Napailing na lang ako nang maalala ang sinabi ni Unnie. Salamat sa kanya, mas lalo akong naging paranoid.



Siya lang ang bukod-tanging nakikipag-usap sa 'kin. Sa kanya ko lang din nalalaman ang ilan pang impormasyon tungkol sa eskuwelahan. Ang iba, kailangan ko nang madiskubre ng buhay ko ang nakataya.



Hahakbang na sana ako papasok at ipagwawalang-bahala na lang ang nakasunod na tingin ng mga kaklase ko nang biglang umalingawngaw ang isang matinis na sigaw. Paglingon ko sa pinanggalingan n'on, naaktuhan kong mabilis na nahuhulog galing sa mas mataas na palapag papunta sa pinakababa ang isang estudyante.



Dinumog agad ng lahat ang eksena. Mula sa corridor nang kinalalagyang floor, natanaw ko sa ibaba ang isang babaeng dilat ang mga mata habang may nakatarak na kutsilyo sa dibdib nito.



“Double dead,” komento ng nasa bandang kanan ko. “Nabawasan na naman ang Bloodlust.”



“'Yung dalawang nakitang patay sa open field kailan lang, taga-Bloodlust din, 'no?” tanong naman ng katabi nito.



Ibinalik ko ang tingin sa baba. Isang papel ang nakakuwintas sa babaeng nahulog. Larawan 'yon ng maskarang may mga pulang mata at pangil. Ang kalahating mukha ay puti samantalang ang natitirang kalahati ay itim.



Assassination report: Points to Death Gods.



Mensahe sa speaker bago nag-ring ang bell, hudyat nang pagsisimula ng klase.






Pagkatapos ng lahat ng subject ko, dumiretso agad ako sa library. Ang safe zone na madalas kong pamalagian. Pag-aaral ang ginagawa kong distraction para hindi na isipin pa ang kalagayang hindi ko na matatakasan.




Mabilis akong nilamon ng binabasa kahit kabubukas ko pa lang ng libro. Lumipas ang oras na hindi ko pa sana mamalayan kundi lang sa pagtikhim ng matandang librarian. Paglingon ko sa bintana, madilim na. Nagmamadali kong ipinasok sa bag ang mga gamit kong nakakalat sa mesa.



Wala ngang oras na ligtas sa K-High pero mas delikado sa gabi. Pag-aaral pa yata ang ikamamatay ko.



Isinilip ko ang ulo sa bukas na pintuan. Kaliwa't kanan ang ginawa kong paglingon saka dahan-dahang lumabas. Marahan kong inihakbang ang mga paa para makaiwas sa paggawa ng ingay. Iilang ilaw lang din ang bukas kaya hindi ko masyadong maaninag ang dinaraanan.



“May nakita kayo?”



“Wala.”



Pinigil ko ang sariling mapatalon sa gulat nang may mga lalaking nagbulungan sa kabilang dulo ng pasilyo.



Mabuti na lang talaga at madilim.



Maingat akong lumuhod at dumapa sa sahig. Gumapang ako palayo sa pinagmumulan ng mga boses.



“Teka, ano 'yon?”



Sukat sa narinig, napasubsob agad ako sa malamig na semento.



“Saan?”



“Doon o, parang may gumagalaw.”



Nanaig ang katahimikan ng ilang segundo. Halos pintig ng sariling puso ko na lang ang naririnig ko.



“Titingnan ko.”



Nang unti-unting lumakas ang papalapit na mga yabag, bumangon na 'ko at tumakbo.



“Habulin n'yo, dali!”



Tunog nang pagtapak ng maraming sapatos sa sahig ang sunod na umalingawngaw. May mga humahabol na naman sa 'kin.









K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon