LVI: The Detective

77.4K 2.7K 200
                                    


Auriel



“DESCRIBE in detail what the two of you did in the cafeteria,” pagpapatuloy na tanong ni Luciel kay Liam.




“Umorder kami ng parehong ulam ni Marco. Beef steak with vegetable salad. Miyembro kami ng basketball team kaya madalas karne at gulay ang kinakain namin.”




“Maraming nakain no'ng breakfast si Cassey kaya diet coke lang at hotdog sandwich ang binili niya.” Si Sophia naman ang nagsalita. “Sabay kaming pumila kasi iisa lang naman ang pag o-orderan namin ng pagkain. Nagkahiwalay lang kami no'ng kumuha siya ng diet coke niya sa vending machine. Ako naman kumuha ng tubig sa water dispenser para sa 'ming dalawa.”




“Wala kaming gana pareho ni Rainer kaya sa vending machine kami dumeretso pagkapasok namin sa cafeteria. Kape ang binili niya gaya ng araw-araw niyang iniinom. Ang sa 'kin naman, coke tapos kumuha lang din kami ng tubig sa dispenser bago umupo,” pahayag ni Paolo.




“Nang sinimulan nilang kumain at uminom naging kakaiba ba ang ikinikilos ng mga kasama n'yo?”




“Si Cassey bigla na lang nahilo tapos nagsuka.”




“Si Marco sumakit lang ang ulo. Ewan ko ro'n. Okay naman siya sa klase tapos biglang nagkamigraine.”




“Si Rainer namilipit sa sakit ng sikmura bago bigla na lang bumagsak.”




“First thing to find out: what kind of poison the culprit used.” Saglit na nag-isip si Luciel bago biglang binulungan si Canary. Pagkatapos, mabilis na lumapit sa isang bangkay ang huli at hiniwaan ito sa braso. Gano'n din ang ginawa niya sa iba pang katawan.




“Captain, tama ang sinabi n'yo,” pagbabalita ni Canary na nagpangiti kay Luciel.




Tahimik siyang tumayo na ako lang ang naglakas loob na sumunod. Ang iba ay hanggang sa mata na lang siya sinundan. Unang tinungo ni Luciel ang buffet table kung saan nakahilera ang mga pagkaing may kanya-kanyang nakatalagang serbidora. Tapos, inikutan niya ang mga water dispenser na hiwa-hiwalay na nakapuwesto sa  bawat pader ng cafeteria, maliban sa pader na nasa likod ng buffet.




Ilang segundo niyang tinitigan bawat dispenser na para bang may hinahanap siyang sagot habang ako ay wala namang napansing kakaiba. Normal lang para sa 'kin na may kalat-kalat na tubig sa paligid n'yon.




Natulala ako sa seryosong ekspresyon niya bago siya nagmadaling bumalik sa buffet table. Bigla siyang nagtanong sa pinakamatandang serbidora. “Who's incharge of the water dispensers?”



Agad namang itinuro ng matanda ang katabi nito na may katabaan. Dolores was on her name tag. Saglit na pinagmasdan ni Luciel si Dolores na parang hindi mapakali ang mga kamay at malikot ang mga mata bago kami bumalik sa kinatatayuan ni Xander at ng iba pa.




“Kasabay ng sobrang pamumula ng mga balat nila, ang huling sinabi ba ng mga kasama n'yo bago sila mamamatay ay hindi sila makahinga?”





Nagulat man sa sinabi ni Luciel ay sabay-sabay na sumagot ng oo ang tatlo. Sa reaksyon nila parang hindi sila makapaniwalang alam ng presidente kung ano ang eksaktong detalye. Kahit ako, nagulat sa tanong niya na para bang naroon siya habang nangyayari ang lahat.




Muling binalikan ni Luciel ang mga bangkay bago nagsalita ng malakas. “The poison used is cyanide."




Umalingawngaw agad ang bulungan.





“Cyanide acts fast once it enters the body. Mahihirapang huminga ang biktima na agad ding mamamatay depende sa dami ng cyanide na nakonsumo. Ilan sa sintomas na ang isang tao ay nalason ng cyanide ay ang pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng ulo o sikmura,” pagpapaliwanag ni Luciel na nagpahanga sa 'kin.




Siguradong sigurado siya sa pahayag niya.




“In addition to that, the victim's skin will turn unusually pink or cherry red because oxygen will stay in the blood and won't go into cells. Which these three confirmed that happened to their companions.” Tumango ang tatlo nang ituro sila ni Luciel. “Lastly, the victims blood will appear somewhat bluish due to the formation of iron complexes with the cyanide.” Hiniwaan niya ang isa sa mga bangkay sa bandang pulso kaya umagos ang may pagkakulay asul nga nitong dugo.




Napaawang na lang ang bibig ko sa mga narinig, samantalang karamihan ay pagkaaliw at pagkamangha ang nakikita kong ekspresyon kaya naisipan kong kalabitin si Canary. “Normal na lang ba 'tong ikinikilos ni Luciel?”




Nangunot ang noo ni Canary. “Syempre hindi, pero may ilang pagkakataon na ring naipakita ng presidente ang deduction skill niya noon.”





Ibinalik ko ang atensyon kay Luciel na para talagang detective kung kumilos at mag-analyze.





“So, cyanide was used. But how were the victims poisoned?” interesadong tanong ni Xander.





“Cyanide looks like salt or coarse sugar. Therefore easy to grind into powder and mix in food and beverage,” sagot ni Luciel.





“Based on what I heard, ang isa sa mga biktima ay kumain ng pagkain na katulad ng sa kasama nitong hindi nalason,” tukoy ni Xander kay Liam na kinain din ang kinain ni Marco. “And as far as I know, anyone from the students standing around us could have eaten what they ate. Bukod pa ro'n, dalawa sa biktima ay hindi naman kumain ng katulad na pagkain. Higit pa sa lima dapat ang death count at hindi dapat namatay ang dalawa sa naunang mga biktima,” patungkol niya naman kay Cassey na iba ang kinain at kay Rainer na hindi naman kumain.




“It's not the food. Cyanide was mixed with their drinks,” rebelasyon ni Luciel na nagpaingay na naman sa paligid. “Cyanide works best when mixed with liquid because it travels faster inside the body which the culprit is aware of.”





“Teka President, hindi ba nila malalasahan 'yong lason kung gano'n? Kahit pa'no naman siguro malalasahan nila na nag-iba ang timpla ng iniinom nila,” singit ni Liam. “Saka kung sa inumin inihalo, e di, sana lahat ng nasa cafeteria patay na? Maraming uminom galing sa water dispenser na ininuman din ng mga namatay.”





Imbes na sumagot, sa vending machine lumapit si Luciel. “Cyanide is tasteless. It's even rare for anyone to detect it by smell. The water dispenser in the cafeteria isn't contaminated.”




Natahimik ang lahat sa narinig.





Galing sa vending machine, lumabas ang tatlong inuming pinili ni Luciel. Isang lata ng diet coke, kape at bote ng mineral water, ipinatong niya ang mga 'yon sa isang mesa. “Only these three kinds of drink contains cyanide.” Nilingon niya si Liam. “Mr. Galiego, you drank from the water dispenser while Mr. Marquez got water from the vending machine.”




“T-tama. Sumasakit kasi ang tiyan niya kapag tubig galing sa water dispenser ang iniinom niya. Pero nakalimutan ko yatang sabihin 'yan kanina.”




Impormasyong si Luciel lang mismo ang tumuklas kahit hindi naman nabanggit ni Liam kanina na sa water dispenser nga siya uminom.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon