LIV: Mark

77.3K 2.7K 560
                                    



Canary




PAPADAAN ako sa hallway para maghatid ng mga papel sa faculty na nasa fifth floor nang masilip si Auriel sa ibaba. Nasa tapat na naman siya ng isang puno.




“Bagong biktima mo?” dukwang ko sa barandilya na ang tinutukoy ay ang punong sinisimulan niya nang ukaan. 




Napatigil siya sa mabilis sanang paghahagis ng hawak na patalim sa katawan ng puno.




Sa bilis ng mga dumaang araw, naka isang buwan na si Auriel sa ilalim ng pagtuturo ko. Ako ang naging saksi sa tatag at determinasyon niya. Sa tibay ng loob niyang matutong lumaban. Walang araw na sumuko siya. Nagpatuloy siya habang tinitiis lahat ng sakit at sugat sa mga kamay niya.




Nakangiti niya 'kong nilingon. “Mas malapit kasi 'to sa campus. Mas madaling makatakbo papunta sa classroom.”





Isang buwan din ang kinailangan para bumalik ang ngiti sa mga labi niya. Para makabalik kahit papaano ang pagkatao niya.




“Babalik ako. Ihahatid ko lang ang mga 'to.” Hindi na 'ko naghintay ng sagot at nagmadali na lang na humakbang papunta sa paghahatiran ng buhat na mga papel. Ilang minuto lang, pababa na 'ko pabalik kay Auriel.




Napahinto ako sa pag-abante nang madatnan ang isang estudyanteng nakadapa. Nakatapak sa ulo nito ang paa ni Auriel. Hawak din niya ang nakapilipit nitong braso. Bloodlust ang lalaking sumisigaw na sa sakit habang nakasubsob ang mukha sa lupa.



Tatakbuhin ko na sana ang kinaroroonan nila pero muli akong napako sa kinalalagyan nang mabilis na umilag si Auriel sa babaeng balak sana siyang saksakin mula sa likuran. Parang hangin, nakaikot siya sa tagiliran nito bago niya mataas na iniangat ang isang paa sa ere. Sa sobrang taas at diretso no'n parang wala siyang buto. Saka niya mabilis na pinabagsak ang paa kung saan saktong tinamaan ng kanyang sakong ang braso ng umatake. Napangiwi sa sakit ang kalaban bago tumilapon paitaas ang hawak nitong patalim na sinalo ni Auriel ng walang kahirap-hirap.




Hindi ko maisara ang bibig sa sobrang pagkagulat sa nasaksihang mga kilos ng dati lang ay takot na alaga ng presidente. Kinilabutan ako sa mga galaw niyang hindi ko inaasahang pwedeng maging gano'n ka-eksakto. Nang mahimasmasan sa pagkamangha, saka ko lang namukhaan ang babaeng naisandal na ni Auriel sa pader, si Janina Locsin ng Bloodlust.




Mga kampon ni Eunice.




Imbes na itarak sa lalamunan ni Janina ang patalim na hawak ni Auriel, sa pader na malapit sa mukha nito niya 'yon ibinaon. “'Wag ako Janina.”




Tulala lang ang tinutukoy ni Auriel hanggang sa pakawalan niya na 'to kasunod ang lalaking binalian niya ng braso.




“Pa'no mo nagawang kumilos ng gano'n?” salubong ko sa kanya nang makalapit.




“Hindi ko ba nabanggit na gymnast ako no'ng grade school?”




Lalong napaawang ang bibig ko dahil sa narinig na sagot. “Pero bakit hindi mo pa sila pinatay?” tanong na isinunod ko agad.




“Hindi ko babaguhin ang sarili o ang mga paniniwala ko dahil lang sa galit. Ako pa rin 'to.”



Tama ang presidente sa pagkakakilala niya kay Auriel.




“Oo, ikaw pa rin 'yan pero may attitude na,” dagdag ko na nagpatawa sa kanya.




Nararapat na sa puwesto niya bilang rank 17 si Auriel na pwedeng mas tumaas pa kung gugustuhin niya.




Didiretso na sana kami sa dormitoryo kundi lang sa matinis na tiling umalingawngaw. Kapwa kami napatingin sa isa't isa bago napatakbo papunta sa pinagmumulan ng boses. Walang kahirap-hirap naming inakyat ang bakod papasok sa swimming pool area ng K-High.




Auriel



PAGTAPAK ng paa ko sa tiles na sahig, napansin ko ang pigurang nakasuot ng hood bago 'to nagmamadaling umakyat sa pinakadulong pader papunta sa Forest park.



Nilingon ko si Canary na nakita rin ang papatakas. Parehong hindi maipaliwanag ang reaksyon namin bago siya lumapit sa tabi ng estudyanteng naabutan naming nakagapos ang kamay at paa habang umaagos sa buong katawan nito ang tubig galing sa pool. Pinulsuhan niya 'to sa leeg saka ako marahang inilingan.




Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kakaibang marka sa hinihigaang tiles ng bangkay.




“Ano'ng nangyari?" tanong ko sa nag-iisang buhay na nadatnan namin do'n. Tulala ang babae na nakaupo sa sahig.




“H-hindi ko alam. Naabutan ko lang si Evans na ganyan,” mangiyak-ngiyak na sagot nito na taga-Silent Killers.




“Wala siyang kahit anong sugat,” nakaluhod na sabi ni Canary sa tapat ng bangkay kaya napalapit na rin ako.



Sinuri ko ng tingin ang katawan. Walang palatandaan na sinaksak 'to. Walang dugo sa sahig o sa tubig ng pool.




“Patalim lang ang pwedeng gamitin sa pagpatay. May lumabag na naman sa batas ng K-High,” dagdag ni Canary.




It sounded illogical how someone can break an already absurd rule, but that's reality in this school. Killing using other than the knife given by K-High is considered cheating. It's foul play.




Unti-unting dumagsa ang mga estudyanteng nakarinig din sa sigaw at gustong mag-usyoso. Natahimik at nagbigay daan lang sila nang dumating ang presidente kasama ang bisi presidente.




Sandali kaming nagkatinginan bago ibinaling ni Luciel ang mga mata sa bangkay. Lumapit naman agad si Canary sa kanya para siguro sabihin ang naabutan namin kanina at mga napansin sa pinatay. Pagkatapos nilang mag-usap, sinenyasan niya ang ilang estudyante na buhatin ang katawan paalis sa kinalalagyan nito.





Nang tumambad sa mga mata namin ang nakaguhit sa tiles na pinag-alisan sa nalunod na lalaki, umalingawngaw agad ang bulungan. Ang bulungan na puro katanungan kung ano ba ang nakikita naming simbolo.




“This is spray paint,” ani Luciel nang hawakan at ilapit sa ilong ang kulay dugong ginamit.




“Could be an M or a W,” dugtong ni Xander habang sinusuri ng tingin ang malaking bilog na may letra ngang M na pwedeng W rin. Depende kung saang anggulo mo 'to titingnan.




“Or an A,” singit ko na nagpabaling sa kanilang tatlo sa 'kin.




Hindi lang basta simpleng M o W ang nakasulat. May pahigang linya pa sa gitna na pwedeng letrang A.

 May pahigang linya pa sa gitna na pwedeng letrang A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naputol lang ang titigan namin nang may dumating na mga unipormadong mga lalaki at bumuhat sa bangkay gamit ang isang stretcher. Bukod sa pagbabantay sa malaking pader sa palibot ng buong eskuwelahan, sila rin ang naghahatid ng mga namamatay na estudyante sa kanya-kanya nitong pamilya. Like devils delivering the dead.


K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon