LXXV: Darkness

74.2K 2.6K 430
                                    


Auriel



PAGKATAPOS magsalita ni Xander sa mikropono, itinaas naman ni Kiel ang kamay at mabilis na hinudyatan ang mga kasama niya para sumugod. Iglap lang, nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng mga estudyante ng K-High at mga miyembro ng Mercenaries.



“Using politics to lure people to die. The Bryceton's sure are scary,” komento ni Stephan na hindi pa rin ako binibitiwan.



Naglalaban na ang mga nasa paligid namin pero walang kumikilos kahit isa sa mga nakatayo sa gitna. Marami ang tumalima sa utos ni Xander pero marami rin ang kumuha ng pagkakataon para makatakbo. Hindi lahat handang mamatay para sa karangalan at koneksyon na makakamit ng pamilya nila kapag natapos ang gulo.



Napatingin ako kay Luciel na tumalon pababa ng entablado kasunod si Xander. Plano nilang harapin si Eunice at Kiel. Samantalang si Canary ay nakatayo malapit sa 'kin kaharap ang isang Mercenary.



Saglit na nagpakiramdaman ang apat sa baba bago naunang sumugod si Eunice kay Luciel. Kasunod no'n ay nagsimula na rin ang palitan ng atake nina Xander at Kiel.



Wala akong nagawa kundi sundan na lang ng mga mata ang bawat pag-ilag at pagsalag ni Luciel sa mabibilis na pagsugod ni Eunice. Ang mga patalim nila ay tila naging espada sa paningin ko.



“Relax. Pres can handle her,” pagpapakalma sa 'kin ni Stephan na napansin yata ang panginginig ng mga kamay ko.



“Natatakot lang ako na mawala uli siya sa 'kin,” sagot ko na sa tingin ko'y naintindihan naman ni Stephan kaya hindi na siya nagsalita pa.



Alam kong kaya ni Luciel ang sarili pero hindi pa rin maalis sa isip ko na baka mapahamak siya.



“Stephan, take your hands off my property,” sigaw ni Luciel na ikinagulat ko.




“What? Why? Sabi mo bantayan ko siya?” nakakalokong sagot naman ni Stephan kasama ang isang ngisi.




“Guard her, not hug her!” sigaw uli ni Luciel na nagagawa pa ring sabayan ang kilos ng kalaban kahit pa nakikipag-usap.



Napansin ko naman na humigpit ang hawak sa 'kin ni Stephan. Sa posisyon namin, para niya 'kong yakap mula sa likod.



“Can I stay like this for a few seconds?” bulong niya sa tenga ko.



Mahigpit kong hinawakan ang braso niya na nakayapos sa leeg ko nang maramdaman ang lungkot galing sa boses niya. Lungkot na hindi ko alam kung anong dahilan.



“Don't hold me like that, I might not want to let go,” malumanay niyang dugtong.




“Let go of her or else!” pananakot ni Luciel habang sinasalag sa ere ang patalim ni Eunice.




“Bye, Angel,” huling bulong ni Stephan sa 'kin bago nakatawang ginantihan ng sigaw si Luciel. “What a possessive boyfriend!” Bumitiw na siya at hinarap ang tatlong Mercenary na nasa entablado na pala.



Nanatili ako sa puwesto habang inaanalisa ng tingin ang kabi-kabilang labanan na nangyayari. Nauna kong naibaling ang mata kay Canary na saktong naalisan ng maskara ang kalaban na si Janina pala. Sunod ay kay Xander na nahihirapang ilagan ang mga pag-atake ni Kiel na kilala sa pagiging mabilis. Sa huli ay napako na ang mga mata ko kay Luciel at Eunice.



“You're so rude, President. Looking at someone else while I'm here in front of you.” Ngisi ni Eunice bago sunod-sunod na itinusok paabante ang hawak na patalim.



“My eyes will always be on one girl.”




“Really?” nakakalokong kontra nito. “Then, why are you looking at me now!” Sinabayan niya ang sinabi ng muling pag-atake paharap na sinundan niya agad nang mabilis na wasiwas patagilid na muntik nang makahagip kay Luciel. “And aren't you such a gentleman, Mr. President? Not having any intention of killing me?” dagdag nito na nakapagpaisip sa 'kin.



Pansin ko rin kasi na kanina pa sila naglalaban pero madalas ay pag-ilag lang ang ginagawa ni Luciel. Idagdag pa na iniiwasan niyang tamaan si Eunice sa parte ng katawan na pwede nitong ikamatay.




“Plano mo bang iregalo ako sa Underground Government, Mr. President?” nakangising dugtong ng babae na naging mas agresibo na sa kilos dahil natuklasan na ang balak gawin ng kinakalaban.




Napaatras si Luciel pagkatapos salagin ang sipa na tatama sana sa sikmura niya. “I don't care about the government. I'm not going to kill you because someone taught me that killing isn't the only way.”



“So unfortunate for you then, because there's no way you can stop me with your half assed philosophy.”



Patakbong sumugod si Eunice pero imbes na patalim ang gamitin, malakas niyang isinipa ang kanang paa papunta sa kaliwang parte ng mukha ni Luciel na muli rin nitong nasalag gamit ang braso. Sinundan ni Eunice ang kilos ng agarang pag-ikot patalikod mula sa kaliwa kung saan ang kaliwang paa naman ang ginamit niyang pang sipa, na bagama't hindi inaasahan ni Luciel ay bahagya pa rin nitong nasangga.



Sa muling pag-ikot ni Eunice, may kung ano siyang ini-spray sa mga mata ni Luciel kaya nahirapan 'tong dumilat.




“I just love the scent of Louis Vuitton.” Amba niya sa hawak nang patalim.



Hihiwa na sana kay Luciel ang talim n'yon kundi ko lang napigil sa ere ang kamay ni Eunice gamit ang sarili kong kamay saka siya malakas na siniko sa mukha. Nagdurugo ang labing napaatras siya mula sa kinatatayuan.




“Not Luciel, Eunice.” Sinalubong ko ang mga mata niya ng masamang titig.



“The saling pusa finally decided to join.” Nilinis niya ng dila ang konting dugo sa labi.



Aatake pa sana siya pero pareho kaming natigilan nang may aninong bigla na lang sumulpot sa likuran niya at tinutukan ang leeg niya ng patalim.



“I'll tell you a secret, the Bryceton heir isn't the vice president,” sabi ng malamig na boses bago itinarak sa batok ni Eunice ang patalim na tumagos hanggang sa leeg. “Pinaikot ka lang nila,” huling anas ng tinig sa captain ng Bloodlust na nakasadlak na sa sahig ang katawan at nahihilamusan ng sariling dugo.



Dahil sa pagkatulala hindi ko agad napansin na nasa harap ko na si Luciel at nakaharang sa pagitan namin ng principal. Tahimik silang nagtitigan samantalang nakatingin lang ako sa bangkay ni Eunice na kisapmatang pinatay tulad sa parehong paraan ng pagkakapatay niya kay Yasmin noon.


“Xander.”



Tila naging hudyat ang pagtawag ng principal para saksakin ng tinutukoy si Kiel na balak sanang umatake matapos makita ang kasintahan na wala nang buhay. Iglap lang, pareho nang nakahandusay sa sahig ang dalawang pinuno ng Mercenaries.



Napakapit naman ako kay Luciel na bigla na lang napaluhod sa hindi ko malamang dahilan. Mayamaya pa'y nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa kung anong tumusok sa balikat ko. Segundo lang ay tuluyan nang umikot ang paningin ko. Namalayan ko na lang na nakadapa na 'ko sahig katabi si Luciel.



“Kill all the Mercenaries.”



Narinig kong utos ng principal bago napuno ng nakakabinging putok ng baril ang buong gym.




Pinilit kong labanan ang antok na nararamdaman pero unti-unti akong napapikit. Wala na 'kong nakita at narinig kundi purong kadiliman at katahimikan.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon