VIII: Secret Meeting

103K 3.9K 432
                                    

Chapter VIII
Secret Meeting


Auriel

Humahangos at walang direksyon akong tumakbo hanggang sa unti-unting kusang bumagal ang mga hakbang ko. Namalayan ko na lang na nakaupo na 'ko sa tabi ng isang basurahan na nasa isang pasilyong hindi masyadong naaabot ng liwanag galing sa labas.


Napayuko ako sa kinalalagyan. Isinubsob ko ang mukha ko sa sarili kong mga palad. Gusto kong umiyak na hindi ko maintindihan. Ilang minuto din akong nanatili sa gano'ng posisyon bago nakapagdesisyon.



Babalik ako! Hindi ko sila pwedeng pabayaan lang!



Tatayo na sana ako para takbuhin ang lumang fountain nang may narinig.



“Anong meron?”



Halos hindi ako gumalaw dahil sa boses na 'yon ng isang lalaki sa 'di kalayuan. Hindi ako basta na lang makakaalis.



Imbes na takot, mas nanaig ang kuryosidad ko. Ang parehong kuryosidad na naghatid sa 'kin sa eksena kanina lang. Pasimple kong ini-angat ang ulo mula sa pinagkukublian. Apat na hugis ng tao ang nasilip kong magkakaharap sa dilim.



Naglabas ang isa ng patalim. “Kayo ang dapat kong tanungin n'yan!”



Gagapang na sana ako palayo kundi lang sa sunod na nagsalita.



“Chill, Yas. Stressed ka lang.”



Napasiksik ako sa basurahan nang mabosesan ang tinig at tawa nito. It was Stephan.



“This isn't stress, this is pure loathe!”



Saka ko lang napansin na babae pala ang may hawak ng patalim.



“Magkakasabwat kayong tatlo! Gusto n'yong pabagsakin ang Bloodlust!” sigaw nito.



“Calm yourself, Yasmin,” awat ng lalaking una kong narinig magsalita kanina.



Apat sila pero tatlo lang sa kanila ang nag-uusap. Ang isa, pinagmasdan ko habang tila walang pakialam sa nagyayari sa harap niya. Dahil sa dilim ng kinalulugaran, hindi ko maaninag ang mga itsura nila. Maliban kay Stephan na nakatatak na yata sa isip ko ang pagmumukha.



“Why not just end everything now?”



Nang magsalita ang kanina pang tahimik, agad dumistansya ang tatlo. Nagulat pa 'ko nang makitang may hawak nang patalim si Stephan at ang katabi nitong lalaki. Sa bilis nila, hindi ko napansin kung kailan nila 'yon inilabas.



Mas nadagdagan ang tensyon sa pagitan ng apat. Mas nabalot sila ng katahimikan habang nagpapakiramdaman.



“This is hell, nobody's safe.” Muli 'tong nagsalita samantalang alerto pa rin ang tatlong nasa harap niya. “Ms. Balmaceda, you should know better.” Nagsimula 'tong maglakad habang nanatiling nakahanda sa kung ano pang pwedeng mangyari ang mga naiwan niya.



Napaawang ang bibig ko nang tumigil 'to sa harap ng basurahan at binalingan ako ng masamang tingin. Pa'no niya nalaman na nandito ako?



Marahas niya 'kong hinablot sa braso at itinayo. Napaigik ako sa lakas ng paghila at higpit ng hawak niya.



“Sino 'yan?”



Lilingunin ko sana ang sumigaw na si Stephan pero mas hinila ako palapit ng lalaking may hawak sa 'kin. “Don't look,” may diing bulong nito sa 'kin bago sinagot ang tanong sa kanya. “A filthy rat.” Hawak ang braso ko, kinaladlad ako nito palayo.



Mas gugustuhin ko pa yatang si Stephan na lang ang nakahuli sa 'kin kaysa sa lalaking katabi na presensiya pa lang, nakakaparalisa na. Nakakakilabot na ang makadikitan lang siya ng balat.



Hindi ko naaninag ang mukha niya nang hatakin niya 'ko kanina dahil sa dilim. Hindi ko rin siya magawang tingnan ngayon. Iniiwasan ko ang nakakasindak niyang titig na kanina ay sandali kong namalas.



Walang sinabi ang takot na nararamdaman ko kay Stephan sa takot na kumakain sa 'kin ngayon.



Lahat ng madaanan naming estudyante na nasa eskuwelahan pa, nangingilag sa kanya. Takot agad ang rumirehistro sa mga mukha nila matanaw pa lang kami sa malayo.



“Of all the places you could be, do'n mo pa napili sa lugar kung nasaan ang mga pinakademonyo.”



Gumapang ang lamig sa buong katawan ko kahit pa mahinahon lang siyang nagsalita.



“P-patayin mo na lang agad ako.” Nagawa kong sabihin sa kanya na basahang panlampaso yata ang turing sa 'kin.



“No one can tell me what to do.”



“Make it quick and painless, please.”



“Ang tapang mo para kausapin ako.”



“I'd rather request how to be killed than to beg for my life. A-alam ko namang walang awa ang mga gaya—” Napipilan ako sa sama ng titig niya.



His jaw clenched. “You talk too much.” Itinulak niya 'ko paupo sa lupa saka binitiwan ang braso kong lamog na dahil sa higpit ng kanyang kapit.



“May nagpapatayan daw na magka-faction sa lumang fountain,” sigaw ng kung sino na nakapagpalingon sa 'kin.



Pwedeng ang tinulungan ko kanina ang tinutukoy nito.



“I can't kill you even if I want to. Thank your luck for that,”
walang anumang sabi ng nasa harap ko bago 'to naglakad patungo sa pinanggalingan ng sigaw.



Hindi pa man humuhupa ang kaba sa dibdib ko, nagawa ko pa ring tumayo at tumakbo. Pinili kong umalis kahit pa nasa likod ko na ang dormitoryo.



Tumakbo ako sa gitna ng kadiliman patungo sa lugar kung nasaan ang lumang fountain. Saktong kadarating lang din ng lalaking kanina lang ay may kapit sa 'kin nang dumating ako.



“Ang president.”



Napako ako sa kinatatayuan nang marinig ang isang estudyante na tumukoy sa kanya bilang ang student council president. Mas lalo akong hindi nakagalaw dahil sa 'kin na pala nakatingin ang lalaking kinatatakutan ng lahat, ang captain ng faction na kinabibilangan ko.



That's what he meant when he said I was lucky.



Nawala lang sa 'kin ang atensyon ng presidente nang ibaling nito ang paningin sa mga bangkay na nakahandusay sa lupa.



“Magsalita ang nakakita sa insidente,” tanong nito na nakapagpatahimik sa iilang estudyanteng naroro'n.



Nabakasan agad ang lahat ng takot sa simpleng buka lang ng bibig niya.



Ilang segundo ang lumipas bago ako nagkalakas-loob na magsalita. “Ako,” pag-amin ko na nagpa-ugong ng bulungan.



Blanko ang ekspresyon ng presidenteng tinanong ako. “Ano'ng nangyari?”



Mapait kong tiningnan ang tatlong nakahiga sa lupa. Carlo and Karen are dead from multiple stab wounds while Stella only has one. A knife is on her chest.



I said everything I saw. From how it started until the last scene before I ran away. But I never mentioned about the affair that happened between the three of them. I just stated that they belonged to one faction.



“Sana hindi ko na lang sila iniwan,” naisatinig ko na lang pagkatapos.



“Kung nanatili kang kasama nila, apat na bangkay sana ang iniimbestigahan ko ngayon.”



Kasabay ng panlalamig, natigilan ako dahil sa sinabing 'yon ng presidente.



“The weak are meant to die together,” nakangisi niya pang dagdag na nakapagpatahimik sa 'kin.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon