XXXVII: Last Dance

81.5K 2.8K 410
                                    

Chapter XXXVII
Last Dance



Auriel





“What the? Hell's Scythe lang ba ang  kayang pumatay gamit ang mga boses nila?” biro ni Stephan. “Anyway, give it up for the twisted little red riding hood.” Pagbibigay na nito ng stage kay Eunice bago bumaba.




Can't count the years on one hand that we've been together.
I need the other one to hold you.
Make you feel, make you feel better.”



Damang-dama ni Unnie ang pagkanta na bagay rin sa malamig niyang boses.




Mas nadagdagan naman ang mga estudyanteng nagsimula nang magtalunan kasabay ng kanta na para bang nasa isa silang concert.





I should be over all the butterflies. But I'm into you (I'm into you). And baby even on our worst nights, I'm into you (I'm into you).”




“Marunong palang kumanta si Unnie,” bulong ko sa sarili. Napatayo na 'ko sa kinauupuan para lang matanaw ang buong performance niya.





“Lahat naman tayo marunong kumanta,” giit ng presidente na ikinalingon ko sa kanya.





“M-marunong ka, President?”





“You want to hear it?”




Nakaramdam ako ng excitement dahil sa narinig.



“Lean closer.”




Bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya.




Rock-a-bye baby, on the treetop
When the wind blows, the cradle will rock.”




Nakangiwi akong napasalampak ng upo sa upuan ko pagkatapos marinig ang kinanta niya. Nasa mga labi niya naman ang mapang-asar na ngiti.




“Kahit bata kayang kantahin 'yan.” Umasa pa naman ako.




“Kaya kong kumanta.” Tinitigan niya 'ko ng seryoso. “Pero gusto kong ikaw lang ang makakarinig at makakakita. Just you.”





Napaawang na lang ang bibig ko eksaktong marinig ang mga salitang 'yon.




I'm into you, baby, not a day goes by that I'm not into you.”





Saka ko lang namalayan na katatapos pa lang kumanta ni Unnie na medyo ikinagulat ko. Kanina kasi'y parang tahimik ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang presidente.




Nilingon ko ang katabi na sa entablado na nakaharap kaya do'n ko na lang din ibinaling ang paningin.





Pagkatapos ng palakpakan, may ilan pang sumubok na lumaban hanggang sa nauwi na sa pagpili ng mananalo.




“Clap when I place my hand over the contender that you're in favor of.”




Itinapat ni Stephan ang kamay kay Kiel. Umulan ng palapakpakan. Gano'n din kay Unnie. Mahinang palakpak naman ang naging tugon sa dalawang huling sumali kaya bumaba na ang mga 'to.




“Alright, one last time!” ani Stephan.





Nagpalakpakan uli sila para kay Kiel pero mas malakas na ang sumunod na mga palakpak para kay Unnie.




“Obviously the winner is, Eunice Ferrer of Hell's Scythe!”




Nagtatalon naman sa tuwa si Unnie habang kumakaway sa mga estudyante sa tapat ng stage.




“Time for me to step down the stage. This has been your host Stephan saying, enjoy the night because tomorrow you won't have the chance.” Bumunghalit 'to ng tawa. “Let's hear one last song from our winner!” pagpapaalam nito.





“Let's rock K-High!” Nakataas pa ang isang kamay ni Unnie bago nagsimulang tumalon at kumanta.




No sir, well I don't wanna be the blame, not anymore. It's your turn, so take a seat we're settling the final score. And why do we like to hurt so much?




Nagtayuan na ang iba pang nakaupo lang kanina. Naisipan kong makigulo na rin kaya hinila ko ang presidente patungo sa mga naghihiyawan at nagtatalunang estudyante. Nang makarating sa gitna, sumabay ako sa pagtalon habang hawak pa rin ang kamay ng presidente na parang tuod lang na nakatayo. Si Unnie naman ay naghe-head bang na sa entablado.




That's what you get when you let your heart win, whoa. That's what you get when you let your heart win, whoa.





Nagulat na lang ako nang mapansing naiiling pero napapangiti na ang katabi kong natutuwa na rin yata sa sitwasyon. Nginitian ko siya.




Pagkatapos ng kanta ni Unnie, naupo na uli kami. Mula no'n, puro pang sayawan na ang tinugtog ng live band kasama ang babae nilang bokalista.





Pinanood ko lang ang mga estudyanteng pabalik-balik na sumasayaw sa gitna. Nang silipin ko ang presidente, wala na 'to sa upuan niya. Inilibot ko ang mga mata pero hindi ko na rin siya nakita sa gym. Mukhang iniwan na 'ko nito nang hindi man lang nagsasabi. Nakapangalumbaba kong ibinalik ang mga mata sa mga sumasayaw.





“I know we all hope that this night could last longer.” Muling nagsalita sa ibabaw ng entablado si Yasmin. “Unfortunately, that's a very impossible wish. Especially, here in K-High. And so, let us end the night with Kill Break's last dance.”





Nagpalakpakan bago pumailanlang ang huling kanta ngayong gabi.




When you hold me in the street and you kiss me on the dance floor, I wish that it could be like that. Why can't it be like that. 'Cause I'm yours.”






Mas dumami ang magkakaparehang sumasayaw dahil nga 'yon na ang huli nilang pagkakataon. Huling beses para maisayaw ang taong gusto nilang isayaw. Para ngang nananadya ang kanta; pinatatamaan ang mga may lihim na relasyon o ang mga nagkakagustuhan na hindi pwedeng ipangalandakan ang mga nararamdaman nila.






Mamamatay ang sinumang magmahal sa K-High ng lantaran.






————————
A/N:

Songs featured

Still Into You by Paramore
Secret Love Song by Little Mix

K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon