Epilogue

122K 4.3K 1.6K
                                    



“Good morning, Hany” masuyong bati ni Luciel na gumulat sa 'kin saktong nabuksan ko ang pinto.



“Luciel, sabi ko naman sa 'yo magpapahatid na lang ako kay manong Danny, 'di ba?”



“Gusto kong ako ang naghahatid sa 'yo araw-araw. We go to the same university what's wrong with that?”




Wala na 'kong nagawa nang halikan niya ang kamay ko bago ako igiya papunta sa sasakyan niyang naka-park sa garahe.



Ayoko sanang magpahatid sa ngayon dahil katatapos lang ng midterms at siguradong napagod siya sa walang tulugang pag re-review.




“We go to the same university, but our class schedules are different, Hany,” paliwanag ko na hindi niya pinansin na ngayon ay nakasakay na.




Napailing na lang ako bago sinulyapan ang bahay na nabawi ko mula sa tiyahin ko dalawang taon na ang nakakaraan. Nabawi ko ang lahat mismong araw na nakalabas ako mula sa K-High sa tulong na rin ni Luciel. Sino ba naman kasi ang hindi mangangatog ang tuhod at magkukumahog na umalis pagkatapos marinig ang pangalang Bryceton.




Ilang minuto lang, pumaparada na ang sasakyan ni Luciel sa loob ng campus. Nakangiti akong lumabas pagkatapos niyang ipagbukas ng pinto at alalayan.




“Want to be part of the student council?” Inalok kami ng estudyanteng nadaanan ng isang papel na iniaabot din nito sa iba pang dumaraan.



“Wala kang balak tumakbo? Open pa yata ang registration,” pigil ko kay Luciel na itatapon na sana ang hawak na papel sa basurahan.



“I'd rather spend every second with you, Hany. Besides, this university won't be able to handle someone from K-High.”





Nakita ko pang nangingilag ang ilang nakasalubong namin bago ko siya sinang-ayunan. “I think they'll never be ready for that.”




Karamihan kasi ng mga nakapagtapos din sa K-High, sa unibersidad na 'to napiling mag-aral. Kilala kasi ang eskuwelahan ng mga mayayamang pamilya. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi 'to hawak ng Underground Government o ng kahit anong organisasyon.




“Saan mo balak maghintay, Luciel? Mamayang tanghali pa—”  Tatlong ballpen ang mabilis na lumipad patungo sa direksyon namin kaya hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin. Dalawa ang nasalo ni Luciel gamit ang mga daliri habang ang isa ay nasa akin.




“Good job!” nakatawang bati sa 'min ni Stephan na siyang nagbato ng mga ballpen.




“Akin na ang mga 'to,” tukoy ko sa mga hawak na isinisilid na sa loob ng bag ko. “Pens are for writing, Step. They're not darts nor arrows nor daggers nor—”



“The list could go on forever,” ani pa nito. “Tatandaan ko ang paalala mo. Lalo na't nasa 'yo na lahat ang ballpen ko.” Tawa na naman niya.




“I guess old habits really die hard,” singit ni Xander na kasunod lang ni Stephan.




Ang pagpapaalis sa kanya ni Luciel noon ay pagpapanggap lang. Ginawa nila ang palabas sa harap ni Serenity para putulin ang koneksyon ni Xander sa mga Bryceton. Pinalaya siya ni Luciel.





“I couldn't agree more.” Totoong hindi na maaalis sa 'min ang mga natutunan sa K-High. Parte na ng pagkatao namin ang mga naranasan sa loob ng eskuwelahan. “Kumusta si Canary, Step?” baling ko sa kinakausap.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon