II: Sergeant at Arms

146K 4.1K 730
                                    

Chapter II
Sergeant at Arms

Auriel



Pinasadahan ni Stephan ng tingin ang lahat ng nasa kuwarto.  “This is Kill High, an infamous assassination institute! Bukod sa pag-aaral, ang gagawin n'yo rito ay pumatay at manatiling buhay!” puno ng diing dagdag niya na para bang gusto niyang tumatak sa isip namin ang mga sinasabi.



Everything he spouted was too absurd to be real. Masyadong mahirap paniwalaan.



The other student's reaction are mixed. Some feared, but most were smiling. Gaya ni Eunice na abot-tenga ang ngiti.



“Kunin n'yo 'yang kahon na nasa ilalim ng upuan n'yo.”



Mabilis na tumalima ang lahat. None questioned Stephan. How could we after what we've seen a while ago?



Maliit na pahabang kahon ang nakita ko na ilang beses kong pinag-isipan bago damputin. My hands were shaking from the time my fingertips touched the box till the moment I let go of it on my table.



Agad namang nasagot ang tanong sa isip ko sa kung ano ang laman n'yon nang iwasiwas ni Eunice ang patalim na hawak.



“This is a very good knife, ” komento pa nito bago humagikgik.



Iginala ko ang mga mata. May ilang nakitaan ko nang pagkalito. Mga hindi rin makapaniwalang tulad ko. Pero gaya kanina, karamihan ay natutuwa sa paraang nakakatakot nang isipin kung bakit.



“Those of you who're still not opening the box, what are you waiting for?! Forever?!” sigaw ni Stephan na mukhang ako ang tinutukoy.



Nang balingan ko siya, saktong nagtama ang mga mata namin. Sa 'kin nga siya nakatingin. Pati na ang iba pang mga estudyante sa kuwarto.



“You there! Dork with the fucking glasses.” His tone of voice terrified me. It made me tremble. “What the hell is your name?!” paasik niyang dagdag.



“A-Auriel Fortalejo.” Pigil ang kaba, dahan-dahan akong tumayo.



Nangunot ang noo ni Stephan sa 'di malamang dahilan bago muling nagsalita. “Well, Ms. Fortalejo, ako pa ba ang gusto mong magbukas ng kahon na 'yan para sa 'yo?”



Kung nakamamatay ang titig, kanina pa siguro ako nakabulagta sa sahig.



Hindi na 'ko sumagot. Dali-dali ko na lang binuksan ang kahon. At gaya ng inaasahan, patalim nga ang nasa loob. Sa sobrang talas n'yon, kahit yata idampi lang sa balat, makakahiwa na.



“Read the paper inside the box,” mahinahon nang wika ni Stephan, samantalang naro'n pa rin ang matalim niyang titig.



“Papel? A-anong papel?”



“You already have four eyes, do you want me to make them six?!” gigil na bulalas nito na sinabayan pa nang malakas na paghampas ng mga palad niya sa mesang nasa harap.



Nahagip ng paningin ko ang mga kasama sa kuwartong mukhang naaaliw sa kinalalagyan kong sitwasyon. Halos lahat sila, nakangiting nanonood.



Hinanap ko sa loob ng kahon ang papel na tinutukoy ni Stephan. Laking pasasalamat ko nang makita 'yon.



“Read that aloud.” Hindi pa man ako nakakabawi ay utos na nito.



“K-korosu High Ground Rules.” Pinilit kong 'wag ipahalata ang panginginig ng boses ko. “First rule, killing is allowed anytime... b-but never be caught.” Muntik na 'kong pumiyok. Halos manuyo kasi ang lalamunan ko sa mga nakasulat pa. “No killing within the safe zones. P-punishment awaits those who won't obey.”



“Eventually, malalaman n'yo rin kung ano ang tinatawag na safe zone,” walang anumang putol ni Stephan. “Continue.”



All I could do was bit my lower lip to keep the irrationality of the rules to myself.



“Relationships are prohibited.”



“Three basic rules. Madaling tandaan. Madaling intindihin. Especially, the last one. Having a relationship in K-High is the gravest sin a student can commit. Patayan hindi landian!” pagbibigay-diin niya pa. “Crush, admiration, like, and most definitely love are all banned in here.  Feel any of those, and you're dead!”



Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko na nagpabagsak sa 'kin sa upuan. Mabuti na lang, wala na sa 'kin ang atensyon ni Stephan.



“The rest of the shitty stuff in this school is for you to discover on your own. Ang iba malalaman n'yo na lang kapag nalabag n'yo na.” The smirk that formed on his lips was devious. “We encourage students here to learn from their mistakes. That is, kung buhay pa sila pagkatapos magkamali.”



Wala ni isa sa mga naririnig ang kaya pang maiproseso ng utak ko.



“May isa pang papel sa loob ng kahon. A map that'll direct you to your faction and territory.” Muling bumalik ang masayahing ngiti sa mga labi ni Stephan. “So, that's it, I guess.”



In a matter of seconds, his cheerful demeanor is back. It's as if the fear he made everyone feel a while ago was nonexistent.



“And before we all go, and meet our destiny.” Humakbang siya papunta si pinto. “I would like to leave K-high's well-known motto: Kill or be killed. Death to those who are weak to survive.” Stephan winked, and with his two fingers by his temple, made a playful salute. “See you all in campus.” Saka 'to walang lingong lumabas.



Naiwan akong lito. My mind is in shock. Hindi ko ma-absorb ang mga nangyayari. Napasubsob na lang ako sa sariling mesa bago tuluyang nilamon ng mga tanong sa isip ko.





—————————

A/N: Fan Art by secretdreamer24

A/N: Fan Art by secretdreamer24

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon