XII: Angels in Hell

99.4K 3.6K 618
                                    

Chapter XII
Angels in Hell



Auriel





Bahagya akong sumilip sa pintuan ng library nang makitang nakalampas na si Canary. Tama na ang isang beses na paghingi ko ng tulong sa kanya. Nang mawala na siya saka ko lang sinimulang takahin ang pasilyong salungat sa dinaanan niya.




“Ayan na!” sigaw agad nang kung sino galing sa likuran.



Wala talagang balak ang mga taga-Bloodlust na lubayan ako.





“Baka mapahamak tayo rito. Safe zone 'to.”




“Hindi naman natin papatayin. Ang utos lang sa 'tin, hulihin at itali. Ang captain na raw ang bahala pagkatapos.”





Usapan ng dalawa sa mga humahabol sa 'kin na kumumpirma sa hinala ko. Alam na nga ng sekretarya ng student council na ako ang nakakita sa kanila ni Stephan. Wala nang pag-asang tigilan ako ng mga miyembro nito.






Halos maabutan na nila ako kaya naitulak ko na lang pabukas ang unang pintong nasalubong. Ramdam ko ang bigat ng paghinga ko nang isandal ko ang tenga sa pintuang pinasukan.





“Sa'n nagpunta 'yon? Imposibleng dito? Opisina 'to ng student council.”




Napatda ako sa narinig. Saka ko lang naalala kung ano nga pala ang unang kuwarto sa pasilyong tinahak.




“Tara, doon tayo.” Tuluyan ko nang narinig ang mga yabag nilang papalayo. “Delikado rito.”





Nanlalaki ang mga matang iginala ko ang paningin sa loob. May tig-isang mesa ang nasa kaliwa at kanan. Meron ding mesa sa pinakadulo ng kuwarto kung saan naro'n ang bintana at isa pang nasa tapat ko. Ang apat na mesa ay sa gitna nakaharap na animo'y bumubuo ng isang parisukat. Nakapatong sa bawat isa ang plake na nagsasaad ng kanya-kanyang pangalan at posisyon ng mga miyembro ng student council.




Muntik na 'kong mapatili nang mag-isang umikot paharap sa 'kin ang upuang nasa tabi ng bintana. Nang makita kung sino ang naro'n, naisip kong sana multo na lang talaga ang nakaupo at nasa harap ko ngayon.





“What can the student council do for you?” nakangising bati ng student council president na siyang kumaladkad sa 'kin ilang gabi na ang nakakalipas.





“Wala.” Akmang bubuksan ko na ang pinto para makalabas pero may kamay na nagtulak uli no'n pasara.





Napako ako sa kinatatayuan nang eksaktong nagtama ang mga mata namin ng lalaking nasa tabi ko na pala. Sa bilis niyang nakalapit, pagkamangha at takot ang sabay kong naramdaman bago narinig ang pag-click ng lock sa pinto.




“What's your name?”




Ilang segundo bago ko nagawang sumagot. “Auriel Fortalejo.” Nakatingala ako dahil sa tangkad ng kaharap.




“One of the Seven Archangels. The fire of God.” Muling bumalik ang makapanindig balahibong ngisi sa mga labi niya.




“Anghel ka rin naman L-Luciel Villaseran.” Nasilip ko ang pangalan niya kanina sa plakeng nasa mesa niya. “The fallen angel who then became Lucifer.”




“Not bad. Your glasses are not just for show. Nag-aaral ka,” anas niya bago isandal ang kamay sa pintong nasa likuran ko. Mas napalapit no'n ang distansya sa pagitan namin. “Now answer me, why is Bloodlust after you?”



Pa'no niya nalaman ang tungkol do'n?



Tiningnan ko siya sa mga mata. “Hindi ko alam.”




“Liar, alam kong may itinatago ka,” mahinahon pero may diin niyang wika. “You dare lie in my face?”



Ang kilabot na naramdaman ko sa kanya noon ay dama ko na naman ngayon.



“Uulitin ko ang tanong, Ms. Fortalejo.” Mas inilapit niya ang mukha sa 'kin. “Ano ang nalalaman mo?”



Pilit kong sinabayan ang matalim niyang titig kahit pa parang gusto ko nang mapaupo na lang sa sahig. “Wala!”




“Handa kang magsinungaling maprotektahan lang ang taong gusto kang patayin?” Ang matalas niyang tingin ay nahaluan ng pagtataka.



“Wala akong pinoprotektahan! I'm rebelling against the rules of this godforsaken school!” Ang galit na matagal ko nang kinikimkim ay tuluyan nang sumabog sa harap pa mismo ng student council president. “Wala akong aaminin kahit kanino, mamatay man ako!”




“Rebelling?” Napuno ang silid ng malademonyo niyang tawa.




Sandali niya 'kong tinitigan bago bigla na lang hinawakan sa braso at kinaladkad palabas sa opisina ng student council.




Sa halip na itanong kung saan niya 'ko dadalhin, iba ang lumabas sa bibig ko. “Parurusahan mo ba siya?” Wala nga akong nabanggit na pangalan pero alam kong alam niya na kung sino ang tinutukoy ko. Kilalang matalino ang presidente.






“Why would I? Hindi sapat na ebidensya ang mga sinabi mo,” walang anumang tugon niya bago medyo lumuwag ang pagkakakapit sa 'kin.






Kung hindi sa Bloodlust, saan niya 'ko balak dalhin?






Ilang minuto niya 'kong hinila bago namin narating ang isang gamit na gamit na safe zone.






“Avert eyes and there will be consequences!” bigla niyang sigaw na gumulantang sa mga nasa cafeteria. Lunch break kaya karamihan ng estudyante ay naririto.





Halos lahat, napatigil sa pag-nguya at pag-subo. Pati ang mga naglalakad, napako sa puwesto. How could they not when they are in the presence of the student council president?






“Starting today until the moment she dies, this girl is my pet!” Awtomatikong napanganga ang lahat bago napunta sa 'kin ang atensyon nila. “To those who have their eyes on her, go on and kill her, but you better make sure I'm not looking,” pahayag niya pa bago ngumisi.





“Auriel is the angel who steered Satan towards the newly created earth,” makahulugan niyang bulong sa 'kin. “Gusto kong malaman kung pa'no pa mas magiging impyerno ang K-High dahil sa 'yo.” Iyon lang at kusa na siyang bumitiw sa braso ko saka naglakad palayo.




He must be playing with me.






Masamang titig ang natanggap ko galing sa lahat ng naroro'n. At nang dumako ang paningin ko sa captain ng Bloodlust, tulala nitong nabitiwan ang hawak na tray.





This is already hell, how else am I going to make this place more hellish?





-------

A/N: Thanks for this Fan Art Yena-yenyen3

A/N: Thanks for this Fan Art Yena-yenyen3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon