LXIX: Till I Tasted You

71.1K 2.9K 1K
                                    


Auriel



HINDI ako nabigo sa paghihintay nang marinig ang ilang mahinang katok sa pinto ng kuwarto ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa inaasahan kong bisita.



“Bukas 'yan.”



Pumihit ang seradura bago iniluwa ng pinto si Luciel na napangiti na rin nang may mapansin sa 'kin. “I see that you're taking good care of my clothes,” tukoy niya sa damit ko.




Sinadya kong isuot ang t-shirt at jogging pants na ibinigay niya sa 'kin noon.



“Para na tayong kambal.”



“No, we're a couple,” sabi niya bago naupo sa kama katabi ko. Halos magkatulad kasi ang suot naming damit at jogging pants. “Inaantok ka na ba, Hany? O gusto mong mag-usap muna tayo?”



Nginitian ko siya bago inabot ang pencil holder ko na nasa side table. Pumilas din ako ng isang papel bago pinag-krus ang mga binti ko at naupo sa tabi niya. “Maglaro tayo,” suhestiyon ko.




Plano kong sulitin ang mga gabi na makakasama ko siya nang kami lang. Hindi na kasi kami nakakapag-usap ng matagal dahil sa sunod-sunod na nangyari.




“Isusulat mo sa bawat piraso ng papel ang mga tanong na gusto mong sagutin ko. Gano'n din ang gagawin ko.” Iniabot ko sa kanya ang mga papel na hinati ko sa maliliit na bahagi at ang isang ballpen. “Pero pagkatapos kong sagutin ang tanong, ikaw naman ang sasagot ng parehong tanong.”




Kumunot ang noo niya. “Ang tanong ko sa 'yo ay magiging tanong ko rin sa sarili ko?”



Tumango ako bilang sagot.



“How sly,” natatawa niyang dugtong.




Nanatili siyang nakaupo nang nakalapat ang mga paa sa sahig at sinimulang magsulat ng mga tanong. Ako naman ay gano'n din ang ginawa.



Matapos naming maubos ang mga piraso ng papel, binilot namin 'yon at inilagay sa loob ng pencil holder. Lahat ng tanong sa loob ay dapat naming sagutin kahit pa sarili naming tanong ang mabunot namin.



“Ako na ang mauuna.” Idinukot ko ang kamay sa maliit na lata at naglabas ng papel. “What's your favorite subject?” basa ko sa tanong na natatawa kong sinagot agad. “Math.”




“Isinagot mo lang yata 'yan kasi 'yan ang pinakamadaling subject,” kontra niya habang tumatawa. “I don't have a favorite.” Siya naman ang sumagot. “All of them are the same for me,” dugtong niya bago dumukot ng papel. “Aside from sweets, what else do you want to eat?” Basa niya sa nakasulat na sinundan niya rin agad ng sagot. “You,” he grinned.



Nakakalokong pakinggan kaya hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso.




“Alam ko kung ano ang nasa isip mo, Auriel. Hindi ako marunong magbiro, don't you remember?”




“A-ako na ang sasagot,” singit ko para mapigil ang kakaibang kaba dahil sa sinasabi niya. “I like spicy food,” sabi ko samantalang malakas naman siyang tumatawa.



Aliw na aliw siyang nakikitang hindi ako mapakali.




Ilang tanong pa ang nagawa naming sagutin bago niya nabunot ang isang papel na bahagyang nagpabigat sa atmospera. “Tell something about your family.”




Nakagat ko ang pang-ibabang labi matapos niyang basahin ang tanong. Malinaw na sa 'kin galing 'yon. Gusto ko lang talagang malaman ang mga importanteng bagay tungkol sa kanya.



“I was supposed to be the only child,” panimula niya. “But then, my mother died, so my father remarried. It's a mystery how he forgot about mom in a span of just two years,” may pagkasakastiko niyang komento. “Pinakasalan niya ang isang babaeng hindi ko kilala at may anak na. So, now I have an older sister who's not of same blood.” Pagkatapos ng huling sinabi ni Luciel ay natahimik siya.



Tumikhim naman ako bago sinagot ang parehong tanong. “Nag-iisang anak ako pero masaya ako dahil sa mga magulang ko. Ibinigay nila lahat sa 'kin. Wala silang pagkukulang. Kahit ngayong wala na sila, hindi ko makakalimutan ang pagmamahal na iniwan nila sa 'kin.”



Pinigil ko ang luha sa mga mata. Ayokong mag-alala si Luciel.




“Next question!” Pinasigla ko ang boses para alisin ang lungkot. “What do you think of Stephan Sebastian?”



Ang kaninang mabigat kong pakiramdam ay napalitan ng pagtataka dahil sa tanong na kay Luciel lang pwedeng manggaling. Bakit nasali sa tanong si Stephan?




“Ngumingiti siya kahit na nasasaktan pa rin dahil sa nangyari kay Yasmin. He's sad and lonely. He's also a good guy who loves deeply,” turan ko kasabay ng pag-alala sa naging pag-iyak ni Stephan. “Kaibigan ko siya na gusto kong makitang totoong masaya.”




“He's not going to be a problem for me,” nakangising saad ni Luciel na hindi ko nakuha ang ibig sabihin. “Because you're right Hany, there's something good in him.”



Makahulugan man ang sinabi ng kaharap ko ay hindi ko na masyadong pinag-isipan.




Dumaan pa ang ilang papel bago ko nabunot uli ang isa sa mga tanong na ako ang nagsulat. “Ano ang pinaka-kinatatakutan mo?” Saglit akong nag-isip. “Takot ako sa kahit anong gumagapang,” kinikilabutan kong giit habang hinihimas ang sarili kong braso.




“Isa lang ang kinatatakutan ko.”




Napatitig ako kay Luciel dahil sa narinig. Ang pinakamabangis na estudyante ng K-High may kinatatakutan? Akala ko ay wala agad ang itutugon niya.



“Ang mawala ka sa 'kin.”



Hindi na 'ko nakapagsalita dahil ang mga labi ko'y nalapatan na ng mga labi ng lalaking nasa harap ko. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa mga mata niyang seryosong nakatingin sa 'kin. Segundo lang, lumayo na siya at naglakad papunta sa sopa bago patalikod na nahiga roon habang ako'y hindi makagalaw at naiwang pipi.



“That was my first kiss, Hany. Take responsibility.” Huli kong narinig sa kanya bago ko naitalukbong ang kumot sa sarili.




Itinakip ko na lang ang mga kamay sa 'king bibig para pigilin ang mapatili.




Kinaumagahan, nagising akong limot kung paano nga ba ako nakatulog. Nang ilibot ko ang mga mata, wala na sa kuwarto si Luciel. Nadatnan ko na lang ang isang sulat sa ibabaw ng side table.




Good morning, Hany. I left early
because I can't forget how sweet your lips were. I didn't know that I was starving till I tasted you.




Parang narinig ko pa sa isip ang boses ni Luciel na kinakanta ang huling nakasulat. Napatingin ako sa salamin kung saan nakita ko ng malinaw ang namumula kong mukha at ang mga labi kong nangingiti. Mahihirapan yata akong makatulog sa mga darating pang gabi.






K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon