Side Story

39.2K 1.3K 371
                                    

What we Found in Hell





PALINGON-lingon ako habang naglalakad palabas ng dormitoryo. Ito na siguro ang huling beses na daraanan ko ang pasilyong naging saksi sa buhay ko ng ilang taon sa loob ng K-High. Paglabas sa pinto, tinitigan ko pa ng ilang segundo ang malaking gusali na sentro ng teritoryo ng Hell's Scythe bago humakbang patungo sa daang magdadala sa 'kin sa arko palabas.




Malakas na busina ang umalingawngaw nang mamataan ako ng nasa driver seat ng sasakyang sundo ko. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya habang nakatakip ang mga palad ko sa magkabila kong tenga. Balak niya pa yatang bulabugin ang buong eskuwelahan.



“Congratulations on finally graduating, Ms. President,” nakangising bati ni Stephan nang makaupo ako sa passenger's seat. Saka niya lang din inalis ang kamay sa busina.



“Nagsisisi ako sa pagpayag na ikaw ang sumundo sa 'kin.”




“Don't be like that, Can-Can,” natatawa niyang turan. “I know you missed me.” Kumindat pa 'to sa 'kin na nakita ko lang sa rear view mirror. “Hindi lang naman ako ang sundo mo,” tukoy ni Stephan kay Xander na walang imik at nakaupo sa front seat.




Ngayon ko na lang uli nakita si Xander. Si Stephan lang naman ang bumibisita sa 'kin pero bakit nga ba nandito ang dating vice president ng K-High?




Napalingon ako sa bintana nang mapansing malayo-layo na kami. Tanaw na tanaw sa kinaroonan namin ang eskuwelahan.




“Stephan, ihinto mo.”



Pagkatapak nito sa preno, agad akong lumabas at pinagmasdan ang kabuuan ng K-High.




“Didn't expect that you'll come out alive?” pabirong tanong ni Stephan na nakatayo na sa tabi ko at nakatuon din ang mga mata sa kung saan ako nakatitig. “Or you didn't really wish to come out?” seryoso na siyang nakatunghay sa 'kin.




“Hindi ako masokistang gaya mo,” komento ko na nagpahalakhak sa kanya.


Nagawa ko nang marating ang rank 1 at maging presidente, wala na 'kong rason para manatili pa sa loob.




“Naalala ko lang bigla ang mga nangyari.”




“Naalala o baka naman may naiwan ka?” dugtong niya.




“Lahat naman tayo may naiwan,” sagot ko na ikinalingon niya sa 'kin. “Mga alaala at emosyon.” Seryoso ko siyang tinitigan. “Mga damdaming itinago na hanggang ngayon ay itinatago pa rin.”





Natulala si Stephan bago nag-iwas ng tingin. “You became much scarier, Can-Can.” Nakatawa na siya.




Para sa 'kin, maraming itinatago ang ngiti niya.




“Nakalimutan mo na ba talaga si Yasmin?” tanong ko na sinagot niya agad ng tango at mukhang hindi niya ikinagulat.




“I know how to move on you—”



“E, si Auriel?”





Nahuli ko ang pagkuyom ng kamay niya bago sumagot. “What's that about?” Tawa niya.




“Hindi ako manhid na gaya ni Auriel, Stephan. Hindi ako pang panakip-butas lang.”



Alam ko na noon pa, noong nasa loob pa sila kasama ko. Alam kong pinipilit ni Stephan na ibaling sa 'kin ang kung ano mang nararamdaman niya.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon