XXIX: The King's Role

89.9K 3.3K 356
                                    

Chapter XXIX
The King's Role


Auriel



Not a bad strategy,” pamumuri ni Unnie sa mga umatake sa 'min kanina lang. “Bukod sa main chess pieces nagsama siya ng backup. She knows her priorities. That could have been an instant win for Bloodlust.”




“Advantage para kay Yasmin ang set-up na 'to,” may puntong dugtong ni Canary bago kami nagpatuloy sa pag-akyat sa ikaapat na palapag.



Killing two birds with one stone. Pwedeng manalo si Yasmin kasabay nang pagpapatahimik sa 'kin.




“Na malabo nang mangyari ngayon.” Nakangising nakatingin si Unnie sa presidente kaya napatingin na rin ako.




Kinilabutan na naman ako sa kung anong naramdaman. Gaya kanina, tahimik pa rin ang presidente pero may nag-iba sa kanya. Wala pang ilang segundong mamataan kami ng mga kalaban, humahandusay na agad sa sahig ang mga 'to. Walang sali-salita kasi silang inaatake ng lalaki na mabilis nawawala sa paningin namin at agad ding nakakabalik sa posisyon niya pagkatapos tapusin ang trabaho. Kaya niyang mag-isang pabagsakin nang sabay-sabay kahit ilan pa ang kalaban.




“What did I tell you before, halimaw, 'no?,” bulong ni Unnie sa 'kin nang may kasamang ngiti. “Wala nang makakadapo sa 'yo ngayon, kahit langaw.”




Xander



Saglit akong natigilan dahil sa naramdaman bago walang anumang nagpatuloy sa paghakbang. Though far from Hell's Scythe's route, I clearly sensed the president's killing intent throughout the corridor. 'Di pangkaraniwang lamig na humalo sa hangin.



“Ginalit talaga ni Yas ang presidente,” hinimas ni Stephan na kasabay kong naglalakad ang magkabilang balikat na para bang nilalamig. May ideya na rin 'to sa pwedeng nangyari  pero imbes na takot, pagkaaliw ang nakita ko sa mukha niya. “There's no way my members can attack now. It'll be suicide.” Sinenyasan niya ang isa sa miyembro niyang nasa likuran namin. “Pull out every Death God from the west wing.”



Mabilis nawala sa dilim ang inutusan.




“Your girlfriend is reckless.”



“We don't have that kind of relationship,” nakatawang sagot ni Stephan. “Xander, what are you up to?” pag-iiba nito.




“Wala. Naisip ko lang maglakad kasama ka.”




“Hanggang sa taas?” Humahalakhak niyang tanong bago sinulyapan ang kanya-kanya naming main chess pieces na tahimik na sumusunod sa 'min. “Para tayong nasa prusisyon,”




“Sinayang ni Yasmin ang pagkakataon niya.”



“Were you planning the same thing?” usisa ni Stephan.



“Not really.”



Napatigil sa paglalakad ang mga sumusunod sa 'min dahil sa naging mas malakas na pagtawa ni Stephan dahil sa narinig sa 'kin. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang.




Ramdam ko galing sa likuran ang talas ng tingin niya. “Your mind is like a puzzle, Xan. Kalaban ka ba o kakampi?”




“I'm a just by stander,” kibit-balikat kong tugon.




“I would've stabbed you if you said we're allies.” Pagsabay niya na sa 'kin paaakyat sa hagdan. Bumalik na rin ang ngisi sa mga labi niya.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon