VII: Love is a Sin

109K 4K 599
                                    

Chapter VII
Love is a Sin

Auriel




Abala ako sa pagkain nang bigla na lang may humampas sa likod ko.



“Hey, Au!” bati sa 'kin ni Unnie pagkatapos halos isubsob ako sa mesa.



Hindi ako sumagot. Inuna ko ang pag-abot sa baso ko at pag-inom sa tubig na laman no'n.
Muntik ko nang ibuga lahat ng laman ng bibig ko kanina dahil sa lakas nang pagkakapalo niya na nakaupo na sa tabi ko ngayon.



“I have chika,” simula niya.



“Spill.”



Sabay kaming napalingon kay Canary na kauupo lang sa kabila ng mesa.



“Do you guys know what the Underground Government is?”



Walang imik si Canary habang sinisipsip ang juice na hawak. Ako naman ay walang ideya sa kung ano ang tinutukoy ni Unnie.



“It's an infamous worldwide organization that deal with killings, drugs, and illegal weaponries,” pabulong na kuwento nito kahit pa ang lakas naman din ng boses niya. “Balita ko, sa mga pamilyang miyembro nila galing ang majority ng mga estudyante rito. Cream of the crop.” Unnie licked her lower lip as she talks highly of people normally considered as criminals.



Almost everyone in K-High has background with violence and illegalities, except me.



“'Yan na 'yon?" Humikab pa si Canary. “Pinaglumaan na ng panahon ang impormasyon mo.”



“Sige nga, ano'ng alam mo?” hamon ni Unnie.



Bahagyang inilapit ni Canary ang mukha kaya napagaya na rin kami. “Pagmamay-ari ng nag-iisang pamilyang nasa pinakatuktok ng Underground Government ang K-High.” Muli siyang umayos nang pagkakaupo pagkatapos ng sinabi.



“Which is?”



“The Bryceton's.”



Nang mga sandaling 'yon, saglit na sumilip sa mga labi ni Unnie ang isang kakaibang ngiti na hindi ko maisip kung para saan.



“Usap-usapan na si Madame Principal ay isang Bryceton. Pero wala pang katibayan. Haka-haka lang din 'yan ng mga estudyante rito. Wala pa kasing nakakakita sa principal.”



“Sino raw siya sa Bryceton?” interesadong tanong uli ni Unnie.



“Serenity Bryceton, the soon-to-be heiress of the Bryceton Empire.”



“Ikaw, bakit ang dami mong alam?”



“Anim na taon na 'ko rito.”



“Anim na taon? Ano ka, nag ma-masteral?” Bumunghalit nang mapang-asar na halakhak si Unnie na hindi naman pinansin ng isa. “Ikaw ang rank 10, 'di ba? You can grab your diploma and leave this playground anytime.”



“Galing ako sa pamilyang lahat narating muna ang rank 1 bago lumabas. Hindi ako pwedeng basta na lang umalis nang hindi nagagawa ang nagawa na nila,” determinadong saad ni Canary.



“Aiming high, I see. Good luck kung magkaro'n ka ng chance habang nandito ang student council president.”



“'Yan nga ang pinoproblema ko. Baka dito na 'ko tumanda.”



Sabay-sabay kaming napatawa na para bang nasa isa kaming normal na sitwasyon. We may seem friends, but we're certainly not. Bawal ang kahit anong relasyon sa loob ng K-high. Bawal ang pakikipagkaibigan.



Everything is temporary. Everything is for convenience.



“May rambol!” sigaw ng lalaki sa labas na nakatawag pansin sa lahat ng nasa cafeteria, kasama na ang mga kausap ko.



Mabilis pa sa kidlat, ang dalawa'y lumabas kasabay ng iba pang gustong mag-usyoso.



Tatayo na rin sana ako at susunod sa kanila kundi lang nakuha ang atensyon ko ng isang babaeng mahigpit na nakakapit sa buhok ng isa pa at hinahatak 'yon palabas sa likod ng cafeteria. 



“Stella, ano ba? magkafaction tayo.” 



“Sana naisip mo 'yan bago ka naglandi, Karen!” sagot nitong nakaamba sa leeg ng kausap ang patalim niyang nasa kabilang kamay.



I flinched at the fact that the two belongs in the same faction. One of them is breaking a rule!



Sinundan ko ang mga 'to papunta sa mapuno at tagong parte ng campus kung nasaan ang isang lumang fountain. Napakubli ako sa pinakamalapit na puno nang makitang iginagapos patayo ni Stella ang hatak-hatak kanina lang. Ang nakahandang lubid na nakasabit sa sanga ang ginamit nito para itali pataas ang magkabilang kamay ng huli.



Ikinagulat ko nang mapansing may isang lalaki na ang nakagapos bago pa man kami dumating. Nakaupo 'to sa ugat habang ang mga kamay ay patalikod na nakatali sa katawan ng puno. May umaagos na dugo mula sa sentido nito.



Ilang segundo ko 'tong tinitigan. Nang bahagya siyang gumalaw, nagpasya 'kong lumapit sa kanya. Unti-unti akong nagpalipat-lipat hanggang sa makarating sa likod ng puno kung saan siya nakagapos at sinimulan siyang kalagan.



“S-sino ka?” tanong sa 'kin nito na medyo hirap nang magsalita.



“Pusang napadaan. 'Wag kang maingay.”



“Siguro naman masaya kayo at magkasama kayo ngayon!” biglang sigaw ni Stella na muntik kong ikataranta.



Mabuti na lang at nagawa kong mapagkasya ang sarili sa likod ng puno. Hindi ko nga lang natanggal ng tuluyan ang gapos ng lalaki.



“Ikaw Carlo, minahal kitang tanga ka!” galit na binalingan nito ng tingin ang tinutukoy. “Let's break the rules together ka pang nalalaman, tapos tatlo pala tayo.”



Kay Karen naman nito ibinaling ang paningin kaya sinubukan ko uling kalasin ang gapos kahit pa nanginginig ang mga kamay ko



“Baka 'di lang 'tong babaeng 'to ang nilalandi mo. Sino pa sa Bloodlust, ha?!”



Lumingon uli 'to sa direksyon namin kaya napadapa na lang ako sa damuhan.



“Stella, tama na. Magkaibigan lang kami ni Karen.” May halong pagmamakaawa sa boses ni Carlo.



Hindi lang pala si Stella ang may nilabag na batas. Tatlo sila!



“Gago ka ba?!” Lalong nanlisik ang mga mata ni Stella. “May magkaibigan bang naghahalikan? Ano 'yon, kiss as a friend?! May nagsumbong sa 'kin. Taga Hell's scythe pa talaga ang nakakita sa inyo!” Hawak pa rin ang patalim, sinugod nito si Karen. “Kaya manood ka dahil ito namang kutsilyo ko ang makikipag kiss as a friend sa babae mo.”



Binilisan ko ang pagkalag sa tali habang pilit iniignora ang sigaw ng babaeng pinahihirapan.


“Tanggal na.” Nang sa wakas ay maalis ko ang lubid saka naman ako napansin ni Stella.



“Sino ka?! Kalandian ka rin siguro ng letseng 'yan!”



Akmang susugurin na 'ko nito pero nagawa 'tong harangin ng lalaking tinulungan ko. Nagsimulang mag-agawan ang dalawa sa kutsilyo.



“Alis na, miss!” pagtataboy ni Carlo habang hawak ang kamay ni Stella na gigil na gigil sa 'kin.



“P-paano kayo?”



“'Wag mo na kaming intindihin. Alis na! Bilis!”



Bunga ng kalituhan, hindi ko napigilan ang kusang pag-alis ng mga paa ko sa lugar na 'yon.






K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon