XLIII: The Real Face of Betrayal

81.6K 2.9K 302
                                    


Chapter XLIII
The Real Face of Betrayal


Auriel


“That was close.” Boses 'yon na biglang umalingangaw galing sa kadiliman ng forest park. “Kung ang presidente ang nakapatay kay Ms. Secretary, masasayang lahat ng pinaghirapan ko.” Dagdag pa nito na naging pala-isipan sa 'kin. “And in addition to all the drama, the president has an affair with his little kitty.”



Pilit mang i-deny ng utak ko,  alam ko kung kanino ang boses.



“Ang dalawang lalaking humabol sa 'kin na nakitang patay sa open field noong unang araw ko sa K-High at ang dugo sa kamay mo noon.” Kusang pumasok sa isip ko ang lahat ng insidenteng may kinalaman sa Bloodlust. “Pati na ang nangyari sa lumang fountain. Ikaw ang nagsabi kay Stella tungkol sa relasyon nina Carlo at Karen.”



Umaasa akong itatanggi ng kinakausap ko ang mga akusayon ko sa kanya pero wala akong ibang narinig maliban sa tunog ng ilang mahinang palakpak na nagmula sa dilim. Dahil sa mayayabong na dahon ng mga halaman, bahagya ko lang nasilip ang isang aninong nakangisi.



“Ikaw rin siguro ang nanakot sa  kaibigan ni Rafael.  Pati ang pagpatay kay Brenda at Dianne, malamang na ikaw rin ang may gawa.”



Hindi ko alam kung pa'no pero sigurado akong sinadya niya ring ako ang makahuli kina Stephan at Yasmin noon.


Ni hindi ko na siya kinailangang tanungin pa kung bakit niya nagawa ang mga 'yon. Kusang ibinunyag ng speaker ang sagot.


Assassination Report: Bloodlust's new captain and now rank 4 is Eunice Ferrer. Yasmin Balmaceda has fallen.



Tuluyan ko nang nasilayan ang nakangiting mukha ni Unnie nang hanginin ang mga dahon sa puno.



Siya ang gustong magpabagsak sa Bloodlust.



Hindi ko napigil ang makaramdam ng galit. “Pa'no mo naatim na gamitin ang mga tao sa paligid mo? Pinaglaruan mo lang ang mga miyembro ng Bloodlust.”



“Wrong,” iling niya. “I just saved Bloodlust from losing value by placing it under new management.” Sa tono ng pananalita niya, parang negosyo lang ang pinag-uusapan namin. “Hindi ko rin ginamit ang mga miyembro ng Bloodlust. Inubos ko lang ang mga walang silbi. The killings became an advantage though, Ms. Secretary became so paranoid. Thinking that the other three factions are working together against her. What a wild imagination she has,” dagdag niya bago tapunan ng nang-uuyam na tingin ang nakahandusay na bangkay ng babaeng tinutukoy. “Whom I really used, was you.” Ibinalik niya na ang mga mata sa 'kin.




Ginamit niya 'ko para manipulahin ang isip ni Yasmin. Tulad ng ipinaliwanag ni Kiel sa 'kin kailan lang.



“Fear is everyone's weakness. It can manipulate people into making the wrong moves.”




Pinuno ni Eunice ng pagdududa si Yasmin. Hinayaan niya 'tong lamunin ng sarili nitong pangamba.




“Survival of the fittest,” pag-uulit ng kaharap sa naalala kong linya na nabanggit niya na rin noon. “She's the weakest link in all four. And now that she's gone, K-High will be much greater.”





Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ni Eunice. Ganito ba talaga siya mag-isip?




“I bet the demon president already knew this would happen.”




Napabaling ako sa katabi kong hindi mababakasan ng pagkagulat o pagtataka. May alam nga ba siya sa mga plano ni Eunice?




“Rest assured, wala akong pagsasabihan ng tungkol sa inyo.
People struggling and trying their best to keep their secret is fun to watch.” Saglit siyang natigilan. “Oh wait, maybe I'll make one exception. There's someone who really needs to know,” bawi nito sa sinabi.



“Interesting.” Nakaramdam ako ng kilabot nang sa wakas ay binasag ni Luciel ang katahimikan niya. “Lalaruin ko ang laro mo, Ms. Ferrer.”




“I'm already looking forward to it, Mr. President.” Ngiti ang iginanti ni Eunice bago ibinaling uli sa 'kin ang paningin. “One more thing.” Muntik pa siyang matawa. “Hindi ako ang Tagahatol. I didn't touch Brenda nor Dianne. You better pay attention to the people around you, Au.” Naglakad na 'to papasok sa kasukalan at nilamon ng dilim. “Ciao!”




Napatingin ako sa sekretarya.  Kung kanina ay takot ang nararamdaman ko sa kanya, ngayon ay awa. Nakakainis isipin na pareho kaming naging biktima ng isang halimaw na lagi palang nakaabang sa 'min.




Natigil lang ang pag-iisip ko nang kumilos si Luciel para buhatin ako. Diretso lang ang tingin niya samantalang huling sulyap na puno ng lungkot ang ibinigay ko kay Yasmin.



Tahimik na naglakad si Luciel hanggang sa makarating kami sa dorm clinic. Naghanda siya ng gamot na ipinainom sa 'kin at gamot na ipinahid niya mismo sa sugat ko saka binendahan ang hita ko.



“I guess you won't need this anymore.” Inilahad niya ang basag ko nang salamin na nagawa niya palang damputin kanina.



“Sana lahat ng peke, madaling basagin,” mapait kong komento bago siya tinitigan nang mata sa mata. “Totoo bang may alam ka sa mga nangyayari sa Bloodlust?”



“I'm half aware of what's happening,” matipid niyang sagot.



“Bakit hindi mo sinabihan si Yasmin?” nanginginig ang boses kong tanong.



“She won't believe anything that comes from me.”



Aksidente kong nadiinan ang pagkagat ko sa 'king labi pero hindi ko ininda ang kirot n'yon. Mas matindi pa rin ang sakit na dulot ng malalim na hiwa ng panloloko.



“Ang principal? Sigurado akong nakita niya lahat. Lagi niya tayong pinapanood!”




Napabuntong-hininga si Luciel bago marahang hinawakan ang kamay ko na nakapagpakalma sa magulo kong utak.



“No one can put a halt at the law of nature. The weak will always be used.” Binigyang diin niya ang sunod na sinabi. “We are here to kill. Ms. Balmaceda let fear take over her, that's her flaw. Alam kong alam mo 'yan.”



Wala akong maisagot sa kanya.



“Wala ring magagawa ang principal.”


Natigilan ako sa narinig.



“She can only watch, but she can never interfere.”


Sinasabi niya bang walang ibang dapat gampanan ang principal ng K-High kundi tahimik na manood?


K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon