XV: President's Cat

97.1K 3.5K 450
                                    

Chapter XV:
President's Cat



Auriel






Nangangarap ka ba ng gising?” Boses ng isang lalaki galing sa likuran ko ang nagpatigil sa pag-iisip ko tungkol sa nalaman kay Rafael ilang gabi na ang nakakalipas. “Baka madapa ka n'yan.”





Hindi ko siya nilingon. Iignorahin ko na lang sana siya at aalis kundi lang ako natigilan nang maramdamang ipinatong niya ang baba sa balikat ko. Hindi ko na naituloy ang balak na paglalakad na lang palayo.





“You can't pretend that you can't hear me, you know,” dugtong niya kasunod ng pagtawa malapit sa tenga ko bago bigla na lang hinablot ang sa suot kong salamin.





Napaharap tuloy ako sa kanya. “Ano bang kailangan mo, Stephan?”





“Aren't these too big?” Oblivious to my question, he examined the eyeglasses in his hands.





“Ibalik mo sa 'kin 'yan.”





“Kunin mo,” nakangisi niyang panghahamon. Hindi ko na siya napigil nang isuot ang salamin ko. Sandali akong natulala na napukaw lang ng sinabi niya. “What? Did you fall for me?”






The glasses did change his look to a more sophisticated one, not dulling his handsome face. Pero may mas gwapo at mas halimaw pa rin kaysa sa kanya.





“Sorry, but I already have someone,” makahulugan at tahasan niyang pag-amin. Muli siyang nagsalita nang malinaw na mapansin ang suot niya sa mga mata. “Props lang pala 'to?”






Hindi ako sumagot na lalong ikinalapad ng ngisi sa mga labi niya.






“May sinabi sa 'kin si Yas. Try guessing what she said.”






“Hindi ako manghuhula.”





Humalakhak na naman na parang baliw si Stephan.





Kanina pa kami dinaraanan ng mga estudyante sa pasilyo pero walang naglalakas loob na tumigil at maki usyoso.





“Well.” Unti-unti siyang lumapit na tumigil lang nang nasa gilid ko na. Diretso siyang nakatingin sa unahan. Nanatili lang din ang mga mata ko sa harap. “Don't worry, hindi ako makikialam. I always let her handle things on her own.”






Lalakad na sana siya nang hindi ibinabalik ang salamin ko pero hindi ko siya hinayaan. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi na ikinagulat niya.






“Akin 'to!” Pagkabawi sa eyeglasses ko, agad akong tumakbo palayo.





“Hindi mo naman magagamit 'yan.” Nakakaloko niyang tawa na nag-echo sa buong pasilyo ang huling narinig ko.





Hinihingal kong narating ang opisina ng student council. Kunot noo lang akong tiningnan ng presidente bago ibinalik ang mga mata sa papel na nasa harap niya. Tahimik akong umupo sa monobloc ko; pag-aari ko na ang upuang nasa tabi niya.





“Baka tumulo na naman ang laway mo sa mesa,” komento nito na pumutol sa pag-iisip ko tungkol sa baliw na kumuha ng salamin ko kanina. “Nagugutom na 'ko.” Napahawak siya sa sariling sentido na sa tingin ko'y sumasakit. “Get me something from the cafeteria.”




“Ha?”





“I don't like repeating myself, Ms. Fortalejo,” tinatamad niyang sagot.




“A-anong pagkain?”




“Ikaw na ang mamili.” Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata. Parang sinabi niya na rin sa 'kin na 'wag na 'kong magtanong.



Isa pa siya na ginagawa din akong manghuhula.



Aalis na na sana ako nang pigilin niya ang kamay ko. “May nakalimutan ako.” Kinuha niya ang sticky note sa mesa at nagsimulang magsulat.




Hindi ko napigil ang mapahanga sa ganda ng sulat kamay niya. Mas maganda pa siyang magsulat kaysa sa 'kin.





“Done.” Saka walang pasabing idinikit ang kapirasong papel na sinulatan sa noo ko.





“Para saan to?!” Hindi ko naitago ang inis.





“Mabuti naman at may iba ka pa palang reaksyon.” Inikot niya 'ko paharap sa salaming bintana.






Nakita ko ang sariling repleksyon at ang nakasulat sa papel.




President's Cat



“Seryoso?”




“Mukha ba 'kong nagbibiro? O mas gusto mong collar na may bell ang ilagay ko sa leeg mo?” pananakot niya pa.




Napasimangot ako sa narinig. “Salamat na lang,” sarkastiko kong sagot bago siya nilayasan.





Nilakad ko ang pasilyo hanggang sa cafeteria nang hindi inaalis ang nakakalokong papel na nakadikit sa noo ko kahit pa napapatitig do'n halos lahat ng makasalubong ko. Para akong walking signboard.





Dumiretso ako sa buffet table at pumila. Laking gulat ko nang nahawi ang mga estudyante. Kusa silang nagbigay daan para ako ang mauna. Nagtataka man, pumili na rin ako ng pagkain. Idinaan ko sa eeny, meeny, miny, moe ang pagdedesisyon dahil wala namang ibinigay na preference ang presidente. Pagkatapos, buhat ang tray, naglakad na 'ko palabas.




Libre ang lahat sa K-High, buhay lang ang hindi.





“President, pagkain mo.” Inilapag ko ang bitbit sa mesa niya at naupo.





Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya 'ko.




“Kaldereta, kanin, pakbet at orange juice. Sabi mo ako ang bahala,” walang anumang sagot ko.





Kunoot noong inilapit niya ang kamay sa 'kin. Napapikit ako. Ikinainis niya yata ang mga pagkaing dala ko. Natuklap na kung ano ang naramdaman ko sa noo ko bago nagmulat. Kinuha niya lang pala ang papel saka inilagay sa palad ko.




“Siguro naman alam mo na kung para saan 'yan?” Nang-iinis ang ekspresyon sa mukha niya.





“Oo na. Parang VIP pass,” nakaismid kong tugon bago wala sa sariling naibulsa ang papel.





“Wait, where's the dessert?” nakasimangot niya nang tanong.





“Hindi na 'ko kumuha. Akala ko kasi ayaw mo ng gano'n.”





“Well, you're wrong. Bumalik ka sa cafeteria at kumuha ka ng dessert. Damihan mo,” naiinis niyang utos.






Lumabas na lang ako at sinunod siya. Wala namang magagawa ang pangongontra ko dahil sa huli mapipilitan pa rin naman akong sumunod.







K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon