X: Coincidences

98K 3.7K 310
                                    

Chapter X
Coincidences


Yasmin





Pagkatapos marinig ang kung anong kaluskos, kapwa kami napalapit agad ni Stephan sa halamang pinagmulan no'n. Nahagip ng paningin ko ang silweta ng isang babaeng parang pusang mabilis na tumakbo at nawala.




“There goes hell breaking loose. Mukhang magdi-dilang anghel ka, Yas,” aliw na anas ni Stephan.




Sa inis, naipadyak ko ang isang paa sa lupa bago siya iniwang nakangisi pa rin. Hindi niya alintana na pwede kaming maparusahan. We could end up dead! Hindi ako takot mamatay pero hindi ibig sabihin no'n na tatanggapin ko na lang 'yon ng buong puso.




Mabilis kong tinungo ang dorm ng Bloodlust.
Naabutan kong pakalat-kalat sa hardin ang mga miyembro ko.





“Listen up!” sigaw ko na kumuha ng pansin ng mga 'to “Go and find someone for me!”




Nagsimulang magbulungan ang ilan samantalang ang iba ay tuwang-tuwa sa tanawing nasa harap nila. Saka ko lang naalalang sinira nga pala ni Stephan ang damit ko. Hindi ako nag-abalang takpan ang sarili. Wala akong pakialam sa kung ano ang nakikita nila. Mas importante sa 'kin ang malaman kung sino ang babae kanina.




“Sino, Captain?” tanong ng isa na ikinairita ko.




“Kaya nga ipinapahanap ko sa inyo kasi hindi ko kilala. Dahil kung nakita ko ang mukha niya kanina, patay na siya ngayon!” Iginala ko ang paningin sa mga mukha nila. “She was in the Forest Park a while ago, wearing a P. E. uniform. Find out which classes have P. E subject today,” I added making it easier for them. “Reward for anyone who'll tell me who she is.”




Ipinagpapasalamat ko na karamihan sa mga miyembro ko ay lalaki. Madali silang utuin para sumunod. Pero iilan na lang din sila. Marami nang nawala. The exact reason why I had to question all the other captains last night. Hindi pa rin mawala sa isip ko na pinagkakaisahan nila 'ko.





Pagkatapos magpalit ng uniporme, dumiretso ako sa student council office. Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto. Gaya ng inaasahan, mag-isang nasa loob ang presidente.




Tahimik na sana akong uupo nang marinig siyang magsalita. “Ms. Balmaceda, I asked you to be here over 3 minutes ago.”




“M-may ginawa akong importante.” Pinilit kong sumagot nang maayos kahit pa hindi ako mapalagay sa presensiya niya.




“Ano pa ba'ng mas importante kaysa sa mga gawain mo bilang sekretarya ng student council?” tanong nito sa 'kin na hindi inaalis ang mga mata sa isinusulat.




“I have a faction to run,” pagmamatigas ko. ”I can't just—” Naiwang nakaawang ang bibig ko dahil sa patalim na bigla na lang lumipad malapit sa tenga ko.




Halos mahagip no'n ang buhok ko bago tumama sa pader na nasa likod ng kinauupuan ko. Mabilis kong nilingon ang presidente pero wala na siya sa puwesto. My eyes panickly wandered around, looking for him.




“Learn to manage your time, Ms. Balmaceda.” Napabaling agad ako nang marinig ang boses niya galing sa likuran ko.





How could he be there when he was just on his desk seconds ago?




“If you can't do that quit either one of your duties,” seryoso niyang suhestiyon habang walang anumang hinuhugot ang patalim na nakabaon sa pader.





Ang mga mata niyang matatalim kung tumitig ang nagpadoble sa kabang nararamdaman ko.




I really can't stand him.





“Kung hindi ka makapagdesisyon hayaan mong tulungan kita.”




“I-I won't be late next time,” sagot ko na lang bago sinimulan ang mga papeles na nakatambak sa mesa ko.





Walang sinasabing bumalik na 'to sa upuan at ibinalik ang pansin sa sariling gawain na ikinahinga ko ng maluwag.




Thank goodness the student council office is a safe zone.





Lumipas ang ilang oras na subsob pa rin ang presidente sa mga tinatapos na papeles. Bihira siyang magsalita na mas mabuti para sa 'kin. Madalas kasi na kaba ang nararamdaman ko kahit na bubuka pa lang ang bibig niya.





Nilingon ko ang bakanteng upuan ni Stephan. Palibhasa hindi paperwork ang kailangan nitong trabahuhin kaya pakalat-kalat na lang sa campus.




I envy him.




Nag-unat ako saglit bago tumayo at bago pa man ako tanungin ng halimaw sa kuwarto, nagkusa na 'kong magsalita. “Restroom.”




He didn't bother looking nor answering, so I let myself out.





They say that the whole campus is hell, wait till they go inside the student council office, malalaman nila kung nasa'n talaga ang impyerno.




Binaybay ko ang pasilyo patungo sa restroom na walang masyadong estudyante ang nagagawi. Malapit 'yon sa library na ilang hakbang lang din ang layo sa opisina.





I went in the empty cubicle and did my business. Mayamaya, nakarinig ako ng tunog ng sapatos na sinundan ng lagaslas ng bumukas na gripo.




Paglabas ko ng cubicle, nagtama ang mga mata namin ng babaeng nakatayo sa harap ng salamin. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa reaksyon nito nang makita ako. Nanlalaki kasi ang mga mata niya sa likod ng suot na eyeglasses habang nakabuka pa ang bibig. Para siyang nakakita ng artista.





Seeing her, a nerd existing in K-High, is a surprise.





Lumapit ako sa gripo at naghugas ng kamay. Siya namang nasa tabi ko ay halatang kinakabahan.




“Relax dear, restrooms are safe zones.”




Imbes na kumalma, parang mas lalo pa siyang nasindak sa sinabi ko. Nasayang ang pagmamagandang-loob ko na bawasan ang takot niya.




Nahagip ng mga mata ko ang braso niyang namamaga. Malaki rin ang pasa do'n na halatang-halata. Natigilan ako nang maalala ang estudyanteng hinatak na parang basahan ng presidente kagabi. What a coincidence if they were really the same person.




Mabilis na nitong pinatay ang gripo at nagmamadaling lumabas ng restroom. Hahayaan ko na sana siya't ibabaling na ang paningin ko sa bathroom mirror pero napabalik ang mga mata ko sa kanya nang mapansin ang paraan niya ng pagtakbo.





Hindi ko napigil ang mapangiti. Ito na rin pala mismo ang kusang lalapit sa 'kin. Hindi na 'ko dapat nag-abalang ipahanap pa siya.




What a coincidence indeed!




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon