XLVIII: The New Student Council Secretary

83K 2.8K 254
                                    

Chapter XLVIII
The New Student Council Secretary


Auriel



Feeling better?” may pag-aalalang usisa ni Luciel na nakatayo sa tapat ng bench na kinauupuan ko.



Matipid akong ngumiti at tumango.



Kinuha niya ang kamay ko at hinagkan 'yon bago ako iginiya patayo para maglakad. Ang daang tinahak namin ay pabalik na sa dorm.



“Demons born from wrath are much more dangerous than demons born from fear,” makahulugan niyang wika sa gitna nang paglalakad. “And more than fear, wrath can turn anyone into a demon,” dagdag niya pa na nakuha ko agad ang ibig sabihin. “Don't lose yourself to anger, Auriel. Baka hindi mo na makilala ang sarili mo.”



Sinadya niyang pagsalitain ako sa orientation kanina para mailabas ko ang mga kinikimkim. Nakabawas nga 'yon sa bigat at galit sa dibdib ko. He did that for me. He was looking out for me.



Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga. “Ayoko sanang iwan ka pero kailangan na 'ko sa opisina.”



Saka ko lang din napansin na nasa hardin na pala kami ng dorm. Nakatingin man sa 'min ang ilang Hell's Scythe at nagbubulungan ay pareho na lang naming binalewala 'yon.




“Hindi ba 'ko pwedeng sumama?”



“Not now, Hany. Not until everything is settled.”



Napatitig na lang ako sa kanya. “May nangyari ba?”



“The secretary's position is vacant.”



Nangunot ang noo ko sa narinig. “Hindi tinanggap ni Eunice ang posisyon?”




“She wanted to be the President.” Sinabayan ni Luciel ng ngisi ang sinabi.



Natigilan naman ako sa nalaman. Iba talaga ang tigas ng mukha ni Eunice.



“I really have to go. See you later,” paalam ni Luciel bago naglakad palayo.



“Auriel?”



Kusang napatalon palayo ang mga paa ko mula sa pinanggalingan ng boses. Kapwa kami nagkatitigan na lang ni Kiel na siya palang tumawag sa 'kin. Pareho kaming gulat sa naging reaksyon ko.


Napansin ko ang saglitang pagtalas ng mga mata niyang nakatingin sa 'kin bago siya nagsalita uli. “You, okay? Parang marami kang iniisip lately.”



Nahamig ko na ang sarili at nilapitan siya. “Yes, I'm fine. Wala naman din akong iniisip.”




“Talaga ba?” singit ni Canary na nakatayo pala sa likuran ni Kiel.




Canary



Oo naman. Wala talaga.”



Alam kong nagsisinungaling siya pero ang ekspreyon sa mukha niya ay blanko. Hindi gaya noon na masyadong halata kapag may pilit siyang itinatago. Nakakapanibago rin ang ginawa niyang mabilis na paglayo kay Kiel kanina.



Saglit kaming nagkuwentuhan. Nakangiti at nag-uusap ang dalawa nang umalis ako ng walang paalam. Iniwan ko silang nakaupo sa hardin. Ngayon ko lang din nalaman na malapit pala sila sa isa't isa.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon