XLVII: How to Survive

80.8K 3.2K 428
                                    


Chapter XLVII
How to Survive



Auriel



Naglalakad nga ako patungo sa classroom pero hindi naman tungkol sa unang klase ang laman ng utak ko. Kusa kasing nagpapaulit-ulit sa alaala ko ang mga nangyari kahapon: ang mga sinabi ng presidente at ang boses niya habang kumakanta. Lahat 'yon hindi ko mabura sa isip ko.




“Who are the strongest?” sigaw ng isang pamilyar na boses na sinundan ng sagot ng ilan pa.



“Bloodlust!”



Napadukwang ako sa barandilya ng corridor.




“Who are the fiercest?”




“Bloodlust!”




Nasundan na lang ng mga mata ko ang mabagal na tumatakbong si Eunice na kasunod ang mga nakahilerang miyembro ng Bloodlust.




“Who are the stealthiest?”



“Bloodlust!”




Bawat tanong niya, malakas na sinasagot ng mga kasama. Para silang mga sundalong nakapila at sabay-sabay kung gumalaw. Kasama si Janina na tuloy lang din sa pagtakbo.




“Who will rule K-High?”




“Bloodlust!”




Madiin kong naipikit ang mga mata dahil sa realisasyong hindi nga pala lahat ng nangyari kahapon ay panaginip, ang iba ro'n ay bangungot.




Habang ang Bloodlust ay walang tigil sa pagtakbo paikot sa campus, halos lahat naman ng nasa corridor ay natatawang nanonood sa kanila. Katawa-tawa sa paningin nila ang nasasaksihan dahil hindi pa nila kilala si Eunice.





“Pinaggagagawa ng mga 'yan?”





“May sapak nga yata talaga sa utak ang bagong captain ng Bloodlust.”




Sinamaan ko ng tingin ang dalawang nasa tabi ko kaya natahimik ang mga 'to na agad ding umalis. Hindi ang pangungutya nila kay Eunice ang ikinainis ko kundi ang katotohanang ito na nga ang bagong captain ng Bloodlust. Isang beses ko pang sinilip ang mga tumatakbo sa ibaba bago ako nagpatuloy sa paglalakad.




Lumipas ang isang oras. Mabilis nagsimula at natapos ang unang klase hanggang sa may naglakas-loob na abalahin ang pagtuturo ng terror naming teacher sa second subject.




“I need Ms. Auriel Fortalejo,” walang pakialam na tawag ng presidente na kasalukuyang nakatayo sa pintuan.




Sa lakas nang kabog ng dibdib ko ng mga oras na 'yon ay natulala na lang ako sa kanya. Hindi pa 'ko handang makita siya.




“M-Ms. Fortalejo, y-you may leave,” pautal-utal na anas ng guro na sinunod ko nang mahimasmasan.





“P-President, sa'n tayo pupunta?” Naitanong ko pagkatapos ng ilang segundo matapos makalabas dahil hindi naman nagsalita ang presidente na naglakad agad.





Huminto siya at nilingon ako na nakapagpatigil sa 'kin. Lalo tuloy nagulantang ang puso kong kanina pa mabilis ang tibok.




“What did you call me?”



“P-President?”





Ngiti na may kasamang iling ang ginawa niya bago uli nagsalita. “What's my name?”




Saglit akong natigilan. “L-Luciel.” Kahit nahihiya ay binanggit ko dahil hinihintay niya ang sagot.





“For now, that's good enough.” Itinuloy niya na uli ang paglakad.





Pilit kong pinakalma ang puso kong ayaw makisama.  “Luciel, sa'n tayo pupunta?” pagpapanggap kong hindi apektado.




“The student council has no secretary yet, Mr. Sebastian is nowhere to be found, and I lost to Mr. De Silva in rock-paper-scissors,” paliwanag niya nang hindi ako nililingon na hindi ko rin naman naintindihan.



Tumigil kami sa tapat ng orientation room. Ang unang kuwartong napasok ko noon sa K-High.




“This will somehow help you, Hany.”




Hindi na 'ko nakapagtanong ng tungkol sa ibig niyang sabihin o sa itinawag niya sa 'kin dahil mabilis na siyang humakbang papasok sa kuwarto.





Ang lahat ng paningin sa loob ay napunta sa 'min. Naiwan ako sa unahan nang walang sabi-sabing hinila ni Luciel ang teacher's chair papunta sa gilid ng whiteboard bago naupo ro'n.




“Orient them, Auriel. Orient them on what they have to face inside Kill High,” utos ni Luciel.





Pasimple kong iginala ang mga mata. Sa mukha ng ilan na parang walang muwang at inosente ay naaalala ko ang sarili noon.





“I'm not part of the student council, and I'm no K-High expert, so bear with me,“ panimula ko habang binubura sa alaala kung pa'no kami sinalubong ni Stephan noon. “Meron ba sa inyo na hindi alam kung bakit nandito?”





May iilang nagtaas ng kamay.





“Gaya n'yo, ganyan din ako dati. Wala akong alam sa kung bakit ako nandito.”




Hanggang ngayon pa rin naman ay wala.





“Hindi ko na iisa-isahin ang mga rules sa eskuwelahang 'to, nakasulat naman ang mga 'yon sa papel na nasa mesa n'yo. Isa pa, ang iba ay malalaman n'yo naman din ng kusa.” Sinalubong ko ang mga tingin nila. “Instead, I will tell you how to survive.”




Nagpabago-bago ang mga ekspresyon nila. Nagsimulang magbulungan ang iba. Si Luciel naman ay tahimik lang at tutok na tutok sa pakikinig sa 'kin.




“Una, 'wag kayong magpapadala sa kuryosidad n'yo. 'Wag na 'wag kayong maging interesado sa kahit anong sikreto,” payo ko na para bang kayang-kaya kong gawin ang sinasabi. “Pangalawa, protektahan n'yo ang mga sarili n'yo dahil walang ibang gagawa no'n para sa inyo. Hindi lahat suwerte at inaabot pa ng kinabukasan sa K-High.”




Kasama na ko ro'n. Buhay lang ako dahil may parte pala akong dapat gampanan!




“At ang pinakaimportante sa lahat, 'wag kayong magtitiwala! Walang lugar ang mababait sa K-High! Hindi 'to lugar para makipagkaibigan! Hindi 'to lugar para magtiwala. Kakainin kayo ng buo ng mga estudyante rito!”




Hindi ko ininda ang gulat nilang mga reaksyon. Kahit ang kung anong ekspresyon na ang nakikita nila sa mukha ko ngayon.




“Marami rito ang kukunin lang ang loob n'yo para gamitin kayo!”




Nangingilid na ang mga luha ko nang marahang takpan ni Luciel ng isang kamay niya ang mga mata ko. Nakatayo na pala siya sa tabi ko. Dama ko rin ang masuyo niyang paghaplos sa palad ko.




“You have been warned,” wika niya na ang kinakausap ay ang mga bago. “ Your lives are in your own hands.”





Dahan-dahan niya 'kong inakay palabas. Naglakad kami nang hindi niya inaalis ang kamay na tumatakip sa mga mata ko hanggang sa bigla na lang siyang tumigil.





Hinila niya 'ko paharap sa kanya at niyakap. “Trust only me.”




Tahimik kong ginantihan ang mahigpit niyang yakap.




“I'm ready to die protecting you, Auriel. Magtiwala ka.”





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon