IX: Secrets and Safe Zones

104K 3.6K 546
                                    

Chapter IX
Secrets And Safe Zones

Auriel







Naaalala mo 'yong classmate natin na sa sobrang tanga masakit na sa mata?”




Napamulat ako dahil sa boses na narinig sa tabi ko mismo.




“Si Julia Fermin ba?” sagot ng kausap ng naunang nagsalita.




Walang malay ang dalawang babaeng nagkukuwentuhan na nasa paligid lang ako. Babalik na sana ako sa pagtulog dahil sigurado akong hindi nila ako mapapansin kundi lang sa sunod na sinabi ng isa sa kanila.





“Patay na siya, Dianne. Pinatay ko para mabawasan ang bobo sa mundo.” Mula sa kinalalagayan ko, nasilip ko ang naka-arkong labi nito. Tuwang-tuwa 'to sa ginawa. “Tama lang na pinapatay ang lahat ng gaya niyang tanga.”





“Sa'n mo siya pinatay, Brenda?” interesadong tanong ng babaeng medyo bilugan ang pangangatawan. “Madalas kasama niya ang mga ka-faction niya, 'di ba? Pa'no ka nakatyempo?”



“Sa restroom.”




Pumatay siya sa safe zone.





“Sinadya ko talagang abangan siya,” nakangising dagdag pa nito. “Pagkatapos ko siyang saksakin, inilaglag ko siya sa bintana ng banyo sa third floor.”




Biglang nabakasan ng pangamba ang mukha ni Dianne. “Kapag nalaman 'yan ng student council president siguradong parurusahan ka.” Maging ito ay nakaramdam ng takot.




“W-wala namang nakakita.”




Ngayon lang yata nag-sink sa isip ni Brenda ang bigat ng nagawang pagkakamali. Pagkakamaling siguradong ikamamatay niya.




“Pero may nakarinig.”




Sabay pa silang napaigtad nang may estudyanteng nakatayo na pala sa harapan nila. Gano'n din ang naging reaksyon ko. Hindi namin agad namalayan ang presensiya ng bagong dating.




“I heard it all, ngayon-ngayon lang.”




“W-wala kang ebidensya.” Huli kong narinig kay Brenda bago 'to nagmamadaling umalis kasama si Dianne.




“And you,” baling ng naiwang si Unnie sa kinalalagyan ko. “Pretending to be dead?”




Plano ko sanang ipagpatuloy ang pagtatago hanggang sa makaalis siya pero hindi pala ako nakaligtas sa talas ng pakiramdam niya. Kasabay nang pagbangon ko, nalaglag ang mga tuyong dahon na nagkubli sa 'kin.





“Para kang bata sa mga pumapasok d'yan sa isip mo, Au.” Malakas siyang tumawa. “Tinabunan mo pa talaga ang sarili mo ng mga dahon.”




“Effective naman,” ganti ko. Wala naman kasing nakapansin na nagtatago ako sa ilalim ng mga dahon maliban sa kanya.




“That's because those two are weaklings.”




Tiningnan ko siya ng mata sa mata. “Isusumbong mo ba siya, Unnie?”




“Kahit hindi ako magsumbong siguradong makakarating ang ginawa niya sa student council president. Sa daldal niyang 'yon, hindi malabong ang kasama niya pa mismo ang maglaglag sa kanya.”




Natigilan ako sa naging sagot ng kausap. Hindi nga pala alam ng mga estyudyante rito ang salitang kaibigan.




“Teka, ano 'yang nasa braso mo?”




“Dinikdik na dahon ng makahiya. Bigay ni Canary. Pampatanggal daw ng pangingitim ng pasa.”




“Pasa?” Tiningnan niya 'ko ng makahulugan. Sandali siyang nanahimik bago nagsalita uli. “Do you know the number one reason why stupid people get killed?” Mabilis na umakyat ang kilabot sa buong katawan ko dahil sa ngising nasa mga labi niya na. “When they discover something they shouldn't have.”




Agad kong naalala ang naging engkuwentro ko sa mga demonyo kagabi. Pati na ang pagkamatay nina Carlo, Stella at Karen. Nanlulumo ako sa tuwing sasaglit sa isip ko ang nangyari sa kanila.




“Or I could be wrong? Stupidity itself can be the number one reason,” natatawa niyang bawi sa naunang sinabi.





Hindi ko alam kung dapat ko bang seryosohin ang mga sinasabi niya. Magulo kasi siyang kausap.





“Anyway, may ipapakita nga pala ako sa 'yo. Tara!” yaya niya papunta sa mas masukal na parte ng Forest Park.




Dali-dali akong tumayo at nagpagpag ng suot.





“You're better off following me than those idiots yesterday.” Narinig ko pang sabi ni Unnie bago hawiin ang malaking dahon na nakaharang sa lalakaran niya. “Baka sa susunod, madawit ka sa gulong hindi mo na malulusutan. Luck runs out, you know,” pahabol niya bago biglang natahimik ang paligid.





Napabilis ako sa pagsunod habang iniisip kung pa'nong alam niya ang mga nangyari. Paghawi ko sa parehong dahon, hindi ko na siya nakita. Kung saan-saan ako lumingon pero wala ni anino ni Unnie. Isisigaw ko na sana ang pangalan niya nang may ibang tao akong nasilip sa agwat ng mga dahon.





“Stephan.” Hawak ng isang lalaki sa buhok ang babaeng isinasandal nito sa puno.





Kahit nakatalikod, mula sa halamang pinagtataguan ko, sigurado akong ang Stephan na tinutukoy nito ay ang nag-iisang Stephan sa buong K-High.





The girl will probably be killed.




“C'mon Yas, alam kong ito ang gusto mo.”




Naestatwa ako nang marinig ang pangalan ng babae. She's one of the devils last night—Bloodlust's captain.




“Kung alam mo talaga, alam mo ring kulang pa 'yan. Pull my hair harder!”




Napanganga na lang ako.




Mas nilakasan nga ni Stephan ang paghila sa buhok nito gaya ng hiling niya bago siya sinimulang halikan.




“We'll be dead if someone finds about us.” Isa-isang binuksan ni Yasmin ang mga butones ng unipormeng suot ni Stephan. “But this feeling of getting scared like hell makes this whole thing more exciting.”




“Napakamasokista talaga ng secretary ng student council.” Humalakhak naman si Stephan bago walang pakialam na sinira ang blusa ng tinutukoy.





All faction captains owning a seat in the student council isn't a secret. What startled me is the fact that they themselves are breaking K-High's greatest rule.





Nakagat ko ang hinlalaki bago dahan-dahang umupo at gumapang, na sa malas ay hindi ko nagawa ng tahimik dahil sa sanga ng halamang sumabit sa laylayan ng P.E uniform ko. Gumawa 'yon ng ingay.




“Fuck, may tao!”




Sukat sa narinig, walang lingon lingon kong tinakbo ang daan palabas ng park. Tanaw ko na ang bukana nang makasalubong si Unnie sa daan.





“Au, sa'n ka ba nagsuot? Nasa likuran lang kita kanina tapos—” Taka niya 'kong sinundan ng tingin. “Sa'n ka pupunta?” tanong na niya nang hindi ako tumigil at nilampasan lang siya. “Nandito 'yong ipapakita ko.”





Hindi ko na siya nasagot. Inuna ko ang paglayo dahil siguradong hindi na 'ko aabutan nang paglubog ng araw kapag nahuli ako nina Yasmin at Stephan.



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon