LXIII: Gamble

74.7K 2.8K 598
                                    



Auriel




NANG nakaupo na uli ako sa duyan, dumukwang siya at niyakap ako mula sa likuran. “I knew you'd come back.”




Hindi ko magawang alisin ang pagkakayakap niya sa mga balikat ko. Pinanatili ko lang ang mga kamay ko sa magkabilang tali ng duyan habang pinipilit ko ang sariling tiisin na 'wag kumapit sa mga braso niyang nakapulupot sa 'kin.



“Ayokong nagagalit ka.” Ang lapit ng mga labi niya sa tenga ko.




Pinigil ko ang sarili sa pagsagot. Kailangang panindigan ko ang inis na nararamdaman.




“It was torture for me to stand my ground against your stubborness, Hany.” Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang yakap niya sa 'kin. “I didn't want to hurt you in any way, forgive me.”




Tuluyan nang lumambot ang pusong pilit ko lang namang pinatitigas. Isa pa, ni minsan ay hindi siya nagtaas ng boses sa 'kin. Ako lang ang halos sumigaw na sa inis kanina.




“Hindi ikaw ang dapat humingi ng sorry, ako. I acted like a spoiled brat. I'm sorry.”




Mali ang nagalit ako kay Luciel. Kapakanan ko lang naman ang inaalala niya. Maling ipinilit ko ang gusto dahil alam kong lagi niya 'kong pagbibigyan.





“Pakiramdam ko kasi kanina para akong superhero na kayang magligtas ng tao.” Naging overconfident ako at padalos-dalos.




“But you are super.” Mas inilapit niya pa ang labi sa tenga ko. “In my eyes you'll always be super, Hany.”





“Sorry, kung tinawag kitang selfish.” Pinagsisisihan ko ngayon ang lahat ng sinabi sa kanya kanina.




“It's okay. You were right. I am really selfish—when it comes to you.”




Naramdaman ko na lang ang labi niya sa helix ng tenga ko. Napalingon ako sa kanya nang ma-realize kung ano ang ginawa niya. Saglit niya kasi 'yong kinagat bago bumitiw sa pagkakayakap sa 'kin.




“We were actually discussing about forming a unit to patrol K-High before you came.” Nakakaloko niyang ngiti habang iniiba ang usapan.




Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Lalong nag-init ang mga pisngi kong mainit naman na dahil sa pagkagat niya sa tenga ko. “B-bakit hindi mo sinabi agad?”




Para akong siga na pumasok sa opisina kanina at ipinagpilitan ang isang bagay na plano naman na pala nilang gawin. Naitakip ko ang dalawang palad sa mukha kong siguradong namumula na.




“Your fierce and determined face a while ago looked cute, why would I stop you?” Sinabayan niya pa ang sinabi ng isang mahinang tawa kaya lalong gusto kong isiksik ang sarili kung saan. “Mr. De Silva and Mr. Sebastian will take command of the corps that'll keep the students safe.”




Kahit papa'no nakahinga ako ng maluwag na malamang may magiging hakbang na laban sa Mercenaries. Isa na lang ang kailangan kong maresolba.




“Luciel, may gusto akong sabihin.” Sinalubong ko ang mga mata niya.




Sinimulan kong ikuwento ang tungkol sa sulat ng mga magulang ko. Nabawasan ang sakit at pait dahil sa kamay niyang hindi bumitiw mula umpisa hanggang sa matapos ako. Nanatiling tahimik si Luciel. Siguro ay hindi niya alam ang tamang sabihin. Pero para sa 'kin hindi naman kailangang may sabihin pa siya. Sapat na ang nandito siya sa tabi ko.




“Halika na.” Ako na ang nagyaya sa kanya na hindi naman niya tinanggihan. Nagsimula kaming maglakad nang magkahawak pa rin ang mga kamay.




Hanggang sa makarating kami sa lugar na marami nang estudyante ay hindi kami bumibitiw sa isa't isa. Ito ang unang beses na hinayaan naming may makakita sa 'min. Napapangiti ako kahit na ba nahihiya dahil sa mga estudyanteng parang kinikilig na rin dahil sa 'min.




“Whatever happens Hany, I will always be here for you,” sinsero niyang wika na muntik nang magpaluha sa 'kin.




Masuyo kong pinisil ang palad niya bilang tugon.




Magpapatuloy pa sana ang gaan ng loob ko kundi lang sa sinabi ni Canary na biglang sumulpot sa harapan namin. “President, may mensahe ang principal.”




Sabay-sabay naming tinungo ang gym.  Napahinto ako sa paghakbang nang tumambad sa mga mata ko ang imahe ng principal mula malaking monitor. Bukod sa 'ming tatlo, maraming estudyante na rin ang nagkukumpulan sa loob ng gym.




“Looks like all the members of the student council are already here,” sabi ng babae nang makitang dumating na rin sina Xander at Stephan. “The Bryceton empire won't interfere on how President Luciel Villaseran deal with the Mercenaries.” Tutok ang lahat ng mata sa kanya na patuloy lang sa pagsasalita. “But, instead we will join the gamble.” Dahan-dahang inalis ng principal ang suot na maskara. Saglit akong natulala sa magandang mukha nito na sa tingin ko'y nasa edad bente pataas lang. “I, Serenity Bryceton is not the true heir.”




Bulungan ang naging sagot ng lahat sa rebelasyong narinig. Napalingon naman ako kay Luciel dahil medyo humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nabigla ako sa ekspresyon niyang nakitaan ko ng pangamba.



“Unfortunately, may nakababata akong kapatid na siyang kinikilala ng aming ama bilang karapat-dapat na mamuno.”




Muling napukaw ang atensyon namin dahil sa narinig, samantalang walang reaksyong mababanaag sa mukha ng principal.




“Now, hear me Addison Mercenaries. The true heir is within the grounds of K-High.”




Ang mahinang bulungan ay tuluyan nang lumakas.




“Find the heir and the Bryceton empire will surrender the position as leader of the Underground Government.” Sa mga labi niya ay sumilay ang isang nakakalokong ngiti.



“What a very tempting bet,” komento ni Xander na nasa tabi na pala ni Luciel.




“Prove your worth, dear brother,” huling sinabi ng principal bago nawala.




“It will be one hell of a game.” Iglap lang, naglaho ang pangamba na nakita ko sa mukha ni Luciel kanina. Mala demonyong ngisi na ang nasa mga labi niya ngayon.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon