XXXIII: Love's a Battlefield

86.9K 3.7K 557
                                    

Chapter XXXIII
Love's a Battlefield



Canary



Narinig ko mang nagsalita si Yasmin, na sigurado akong si Eunice ang kausap ay hindi ko na inabala ang sarili na pakinggan kung anuman ang pag-uusapan nila. Nagmadali akong humakbang palayo. May iba akong dapat unahin.



Habang tinatahak ang daan papasok sa Forest Park, nadatnan kong pakalat-kalat sa bukana ang mga estudyanteng abot langit ang ngiti. Ngiting isang araw na lang ang itatagal.




Dire-diretso akong pumasok sa greenhouse nang makarating sa dulo ng Forest Park. Sa gitna ng mga halamang gamot,  naaktuhan ko ang taong pakay na may hawak na libro at pinag-aaralan ang mga nasa harap niya.




Walang may alam sa parteng 'yon ng pagkatao ng captain. Ako lang. Ako lang din ang may alam tungkol sa greenhouse at sa mga halamang gamot na siya mismo ang nagpapalaki at nag-aalaga.




Sikretong iingatan ko kahit hindi niya hilingin sa 'kin.




Magkakasya na lang sana ako sa tahimik na pagmamasid kundi lang biglang nagbuka ng bibig ang captain. “Do you need anything, Ms. Salazar?” Ni hindi niya 'ko nilingon. Masyado siyang abala sa pagsuri sa halamang hawak para tapunan man lang ako ng tingin.



Lumabas na 'ko sa pinagkukublian. “W-wala, Captain.” Kanina pa niya siguro alam na nandito ako.



Halata ang maitim na linya sa ilalim ng mga mata niya. Bukod sa mga librong tanaw kong nasa mesa, marami ring lata at bote ng kung anu-anong inumin. Ayoko mang isipin kung sino ang dahilan ng ginagawang 'to ng presidente, napaka-obvious naman na ng sagot.




“Captain, ano'ng tingin mo kay Auriel?” tanong ko nang makalapit sa kanya.



“A faction member,” matipid niyang anas.



“Sa mga ginagawa mo parang higit pa ro'n ang tingin mo sa kanya.” Matinding lakas ng loob ang hinugot ko para lang masabi sa kanya ang nasa isip ng diretsahan.




Saka niya lang ako binalingan. “Are you accusing me of breaking K-High's most important rule, Ms. Salazar?”



Sinalubong ko ang mga mata niyang matalim pa yata sa kutsilyo.




“'Wag mong bigyan ng ibang kahulugan ang responsibilidad ko bilang captain ng Hell's Scythe.”




Mapait akong napangiti. “Sa dami ng ginawa mo para sa kanya, hindi 'yon matatawag na responsibilidad lang.”




Natigilan siya. Halata sa mga mata niya ang pagkabigla.




“Kung ikaw, laging kay Auriel nakatingin, ako, laging sa 'yo,” pag-amin ko sa ilang taon nang itinatago na alam kong wala ring mababago.




“Magpapanggap akong hindi nangyari ang usapang 'to, Ms. Salazar.” Malamig ang mga mata niyang nakatuon sa 'kin.



Ngayon niya lang ako tiningnan nang matagal pero gaya rin 'yon nang mga panandaliang sulyap niya sa 'kin na walang emosyon. Hindi na siya nagsalita at tinalikuran na 'ko. Itinuloy niya ang kanina pang ginagawa.



Dahan-dahan akong umatras bago pumihit at tumakbo palabas ng greenhouse. Hindi pa 'ko nakakalayo pero kusa nang huminto ang mga paa ko. Hindi ko na maihakbang ang mga 'to. Nanlalambot ang mga tuhod ko.



“One secret out, one secret left.” Hindi na 'ko nagulat nang biglang sumulpot si Eunice.




“Aso ka ba?!” asik ko habang pilit pinupunasan ng daliri ang namumuong luha sa mga mata ko.




“I'm more like your guardian devil,” sagot niya na nakalapit na sa tabi ko. “'Wag kang magagalit kay Auriel, wala siyang kasalanan,” malumay niya nang bulong.




Napahagulgol na lang ako. Hindi ko gustong umiyak lalo na at  sa harap niya pero hindi ko na napigil ang mga luha sa pag-agos. Naramdaman ko na lang ang paghimas niya sa likod ko.



Alam kong walang kasalanan si Auriel. Alam ko na wala naman talaga akong pag-asa bago pa siya dumating. Sinubukan ko lang lumaban kahit alam kong sa umpisa pa lang ay talo na.




Niyakap ako ni Eunice na hindi ko na natanggihan. “Love is a battlefield. Sometimes you lose before you even start to fight.” Nakita ko na lang din ang sarili na nakayakap sa kanya habang walang tigil sa pagluha.




Gusto kong ilabas ang sama ng loob pero hindi ko maisaboses.




“Your heart might be broken, but not your spirit,” dagdag niya pa. “May dalawang bar sa first floor ng east wing. Let's drink 'till we drop dead!”



Bumitiw na 'ko sa pagkakayakap sa kanya. “Mabuti pa nga kaysa makinig ako sa mga words of wisdom mo.”




“I'm just trying to cheer you up, you know.”




Pinapahid ko na ang luha sa pisngi nang may mapansin sa kanya. “Ano 'yang nasa mukha mo?” Napako ang pangin ko sa mga labi niyang sobrang pula.



“Makeup. What's wrong with going all out sometimes?”



Ngayon ko lang siya nakitang may kolorete. Hindi naman niya kasi 'yon kailangan.



“Ikaw, gusto mo ba?” alok niya na agad kong tinanggihan.


“Uminom na lang tayo!”




Kikimkimin ko na lang uli lahat. Kung nagawa kong itago ang nararamdaman para sa presidente sa loob ng mga nagdaang taon, magagawa ko uli. Pagmamasdan ko na lang uli siya mula sa malayo.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon