LXXI: A Great Sacrifice

68.7K 2.5K 285
                                    


Auriel




TINAHAK nila ang pasilyo papunta sa Main Building hanggang sa inakyat nila ang hagdan papunta naman sa roof top, ang lugar kung saan idinaos noon ang huling parte ng Kill Off.




Nasa itaas na sila nang lumapit ako sa pinto. Sumalubong sa 'kin ang hindi pangkaraniwang lamig galing sa taas. Lamig na para bang may bagyong paparating.




“We should wait here,” basag ni Stephan sa kanina pang katahimikan. “My source chose this place because he's too afraid to talk.”




Matapos makumpirma na dito na nga ang lugar na paghihintayan, nagpakita na 'ko sa kanila. Nabakas ko ang pangamba sa mukha ni Stephan habang si Xander ay gulat na gulat.



Mabilis naman akong hinatak ni Luciel palapit sa kanya na halata ang sobrang galit sa reaksyon. “What are you—”




Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nang makarinig kami ng mga yabag ay awtomatiko niya 'kong tinalikuran at hinarap ang mga kadarating lang. Samantalang pumuwesto sa magkabilang gilid ko sina Stephan at Xander. Waring pinoprotektahan ako ng tatlo mula sa mga miyembro ng Mercenaries na ilang hakbang lang ang agwat mula sa 'min.



“Good evening, Student Council,” bati ng isa na sigurado kong siyang nagsalita noon sa speaker. Ang boses niyang gumagaralgal ay dahil sa aparato na nakatago sa loob ng suot na maskara.



Walang sumagot ni isa sa 'min na nakapaglabas na ng kanya-kanya naming patalim. Nasa dalawampu man ang bilang ng kalaban na nasa harap ay hindi ako nagpasindak. Matagal na 'kong handang lumaban.




“Let's play a game.” Nagsalita uli ang nasa gitna. “The student council president against all of us here,” sabi nito na parang si Luciel lang ang nakikita. “In exchange we won't touch everyone behind until we're done with you.”



Ano bang meron sa buhay at parang lagi na lang ginagawang laro?




Balak ko na sanang umalma, hindi ako makakapayag sa gusto niyang mangyari pero napahinto ako nang bigla akong hinarap ni Luciel at tinitigan. Hindi ko gusto ang ipinapahiwatig ng mga mata niya. Walang salita niyang hinimas ang buhok ko bago dumukot ng isang maliit na bote sa bulsa niya.




Gulat akong natulala sa kanya habang iniinom niya ang likidong laman ng bote.




Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Remember Hany, not even death can pull us apart.” Kasabay ng sinabi, naagaw niya ang hawak kong patalim. “Don't ever give that back to her,” utos niya na kay Xander na mabilis ngang itinago ang tinutukoy niya. “And protect her!” madiin niyang giit sa dalawa na nakatayo sa magkabilang gilid ko.




“Lu—” Naiwang hindi tapos ang gusto kong sabihin dahil tinalikuran na uli ako ni Luciel at hinarangan naman nina Xander at Stephan.




“Alright, let's play.” Narinig kong sagot ni Luciel sa mga kalaban.




“Wala pala talagang kinatatakutan ang student council president.”





“There's actually one but, you'll never figure that out.”




“'Wag mo silang harapin mag-isa, Luciel!” galit kong sigaw na tila walang nakarinig. Pinilit kong humabol pero mahigpit na hinawakan nina Xander at Stephan ang magkabilang braso ko. “Hayaan n'yo ko, please.” Ni hindi natinag ang dalawa na hindi man lang ako nilingon.




Lumipas ang mga minutong wala pa ring kumikilos kina Xander at Stephan habang tuloy lang sa pakikipaglaban si Luciel. Halata namang kaya niya ang mga 'to pero habang tumatagal ay may napapansin ako. Bumabagal ang kilos niya at pasuray-suray na siya sa pag-ilag.





Hindi kaya may sakit siya kaya siya may ininom kanina?



Napansin ko rin ang matinding pagpapawis niya at ang ekspresyon sa mukha na para bang may iniinda siya kahit hindi pa naman siya tinatamaan ng kahit sino sa umaatake.



Hinihingal na napaatras si Luciel malapit sa kinalalagyan namin. Mas nilakasan ko ang pagpipilit kumawala sa mahigpit na kapit sa 'kin ng dalawa na natigil lang nang kusang bumitiw si Stephan at naglakad palapit kay Luciel. Ang sumunod na eksena ay tuluyan nang dumurog sa buong pagkatao ko.




Mula sa likod, hindi nag-dalawang isip si Stephan na saksakin si Luciel. Kitang-kita kong bumaon ang patalim sa tagiliran niya bago muling binunot ni Stephan ang hawak at isinaksak uli sa parehong lugar. Kasabay nang pag-agos ng dugo ay bumagsak si Luciel.





Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula ang mga luha sa pag-daloy galing sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung gaano ko na katagal kagat ang labi kong nangangatal. Basta nalasahan ko na lang ang dugo. Nanginginig ako habang nakatingin sa nakahigang katawan na hindi na gumagalaw. Nilingon ko si Stephan, gusto ko siyang tanungin kung bakit—bakit niya nagawa. Pero walang boses ang lumabas sa bibig ko hanggang sa napaupo na 'ko sa malamig na semento.





“The knight has fallen! Soon victory will be ours.” Huli kong narinig galing sa kalaban.






Si Stephan ay may lungkot akong sinulyapan bago sumunod sa kanila.





Ipinagkanulo niya kami. Ipinagkanulo niya si Luciel.





Matapos nilang maglaho, nabalot ang paligid ng ingay. Narinig ko na lang si Canary na malakas na isinigaw ang pangalan ni Luciel. Pati ang ilan pang estudyante na napasigaw na rin at lumuluha dahil sa nakikita.





Hindi ko makontrol ang emosyon. Gaya nila, gusto kong magwala at magsisigaw pero hindi ko magawang tumayo. Hindi magawang tumindig ng nangangatog kong tuhod at nanginginig kong katawan.





“I can't believe it. The student council president has really fallen,” kumpirmasyon ni Eunice na siyang unang lumapit at sumuri sa pulso at tibok ng puso ni Luciel. Kumpirmasyong tuluyang nagtulak sa 'kin sa sukdulan.





Ang hinagpis ko sa wakas ay kumawala sa 'king bibig. Nanuot sa pagkatao ko ang walang kapares na sakit. Mabilis kong tinakbo at niyakap ang lalaking nagpakita sa 'kin ng langit sa impyerno. Ang lalaking nagtaya ng lahat para sa 'kin. Ang lalaking hindi ko na makakausap at makikita pa.




Tanging paulit-ulit lang na pagsigaw ng pangalan niya ang nagawa ko habang nasa kandungan ko siya. Ang titigan ang nakapikit niyang mga mata. Ang iyakan na lang ang nangyari at ang katotohanang wala na siya ang natitirang pwedeng gawin.




Ilang sandali pa ay inagaw na siya mula sa 'kin ng mga sundalo. Wala akong balak bitiwan siya pero pinigilan ako ni Xander sa pagmamatigas.





“Alam n'yo na kung saan siya dadalhin.”



“S-saan nila dadalhin si Luciel, Xander?”



“Where do dead people go, Auriel?”



Saan nga ba? Saan nga ba dinadala ang mga taong wala na?



“Canary, take Auriel to the fourth floor of Hell's Scythe dorm. At 'wag kayong lalabas hangga't hindi ako nakakabalik,” utos niya sa babaeng humahagulgol na bigla na lang yumakap sa 'kin bago siya naglakad palayo.






K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon