XVII: Monsters

100K 3.5K 533
                                    

Chapter XVII
Monsters


Auriel





Pabalik na 'ko sa dorm matapos ihatid ang mga notebook sa faculty nang makitang bukas ang pinto ng fire exit na ngayon lang nangyari. Nang humakbang ako papunta ro'n, bumungad sa 'kin ang kabuuan nang malawak na kagubatan. A picturesque view enclosed by a massive wall.



Itutuloy ko na sana ang paglalakad kundi ko lang namataan sa ibaba si Stephan kasama ang isa pang estudyante. Pumasok sila sa Forest Park.



Kusang sumunod ang mga paa ko sa kanila. Mabilis kong binaba ang hagdan ng fire exit. Sinadya kong layuan ang distansya ko dahil alam kong matalas ang pakiramdam ni Stephan. Pasipol-sipol pa 'to habang naglakad kasunod ang kasamang tahimik lang.



Pagkatapos ng ilang minutong pagbuntot sa kanila, tumambad sa harapan ko ang dalawang palapag na lumang gusaling nasa pinakadulo na yata ng Forest Park. Sinuri ko 'to ng tingin bago pinagala ang mga mata ko sa paligid. Malayo pero tanaw sa bandang kanan ang isang greenhouse.



Itinuloy ko ang paglakad papunta sa gusaling nasa harapan hanggang sa makatapak ako sa pasilyo. Basag ang karamihan sa mga salaming bintana. Puro sirang upuan at agiw ang masisilip sa loob ng bawat kuwarto.



Nagulantang na lang ako nang makarinig ng kakaibang ingay. Mula sa posteng pinagtataguan, nasilip kong binuksan ni Stephan ang isang pintong gawa sa mabigat na bakal. Para 'yong steel door ng isang vault sa banko. Kitang-kita ko ang takot na rumehistro sa mukha ng lalaking katabi niya eksaktong nabuksan ang pinto. Nanginginig ang buong katawan nito.




"Tuloy ka," nakangiting engganyo ni Stephan dito. Nang hindi kumilos ang niyayaya, umiling-iling siya bago 'to hinawakan sa magkabilang balikat. "'Wag ka nang mahiya," saka niya 'to marahang itinulak papasok sa loob. "Alam mo na ngayon ang itsura ng purgatoryo." Huling narinig ko bago nagsara ang malaking pinto.




Lalo akong kinilabutan nang umihip ang malamig na hangin. Maliwanag pa pero ang bigat ng pakiramdam ko sa lugar na 'yon.




"Hindi dapat nagpapakalat-kalat ang alaga ng presidente."




"Shit!" naisigaw ko dahil sa gulat. Napako ako sa kinatatayuan nang makita kung sino ang papalapit. It was the Student Council Vice President Xander De Silva.




"So, you know how to curse. You're not as innocent as I thought you were."




Unti-unti niyang pinaliit ang distansya sa pagitan namin hanggang sa nasa harap ko na siya. Malalim kung tumitig ang mga mata ng vice president. Pakiramdam ko tuloy sa titig pa lang nalalaman niya na kung ano ang nasa isip at kung ano ang pagkatao ng kaharap.




Dinukot ko ang laman ng bulsa kahit pa kinakabahan. "Pakalat-kalat ako dahil ako ang pusa ng presidente." pang-iignora ko sa huli niyang sinabi bago agad na idinikit sa noo ko ang hawak na papel.



Nangunot ang noo niya habang binabasa ang nakasulat bago bahagyang tumawa. "Curiosity can kill a cat." Sinimulan niya 'kong ikutan.




"A cat has nine lives though." Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan pero hindi ko rin ipinaramdam sa kanya na nasisindak ako.




"Ilan na lang kaya ang natitirang buhay mo?" Tumigil siya sa harap ko at seryoso akong tinitigan. "Or maybe, you're not a cat, but a wolf in sheep's clothing?" makahulugan niyang dugtong.





"Ano'ng ibig mong sabihin?"





Hindi na nasundan ang tanong ko dahil sa patalim na bigla na lang lumipad patungo sa kanya na walang anuman niyang hinuli sa pagitan ng kanyang hintuturo at hinlalato para mapigil.




"Mr. De Silva, don't get too comfortable with my pet." Nakatayo ang presidente ilang hakbang mula sa 'min. Kung ga'no na siya katagal do'n ay walang may alam.





"Binalaan ko lang siya," matipid na sagot ng kausap nito.





"Babalaan lang din kita. 'Wag ka nang lalapit uli sa kanya."




Saktong matapos magsalita ng presidente, may malakas na hanging umihip. Iglap lang, napatalon palayo sa kinaroroonan ko ang bise presidente. Sa pagitan ng mga daliri niya ay nakaipit ang tatlo nang patalim na hindi ko masabi kung sa'n nanggaling. Napahawak na lang din siya sa kanang braso na inaagusan na ng dugo.




Pa'no siya nasugatan?




"I hope I made myself clear," added the president in his usual authoritative tone. "Send my regards to Mr. Sebastian too."




Umabot na pala sa presidente ang naging pag-uusap namin ni Stephan kanina. Napakabilis talagang kumalat ng balita sa eskuwelahang 'to.




Mula sa likuran ng presidente humahangos na dumating si Canary. Ilang segundo siyang natigilan dahil sa naabutang eksena pero agad ding nakabawi. Tinitigan pa niya 'ko ng masama bago hinarap ang taong pakay.





"Captain, may kailangan kayong makita."




"Ms. Fortalejo."




Nakuha ko ang ibig sabihin ng presidente kaya mabilis ko siyang nilapitan. Naiwan namang nakatingin lang sa paglayo namin ang vice president na siya ring captain ng Silent Killers.



Kasabay ang dalawa kong kasama, binagtas namin ang Forest Park. Ang presidente na diretso lang ang tingin, si Canary na parang galit at ako na walang masabi.




Napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga bulungang bigla kong narinig. Tinunton ko ang mga boses hanggang sa bumulaga sa 'kin ang malaking grupo ng mga estudyante na nakapalibot sa isang mataas na puno. Sila yata ang gustong ipakita ni Canary. Nakipagsiksikan ako para makalapit sa pinaka unahan ng kumpulan na hindi ko na lang sana ginawa kung alam ko lang kung ano ang makikita. Parang dagat naman na nahati sa dalawa ang mga estudyante dahil sa pagdating ng mga kasama ko.




"Napakahina," malamig na komento ni Canary kaya nasamaan ko siya ng tingin na ipinagwalang bahala lang din niya.




"Look closely, Ms. Fortalejo. Ganito ang mangyayari kapag tinulungan mo ang isang taong hindi naman nangangailangan ng tulong," walang emosyong paliwanag ng presidente.



Wala silang mga puso kung magsalita.




"Sinayang niya lang ang pagsalo ng captain sa parusa niya," mahina pero may diing saad ni Canary na nakakuha ng atensyon ko.




"Ms. Salazar," awat ng presidente na may kalakip na masamang titig. Napatahimik no'n ang babaeng may sasabihin pa sana.




Deduction Report: Points deducted from Hell's Scythe.






"Deduction kasi suicide."




"Dalawang taon pa lang yata 'yan dito."




Narinig kong usapan ng ilang mga nasa paligid na wala naman talagang pakialam sa nangyari at ang gusto lang ay mag-usyuso.





Wala nga yata talagang tao sa K-High. Puro sila mga halimaw. Katotohanang tumitimo sa isip ko habang pinagmamasdan ang nakabigting katawan ni Rafael na tinulungan namin ilang gabi pa lang ang nakakalipas.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon