XXXVI: Kill Break Finale

85K 2.9K 444
                                    

Chapter XXXVI
Kill Break Finale



Auriel




Napatigil ako sa paghakbang nang mabistahan ang ayos ng gym mula sa labas. Ang loob ay napapalibutan ng mga event drapes at eleganteng curtain backdrops. May mga mesa at mga upuan na magarang nakaayos. Sa gilid ay nakapuwesto ang isang mahabang buffet table at may mga waiters na nag-iikot dala ang tray ng juice at cocktails.




“Sino'ng date mo?” bulong ng isang babae sa kasama.




“Si Allen,” sagot na narinig ko kasabay ng isang malanding tawa bago sila dumiretso sa loob.





Ibinalik ko ang atensyon sa kanina pang pinagmamasdan. Gusto kong itatak sa isip ang nakikita dahil ito na ang huling gabi nang pagiging normal ng K-High.




“So, what are you supposed to be?”




Napabaling agad ako sa pinanggalingan ng boses na bumulong malapit sa tenga ko. Pag-ikot ko, sinipat agad ng kaharap ko ang suot kong black puff dress at black boots na hanggang tuhod.





“F-fallen angel.” Tumalikod ako sa kanya para ipakita ang maliit na itim na pakpak na nabili ko sa isa sa mga costume shop sa east wing. Baka kasi hindi niya napansin kanina dahil natatakpan ng mahaba kong buhok.




Saglit siyang nanahimik bago ako niyaya. “Halika na.” Naglakad ang presidente papasok na sinundan ko lang.





“Bakit hindi ka nakacostume?” pansin ko sa bihis niya.




“I am.”





Napatitig tuloy ako sa kanya dahil sa narinig. Wala namang nagbago sa itsura niya. Hindi naman niya binago ang ayos ng buhok na ako ang may gawa kaninang umaga. Nasa mga mata niya rin ang salamin na hiniram sa 'kin. Ang nag-iba lang ay ang suot niya nang puting polo shirt na pinarisan ng itim na slacks at itim na sapatos.





“I don't usually look like a nerd, right?” dugtong niya na para bang nang-aasar at ang pagiging nerd ay costume.






Pagtapak sa loob, saka ko lang talagang narinig ang nakakabinging tugtog galing sa mga speakers habang sumasayaw ang karamihan sa gitna.





Dumiretso ako sa nakitang bakanteng mesa. “President—” Natutop ko agad ang bibig. Nang masigurong walang nakarinig sa 'kin dahil na rin sa ingay ng paligid saka ko itinuloy ang sasabihin. “Ano'ng gusto mong kainin?”





“Ako na.” Tumayo siya. “Let's not waste your cuteness tonight.”




Natulala na lang ako sa kanya bago naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Nasundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makarating sa buffet table.





“Welcome to Kill Break's finale event!” pukaw ng student council secretary pagkatapos tumigil ng tugtugin.




May suot siyang malaking korona sa ulo at magarbong red victorian dress na para bang isa siyang reyna. Nakatayo siya sa entablado hawak ang mikropono.




“You better enjoy this costume party that I organized!”





Umalingawngaw ang palakpakan bago iniabot ni Yasmin ang mic sa katabi. Sakto namang nakabalik na ang presidente sa mesa namin bago nagsalita ang nasa entablado.





“Here's a little fun before we start the party.” Nakuha ni Stephan ang kuryosidad ng lahat. “We're gonna have an on the spot singing contest. The winner shall receive a hefty amount of kill points, and the very rare chance to dance with any member of the student council. Maliban syempre sa presidente na wala rito ngayon.” Lumitaw ang mga pangil niya dahil sa pagtawa. Nakabihis siya bilang bampira na naka puting tuxedo.




“Wala ang presidente?”




“Lagi naman siyang wala sa mga ganitong okasyon.”





Rinig kong usapan ng dalawang nakaupo malapit sa puwesto namin. Patay malisya naman ang taong tinutukoy nila na tuloy lang sa pagkain sa tabi ko. Pasta at puro dessert ang binitbit nito galing sa buffet table kanina. Mahilig talaga siya sa matamis.




Sana pala, nagdala ako ng hany.




“Sino'ng gustong mauna?” anyaya ni Stephan sa ilang manonood na nasa tapat ng stage.





May isang umakyat pagkatapos ng ilang segundo. Dahil sa madilim na paligid na naliliwanagan lang nang malilikot na mga ilaw, hindi ko agad nabistahan ang mukha nito. Ang alam ko lang ay nakasuot 'to ng itim na coat at may espadang nakasukbit sa likod.




“State your name, faction, and where you got the idea of your costume from.”




“Kiel Sandoval, Hell's Scythe. Kirito of sword art online.”




Si Kiel!





Saglit pa silang nag-usap ni Stephan tapos ay kinausap na ni Kiel ang bandang kanina pa handa sa likod.





“Give your round of applause to our first contender,” huling sinabi ni Stephan bago bumaba ng entablado na naging hudyat para magsimulang tumugtog ang banda.





“This is gonna hurt but I blame myself first, 'cause I ignored the truth. Drunk off that love, it fucked my head up, there's no forgetting you.”





Nabitiwan ko ang kutsarang hawak dahil sa ganda ng boses ni Kiel. At hindi lang ako ang nakapansin no'n, nagsimulang madagdgaan ang mga estudyante sa tapat mismo ng stage.





“I loved you dangerously. More than the air that I breathe. Knew we would crash at the speed that we were going. Didn't care if the explosion ruined me. Baby, I loved you dangerously. I loved you dangerously.”





May ilang babae ang ,'di na mapigilan ang napapatili na. Ngiti naman ang iginaganti ni Kiel kaya lalo silang nagwawala at nagsisisigaw.





Nang matapos siya, agad umulan ng palakpakan. Nakipalakpak din ako na hindi yata nagustuhan ng presidente. Lalong sumama ang tingin niya sa 'kin na kanina pa naman talaga masama habang kumakanta si Kiel. Ipinagwalang bahala ko na lang 'yon dahil hindi ko alam kung bakit gano'n siya makatitig.





“Whoa! Muntik na yatang may mamatay sa boses pa lang ng unang contestant,” biro ni Stephan nang makatuntong uli sa entablado. “Alright, who's brave enough to challenge the first contender?”





“Me!” Isang babaeng nakapulang hood at may hawak na karet ang umakyat.





“Name, faction and the idea of your costume.”





“Eunice Ferrer. Call me Unnie. Hell's Scythe.”





Muntik ko nang maibuga ang iniinom na juice. Naibaling ko agad ang paningin sa unahan dahil sa narinig.






“I'm little red riding hood with a twist.” Sinabayan niya ang sinabi ng kindat.





—————————
A/N:

Song featured
Dangerously by Charlie Puth

Unnie's costume is from Ruby of Mobile Legends.

K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon