LXV: Unlimited Possibilities

73.6K 2.6K 169
                                    


Auriel


“WHY hesitate to quench your thirst for revenge when you can kill everyone who'll go after you?”



“Killing will only lead to more loss,” matigas kong sagot.



“Not your loss though.” Nakakalokong tingin ang ibinaling ni Eunice kay Stephan.



Napakasamang impluwensiya talaga nito sa isip. Para siyang kabaliwan na nagkatawang tao!



“Hindi kailangan ng paghihiganti. Nawalan ka man, siguradong may darating pa.” Hinawakan ko ang kamay ni Stephan na nakapatong sa mesa. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito ako bilang kaibigan. “ Gaya namin nina Canary, Luciel at Xander. Hindi ka mag-isa, Stephan.”



“Mabuti pala at nakabalik ako agad.” Napatingin kaming tatlo sa kadarating lang na si Canary bitbit ang ilang sandwich at inumin.



“So, the purpose of the Strike Corps is to eradicate the Mercenaries.” Sa papel na nasa mesa na nakatuon ang mga mata ni Eunice na tila walang pakialam sa bagong dating.



Nahupa ng pagdating ni Canary ang init sa pagitan namin ng captain ng Bloodlust.



Tahimik kong binitiwan ang kamay ni Stephan na hindi ko alam kung pa'no babasahin ang reaksyon.



Nakapuwesto na rin sa upuan niya si Canary bago nagsalita. “Don't you think that eradicate is such a strong word, Ms. Eunice Ferrer?” Matalim na tingin agad ang ibinato ng katabi ko sa kinakausap. “Apprehend is the more appropriate word. Malinaw namang nakasulat sa papel na nand'yan kung ano ang gagampanan ng Strike Corps.”



“The name should be Justice Corps or something, not Strike Corps,” she laughed obviously mocking the purpose of the group that's bound to protect the students of K-High.



Bahagya siyang yumuko pagkadampot ng ballpen para isulat ang pangalan niya. “Ako pala ang pinakauna.”


“Pwede kaya natin siyang i-ban sa pagsali?” bulong ni Canary sa 'kin.



“'Di siguro pwede. We need all the help we can get.”




“Naririnig ko kayo.”
Inilapag niya ang hawak at naglakad na palayo.



Isa namang taga-Bloodlust din ang sumunod na nagsulat ng pangalan.



“Wait, pa'no kung may aksidenteng nangyari.” Huminto si Eunice sa kinatatayuan bago itinuloy ang sasabihin. “Halimbawang inatake ako ng nahuli ko at kinailangan kong ipagtanggol ang sarili. Hindi n'yo naman siguro ako masisisi kung may mapatay ako dahil sa self defense, 'di ba?”



Wala kaming naisagot kaya tumalikod na uli siya at naglakad. Nakakainis ang sobrang pagkatuso niya!




Naipikit ko ang mga mata para pakalmahin ang sarili. Pagmulat ko'y si Janina na ang nagsusulat ng pangalan sa papel. Nasundan ko lang siya ng tingin hanggang sa narinig kong kausapin ni Stephan ang lalaking kasalukuyang nakatayo sa harap ng mesa.


“Just to make it clear, this is not mandatory. I didn't order you to sign up.” Sinundan niya 'yon ng halakhak.




Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang tawa nito. Ipinagpapasalamat ko na hindi siya naapektuhan sa panglalason ni Eunice ng katinuan.



“Yes, Captain. Naiintindihan ko po,” tugon ng lalaki na pagkatapos magsulat ay saglit akong sinulyapan bago umalis.



Joshua Alquino, nasilip kong huling pangalan sa papel na napansin naman ni Stephan.



“He's Death God's territory manager. He's my right hand man.”


Kung hindi ako nagkakamali ang kaaalis lang ang may hawak sa rank 6.



Akala ko'y tapos na si Stepgan sa sasabihin kaya ikinagulat ko ang mahina niyang ibinulong. “Salamat.”



Saglit akong natulala bago tumango-tango at ngumiti para ipaalam na narinig ko ang sinabi niya.



DUMAAN ang tatlong oras pero nasa labing-isang pangalan lang ang nakalista na gustong sumapi sa Strike Corps at Bloodlust pa ang karamihan sa kanila.



“So, what happens to the bet?” naiiling na tanong ni Stephan kay Canary habang naglalakad kami sa pasilyo pabalik sa opisina ng student council.


“Ano pa ba? E, di draw.”


“Dapat pala pinigilan ko na lang pumirma si Joshua.” Pagkatapos ng nakatawa nitong sinabi sinamaan siya ng tingin ni Canary.



Mapapangiti na sana ako dahil sa kanila kundi lang sa narinig kong ingay mula sa loob ng opisina. Ilang hakbang na lang ang layo namin nang naulinigan ko ang tunog ng kung anong mabigat na bagay na sa tingin ko'y tumama sa pinto ng kuwarto. Patakbo kaming lumapit at agad na pinihit ni Canary ang seradura pero hindi 'yon bumukas.



Si Stephan ang sunod na sumubok at malakas na pinuwersa ang seradura dahilan para masira 'yon. Natigilan lang ang siya nang tangkaing itulak pabukas ang pinto. “Something heavy is blocking the door!”



“Pagtulungan natin,” suhestiyon ni Canary kaya lahat kami ay pumuwesto sa harap ng pinto bago sabay-sabay na nagbilang.



Sa bilang na tatlo, buong puwersa naming itinulak ang pinto hanggang sa bahagya 'yong bumuka. Isiniksik namin ang mga sarili sa maliit na agwat. Sa loob, nadatnan namin ang tatlong mesang pinagpatong-patong na siyang humaharang sa pinto kasama ang sampung Mecenary na kasalukuyang umaatake kay Luciel. Ang iba'y may mga sugat na pero tuloy pa rin sa pakikipaglaban sa kanya. Pati sa mismong student council office ay nangahas silang sumugod!



Nang mapansin ang pagdating namin, binasag agad ng mga miyembro ng Mercenary na nasa loob ang bintana kung saan sunod-sunod silang nagtalunan para makatakas.




Bago pa man makatalon ang huli, bumaon sa likod nito ang patalim na inihagis ni Stephan. Nakadapa 'tong nahulog pababa. Nang sumilip naman kami mula sa bintana, namataan agad namin ang mga lubid na nakasabit sa ibabang palapag na ginamit ng mga nakatakas.



Isa lang sa mga 'to ang naiwan. Iyon ang nasa baba na wala nang buhay.



“Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ko kay Luciel habang madali kaming bumababa ng hagdan.



“I'm fine, Hany,” sagot niya nang may ngiti na malamang ay para pawiin ang pag-aalala ko. “You arrived just in time to save me.”



“You don't really need saving Pres, we all know that you can handle them,” singit ni Stephan bago siya hinatak ni Canary at pinatahimik.




Nang makarating kami sa ibaba, naroro'n na si Xander na iniayos na nang pagkakahiga ang bangkay. “May tenga ang lupa, may pakpak ang balita,” mga salitang ginamit niya para ipaalam sa 'min na umabot na nga sa Mercenaries ang chismis na si Luciel ang Bryceton heir.



Lumuhod naman si Stephan sa harap ng katawan. “Time to unmask one of the criminals. Doesn't this make you feel like we're in some kind of  detective mystery novel?” biro niya bago inalis ang maskarang nagtatago sa mukha ng isa sa mga Mercenary.



“Kyle Trinidad of Hell's Scythe, rank 19!” nanggigigil na bulalas ni Canary. Siguradong naiinis siya dahil sa mismong faction namin nanggaling ang kalaban.




Sa nalaman namin ngayon sigurado na kaming mga estudyante nga ng K-High ang Mercenaries. Posible ring ang mga umatake kanina ay ilan sa mga nakapalibot na sa 'min at nakiki-usisa ngayon. Nagpapanggap na mga inosente at walang alam sa nangyari.

K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon