XIX: Shared Secret

95.1K 3.3K 453
                                    

Chapter XIX
Shared Secret


Canary


Gulat akong natulala sa hangin. Ngayon lang nangyaring may nakapagpakalma sa galit na student council president. Agad nanumbalik ang inis ko dahil sa katotohanang hindi ako ang taong 'yon.



“Ms. Salazar, why are you here?” Kasalukuyan niyang dinadampot ang tsokolateng nasa mesa.




Ilang minuto na 'kong nakatayo ro'n pero ngayon lang nito ako napansin.




“D-dinala ko lang ang kulang na reports, Captain.” Inilapag ko ang hawak at dumiretso na sa pinto.



“Mukha kang bulldog.” Huli kong narinig sa kanya galing sa loob.



Tang ina!



Mabibigat ang mga hakbang na tiyak ako sa pupuntahan. Baka hindi ko na makontrol ang sarili kapag kaharap si Auriel kung hindi 'ko ilalabas sa iba ang inis sa kanya kaya tinungo ko kung saan matatagpuan ang matagal ko nang tinatarget na ilang beses ko ring pinabayaan. Hindi ko na 'to pwedeng palampasin na lang ngayon.




Agad kong ikinawit ang braso ko sa leeg ng pakay na natyempuhan kong nag-iisa sa corridor. Bago pa 'to makasigaw, limang beses ko nang naitarak sa sikmura nito ang patalim ko na iglap lang ay kumitil sa buhay niya. Pinanood ko ang paglandas ng dugo sa kamay ko na tumulo sa sahig. Sa kasamaang palad, hindi naging sapat ang buhay niya para mapawi ang iritasyon ko.





Mabilis na lumipas ang gabi. Bulungan ng mga usisero at usisera ang unang sumalubong sa 'kin pagtapak ko sa campus kinaumagahan. Eksenang hindi na bago.



“Hindi ba student council ang may gawa nito?”




“Sinong Tagahatol?”




Napilitan akong makipagsiksikan nang makita ang captain na lumapit sa mga nagbubulungan.



Pinatay ko si Julia Fermin sa safe zone kaya ako pinarusahan ng Tagahatol.



Iyon ang nakasulat sa papel na nakasabit sa leeg ni Brenda Gonzales na miyembro ng Bloodlust. Bukod do'n, walang simbolo ng kahit aling faction ang makikita sa bangkay nito.




“Who the fuck did this?!” hysterical na sigaw ni Yasmin.




“Someone did something stupid again,” komento naman ng vice president.




“What's all the fuss so early in the morning?” Nakangiting dumating si Stephan na kumuha sa atensyon ng mga miyembro ng student council. “Dont look at me, this is not my style. I'm no white knight. Isa pa, Tagahatol? What a lame name.” Tawa pa nito.




“Kasama ko buong gabi si Stephan kaya imposibleng siya ang may gawa n'yan,” depensa ni Xander.



“You tell them, Xan. Sabihin mo nga sa kanila kung ano'ng ginawa natin magdamag.” Umakbay pa 'to sa kausap.




Nanatiling walang imik ang captain. Nahagip naman ng paningin ko si Auriel na agad ding nawala sa karamihan ng tao.




Lumusot ako palabas sa pagitan ng mga estudyanteng nadadagdagan pa. Nasaktuhan ko ang pagtakbo ni Auriel pahabol sa isang matabang babae.




“Miss!” tawag niya rito.




“S-sino ka?” Bakas ang takot sa mukha ng kausap ni Auriel na napapaatras na. Si Dianne Mendoza ng Bloodlust.



“Alam ko ang sikreto n'yo ni Brenda. Nando'n ako no'ng nag-usap kayo sa Forest Park.”




“I-ikaw ang pumatay kay Brenda?”Akmang tatakbo ang babae pero nahawakan ni Auriel ang braso nito.



Umiling ang huli bilang tugon bago nagtanong. “Ano'ng nangyari?”




“M-Mula no'ng araw na napag-usapan namin ang pagkakapatay niya kay Julia, nakatanggap na siya ng mga note,” simula ni Dianne. “Alam ko ang sikreto mo. Iyon lang ang laging nakasulat. T-tapos ngayon nga, p-patay na siya.”



“Dianne Mendoza, susunod ka na.”



Natulala ako nang makitang nakatayo na sa tabi ni Auriel si Eunice. Nakalapit 'to sa kanila nang hindi ko man lang napansin. Pareho namang natigilan ang dalawa dahil sa narinig mula sa kadarating lang.



“I-Ikaw 'yong babae na kumausap sa 'min noon,” nahihintakutang tukoy ni Dianne kay Eunice.




“'Wag n'yo 'kong tingnan ng ganyan. I'm just telling what's obvious. Siguradong alam ng Tagahatol na alam mo, alam ko at alam ni Auriel ang tungkol sa kasalanang ginawa ng kaibigan mo,” turo ni Eunice sa bawat isa sa kanila na binigyan niya pa ng diin. Para bang alam niyang may ibang nakikinig.




Mas lalong nadagdagan ang takot sa mukha ni Dianne. Habang si Eunice, hindi mababakasan kahit man lang pagkabagabag na pwede siyang mamatay dahil sa nalalaman. Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Auriel. Tama nga ang obserbasyon ni Yasmin sa kanya. Tumapang na nga siya.



Hindi mapapatay ng Tagahatol si Eunice at Auriel. Hindi nito pwedeng labagin ang mga batas ng K-High na ito mismo ay sinusunod.




Auriel




What happened to your face?” puna ni Unnie bago bumunghalit ng tawa.




Kinapa ko ang magkabilang umbok sa pisngi. Nababawasan naman na ang pamamaga, salamat sa mga halamang gamot, pero halata pa rin ang laki.



“Kinagat ng ipis,” isinagot ko sa kanya gaya ng sinabi ko sa presidente kamakailan.




“Ipis?” Lalong lumakas ang tawa ni Unnie. “Au, wala kang talent sa pagsisinungaling kaya 'wag mo nang ipilit. Wala kang maloloko rito,” dagdag panunudyo nito.



“Alam ko naman 'yon pero ganito talaga ako magrebelde.”




Sandaling natahimik ang kausap ko bago napangiti uli na hindi ko alam ang dahilan.



“Magkaibigan ba kayo?”




Pareho kaming natigilan sa tanong ni Dianne na kasama pa rin naming naglalakad. Taga-Bloodlust nga 'to pero maayos siyang kausap hindi gaya ng captain ng faction niya.



“Pa'no kung sumagot ako ng oo, may magagawa ka ba?” seryosong tugon ni Unnie.



Hindi na umimik si Dianne kaya nabalot kami ng katahimikan.




“I'm kidding,” natatawang bawi ni Unnie. “Aanhin ang pagkakaibigan kung pareho kaming mamamatay, 'di ba?” pagtutuloy niya na may ngiti na uli sa mga labi.



Nakahinga ng maluwag si Dianne nang marinig na nagbibiro lang siya. Samantalang hindi ko yata maiintindihan kahit kailan ang mga biro ng sariling ka-faction.



“Pero ito hindi biro chubby girl, mag-iingat ka.”




Kahit ako, kinilabutan sa paalala ni Unnie.



Halata ang pangamba na nagpaalam si Dianne. Pangamba na nawala na sana kanina kung hindi lang ipinaramdam uli sa kanya ng katabi ko. Pinagmasdan ko ang paglayo niya. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko rin sigurado kung may maitutulong nga ba ako rito.




“Survival of the fittest,” walang anu-ano'y biglang lumabas sa bibig ni Unnie.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon