XXXI: Checkmate

86K 3.1K 501
                                    

Chapter XXXI
Checkmate


Auriel


Nagdilim agad ang paningin ko pagkatapos inumin ang berdeng likido sa baso kaya hindi ko napigilan ang pagbagsak ko sa malamig na sahig. Nang bahagya kong maidilat ang mga mata, nasilip kong nasa parehong sitwasyon din ang mga king na kasama ko sa gitna. Halos namimilipit din sila sa sakit.



Hirap mang huminga, gumapang ako at pilit inabot ang basong pinakamalapit sa gilid ng mesa. Pikit-mata kong nilagok ang dilaw na likido nang mahawakan. Ilang segundo lang, nagsimula akong sumuka ng dugo. Binalot ng mas matinding sakit ang buong sikmura ko. Para akong tinadyakan.



“Damn it, Auriel! Follow my order!” galit na giit ng presidente.



Kung madali lang sanang sundin ang utos niyang 'wag akong mamamatay.



Habang nanginginig ang mga kamay kong umaasa na lang sa suporta ng matigas na paa ng mesa, nasulyapan ko si Clarence na hindi na kumikilos. Bumubula ang bibig niya.



Siya ang pinakauna.




Gamit ang natitira pang lakas, kumapit ako sa mesa para makatayo habang tinitiis ang halo-halong sakit. Tinitigan kong mabuti ang dalawang natitirang baso. Sa bawat minutong lumilipas, lumalakas ang epekto ng lason sa katawan ko. Para akong nalulunod kahit wala naman ako sa tubig.




Nahagip ng peripheral view ko si Janina na sumusuka na rin ng dugo at hindi na makatayo. Si Melissa naman ay akmang iinumin ang sunod na baso pero hindi na siya umabot at bumagsak na lang nang dilat ang mga mata. Gaya niya, mamamatay na 'ko kapag nagkamali pa.





“Auriel, 'wag kang tumayo lang d'yan at hintayin na mamatay ka!”



Kasunod nang sigaw na 'yon ni Unnie naramdaman ko na lang ang matigas na sahig sa likod ko. Bumagsak na naman pala ako.




Hirap nang iproseso ng utak ko ang nangyayari pati na ang dapat kong gawin. Bukod sa kinakain ng takot ang isip ko, natatalo na rin matinding sakit ang katawan ko.




Ayos na rin siguro kung mamatay na lang ako. Mas madali.




Hindi ko na nilabanan ang pagbigat ng mga talukap ko. Pipikit na sana ako kundi lang sa boses na narinig ko.



“Don't you dare give up on me!” It was the president. “Patunayan mo sa 'kin na may pagbabagong magagawa ang pagrerebelde mo!”




Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Sa 'kin galing na magrerebelde ako pero heto ako at magpapatalo na lang kasi mas madali. Pinuwersa ko ang sarili hanggang sa makadapa saka sinimulang hatakin ang buong bigat ko palapit sa mesa.



Isa pa. Isa pang subok!



Halos nakayakap na 'ko sa mesa. Kamay ko na lang ang ikinilos ko para makakuha ng baso sa ibabaw. Hindi na 'ko namili. Lolokohin ko lang ang sarili kapag pinag-isipan ko pa kung alin sa dalawa. Tinungga ko na lang agad ang unang maabot. Bumulagta ako sa sahig pagkatapos inumin ang itim na likido dala ng panlalambot at pag-ikot ng paningin ko.



“You fought well, Auriel.”



Huli kong narinig bago ako tuluyang nilamon ng sakit na nararamdaman at ng tahimik na kadiliman.




Canary

Limang minuto ang lumipas bago gulat na napabangon at napaupo si Auriel galing sa kinasadlakang sahig.



Kill Off result: Checkmate, Silent Killers and Death Gods. Kings Remaining: Bloodlust and Hell's Scythe. Congratulations.



Pagkatapos ng announcement sa speaker, iglap lang nakalapit na agad ang captain kay Auriel. Napatakbo kami pasunod sa kanya.



Alam kong kanina pa nito pinipigil ang sarili. Hindi man ipahalata ng captain, dama ko ang pag-aalala niya habang umaalalay sa nakaupong si Auriel. Sigurado akong hindi lang ako ang nakakapansin no'n.



“Au, you did it!” Inalog-alog pa ni Eunice ang balikat ng kinakausap.



“Tama na 'yan, Eunice. Baka ikaw pa ang makapatay sa kanya,” natatawang pigil ni Kiel.



Hindi lang si Eunice ang halatang tuwang-tuwa. Rinig hanggang sa kinakalagyan namin ang nagsisigawang boses ng mga faction na nanalo.



“Bakit parang hindi ka masaya, Canary? Para kang natalo?” usisa ni Kiel na malakas makiramdam.



Hindi ko naman din kasi talaga alam kung dapat nga ba akong matuwa sa naging resulta.



“Natalo naman talaga 'yan,” singit ni Eunice habang nakangisi.




Hindi na 'ko nagsalita. Wala akong balak makipagsagutan sa kanya na palaging maraming alam sabihin. Nilingon ko na lang ang Bloodlust, partikular kay Yasmin na tinutulungang makalakad ang king na nagpanalo sa faction nila.



May pakialam din pala 'to sa mga miyembro niya.




“Au, say something.” Muling tawag ni Eunice.




Saka ko lang napansin na kanina pa tulala ang tinutukoy niya na nakaupo nga pero hindi gumagalaw. Hanggang sa bigla na lang 'tong napakapit sa sariling leeg.




“Nahihirapan siyang—”




Naitikom ni Eunice ang bibig dahil sa naging biglaang kilos ng captain. Maging si Kiel, hindi maipaliwanag ang reaksyon. Ako naman ay napatda na lang sa walang hesitasyong paghalik ng lalaki sa nangangatal na mga labi ni Auriel. Tutok ang mga matang pinanood lang namin 'to sa kung paano pilit na inililigtas sa pamamagitan ng halik ang huli.



Masyadong ginagampanan ng captain ang pagiging knight niya.



“I told you to follow my order, Auriel. Hindi ka talaga marunong sumunod.” Narinig ko pang sabi nito matapos maghiwalay ang mga labi nila. Saka buhat na itinakbo ang tinutukoy papunta sa west wing na sinundan din ni Kiel.



“Chill, CPR lang 'yon.” Hindi ko na sana iintindihin ang sinabi ni Eunice kundi lang sa sunod niyang ibinulong na ikinairita ko na. “This might be your win after all.”




“Nananadya ka ba? Hindi ko maintindihan ang takbo ng isip mo. Dapat yata sa psychiatric hospital ka ipinasok at hindi sa K-High!”




Kailan lang ay pinoprotektahan niya si Auriel ngayon naman ay parang wala siyang pakialam kung mamatay man 'to.




“'Wag kang highblood.” Nagawa niya pang matawa.



“Ewan ko sa 'yo. Mas mabuti pang iwasan na lang kita at baka mahawa pa 'ko ng kabaliwan mo.” Humakbang na 'ko para sumunod sa captain.



“Don't you know that we think alike?” sinabi niya na nakapagpalingon sa 'kin. “Alam ko kung pa'no ka mag-isip, Canary. Also, there are two things you're hiding.” Ngumisi siya nang makahulugan. “Alin do'n ang gusto mong pangalanan ko?”



Inignora ko ang kabang naramdaman at itinuloy na lang ang paglalakad.



“Walang sikretong hindi nabubunyag. Wait, that's a very cliché thing to say.” Tinawanan niya ang sariling sinabi.



“Double-faced bitch!” sigaw ko sa kanya habang bumababa ng hagdan.



“You're a double-faced bitch yourself, Ms. Manager.” Sa malas ay narinig kong pahabol nito bago ako tuluyang nakalayo.






K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon