XXV: Canary's Fury

89.2K 3.4K 222
                                    

Chapter XXV
Canary's Fury


Auriel


Awtomatikong nag-init ang mukha ko. Dinampot ko ang katabing unan at ibinato 'yon sa presidente na walang hirap nitong nasalo.


Lumakad siya palapit sa 'kin at umupo sa upuang nasa tabi ng kama. Nag-iwas lang ako ng tingin.



“How are you feeling?” Hindi ko pa rin siya nilingon na ikinainis niya yata. “Look at me when I'm talking to you.”



“M-magsuot ka muna ng t-shirt.”



“How, when you're wearing my shirt?”



Kinunutan ko siya ng noo na ginantihan niya naman nang malakas na tawa.



“Wala ka ngang sense of humor,” naiinis kong dugtong na lalong nagpahalakhak sa kanya na kasalukuyan nang kumukuha ng damit sa wardrobe cabinet.



Naupo na uli siya sa upuang nasa tabi ko. “Ganyan ka ba magpasalamat sa nag-alaga sa 'yo sa loob ng dalawang araw?”



“Dalawang araw?” Nanlaki ang mga mata ko.



“You were so at home, kulang na lang dito ka na tumira.”




Gusto kong lamunin na lang ng kama dahil sa mga nalaman. “Sorry, ang laki kong abala,” nakayuko kong anas. “At salamat sa pag-aalaga sa 'kin, President.”




“This better not happen again.”




Iglap lang, bumalik ang normal niyang seryosong ekspresyon. Pakiramdam ko tuloy may nasabi akong masama.




“P-privilege ba ang kuwartong 'to dahil ikaw ang student council president?” Oo nga at ibang-iba ang silid niya kaysa sa karaniwang dorm room pero ang wala sa hulog kong pagtatanong ay paraan ko lang para ibahin ang usapan. Kinakabahan na naman kasi ako sa titig niya.




“It's not because I'm the student council president, but because I rank first,” seryoso at direkta niyang sagot. “Have you ever considered holding a knife?”



Natigilan ako sa tanong niya at sa mga mata niyang walang emosyong nakatuon sa 'kin.




Umiling ako. “Hinding-hindi ko maiisip ang pumatay.”




“Pa'no kung 'yon lang ang paraan para mabuhay ka?”




Alam na alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin pero hanggang sa kaya ko, iiwasan kong mauwi ro'n ang sitwasyon.




“Hanggang saan ka kaya kayang dalhin ng pagrerebelde mo?”




Napatda ako nang mapansing maliit na lang ang distansya sa pagitan namin. Hawak niya ang ilang hibla ng buhok ko habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. Ilang segundo kaming walang imik na nagtitigan bago niya binawi ang kamay at umayos nang upo.


“You need to learn to protect yourself using your own way. Killing is not the only option,” makahulugan niyang dugtong bago naglakad sa pintuan at binuksan 'yon. “After leaving this floor, the rest is up to you.”



Tumango ako at ibinaba na ang mga paa ko sa sahig. Oras na para umalis. Mali ang magtagal pa rito. Nang makatayo, saka ko lang napansin na pati pala jogging pants niya ay suot ko.



“You can keep my clothes,” pananadya niya.



Hindi ko na siya tiningnan pa dahil sa hiya.



“Also, don't forget these.”



Hindi natuloy ang plano kong sa sahig lang itutok ang mga mata hanggang sa makalabas dahil sa pahabol niya.
Napaangat ako ng tingin.



Nasa kamay niya at sinisipat ang eyeglasses ko. “Why wear glasses that you don't really need?”



“A-ayokong maging pansinin.”




Kumunot ang noo niya. “You're defeating your own purpose with these attention-seeking glasses,” tukoy niya pa rin sa hawak bago 'yon inihagis sa 'kin na muntik ko pang hindi masalo.



Pasimple akong pumihit patalikod at dire-diretsong naglakad palabas ng kuwarto.



“Fifteenth day of the seventh month. Remember that.”




Hindi na 'ko nagtanong kahit pa hindi ko naintindihan kung para saan ang huli kong narinig galing sa kanya habang isinasara ko ang pinto ng silid niya. Bago ko narating ang main door paalis ng fourth floor na siya lang ang umuukopa, nadaanan ko ang living room at ilan pang nakasarang mga pinto. Kusang nag-click ang electronic lock nang makalabas ako. Protektado ang buong palapag ng apat na numerong passcode.



Patapak na 'ko sa huling baitang ng hagdan pababa nang may biglang humila sa braso ko. Masakit ang kapit ng babaeng may hatak sa 'kin pero hindi ko nagawang dumaing. Hinila niya 'ko palabas ng dorm at malakas na itinulak pasalya sa isang puno.


“Sumosobra ka na!”



Isang patalim ang bahagyang dumaplis at gumawa ng maliit na hiwa sa pisngi ko bago bumaon sa punong sinasandalan ko. Tulala kong naikapa ro'n ang palad dahil sa hapdi. Ngayon lang naging ganito sa 'kin ang kaharap.


“A-ano'ng problema, Canary?” Halos bulong lang ang lumabas sa bibig ko.



“Ikaw ang problema!” Lalo siyang nanggigil nang mapadako ang paningin sa suot kong damit. “Dapat hinayaan na lang kitang mapatay ni Yasmin noon!”



Napaupo ako sa sinasandalan. Ano bang nangyayari sa kanya?




“You better stop this bullshit, Ms. Territory manager.” Biglang sulpot ni Unnie na ngayon ay nakapagitna na sa amin.




“Wag kang makialam dito, Eunice!”




“You know the rules very well. Patayin mo siya at mamamatay ka rin. We're in the same faction for crying out loud,” may diing paliwanag ni Unnie na pinoprotektahan ako habang
bakas na bakas pa rin ang galit sa mukha ng kinakausap.



Galit na ibang-iba kaysa sa lagi niyang ipinapakita sa 'kin.




“Hindi pwedeng mamatay si Auriel. Hindi niya pa oras,” dugtong ni Unnie.




“Hindi ka Diyos para malaman kung kailan ang oras niya!”




“Calm down. Gusto mo bang makita ka ng presidente na ganyan?”



Saglit na nakitaan ng pangamba ang mukha ni Canary.




“Wala kaming pagsasabihan tungkol sa nangyari kaya umayos ka.”



Matapos ang narinig, dahan-dahang umatras si Canary at naglakad palayo nang walang lingon-lingon.




“Bakit galit na galit sa 'kin si Canary?” lito kong tanong.




Mahinang umiling si Unnie bago sumagot. “You have to figure that on your own. But here's a friendly advice, learn to somehow protect yourself.




Kusang umulit sa isip ko ang sinabi ng presidente kanina na gaya rin ng kasasabi lang ni Unnie ngayon bago napatuon ang atensyon ko sa mga nanginginig kong bukas na palad.  Nanginginig ang mga 'yon hindi dahil sa takot kundi dahil sa realisasyong hindi malabong maging tulad nila ako para maipagtanggol ang sarili.



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon