VI: Elites of K-High

104K 4K 528
                                    

Chapter VI
Elites of K-High

Auriel

Hindi ko alam kung saan tatakbo o kung saan magtatago. Dahil hindi ko kabisado ang pasikot-sikot sa eskuwelahan, kung saan-saan lang ako lumiliko. Panicking, my hands and knees are losing strength. Fear is getting the best of me.



Sa lagay kong 'to hindi ako aabot sa dorm.



“Mapapagod din 'yan!”



Narinig ko pa bago sa wakas ay makakita ng bukas na kuwarto.



Balak ko sanang isara agad ang pinto at barikadahan ng mga upuan 'yon pagkapasok pa lang pero ikinahakbang ko paatras ang pigurang nakita sa loob. Kalahati lang ng mukha nito ang nasisinagan ng liwanag galing sa labas. Kasalukuyan 'tong tumatayo galing sa pagkakaupo, hawak ang kutsilyong nababalutan ng malapot na dugo.


Isang silwetang nakahiga sa sulok ang nahagip ng mga mata ko bago muling ibinalik sa nasa harap ang paningin. Nanindig ang balahibo ko nang dinilaan nito ang dugong nasa sariling pisngi habang nakangiti.



Nagsimula 'tong humakbang papunta sa direksyon ko habang dinig ko mula sa pasilyo ang papalapit na yabag ng mga humahabol sa 'kin. Umabante man ako o umatras, wala akong ligtas.


“Auriel Fortalejo?”


Natulala na lang ako sa nakadukwang sa 'king si Canary. Siya ang pigura sa dilim.



Walang anu-ano'y bigla niya na lang akong hinatak papunta sa likuran niya saktong sumulpot ang mga lalaking humahabol sa 'kin. Halos mamalikmata ako sa naging mabilis na pagkilos ni Canary. Agad siyang nakapunta sa likod ng isa at nagawa 'tong saksakin mula ro'n. Nailagan niya rin ang unday ng katabi nito at mabilis na tinarakan 'yon ng patalim sa leeg. Ang huli'y sinikmuraan niya bago ginilitan. Sabay-sabay na bumagsak sa harap namin ang tatlo sa loob lang ng ilang minuto.



“Naglalaro ka ba ng MMORPG?”



Nangunot ang noo ko dala ng pagkalito sa tanong na 'yon ni Canary habang hawak ang mas duguan niya nang patalim.



“Pwede kang lurer. Makakarami tayo kung ganito ang gagawin natin lagi,” she added as she talks about killing like it's just an online game.



Wala lang sa kanya ang katatapos lang gawin.




Tahimik kong pinagmasdan ang mga nakahandusay na wala nang buhay. Hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi na 'ko gano'n kabagabag sa nasaksihan. I'm getting acclimated to the minute by minute bloodshed.



Isa-isang pinulot ni Canary ang mga patalim na nalaglag ng mga kalaban sa sahig. “Mapapakinabangan pa ang mga 'to,” paliwanag niya habang isinisilid ang mga 'yon sa dalang bag. “Parang loot kapag nakakapatay ka ng monster sa laro.”



Marahil para sa kanya, ang lahat ng 'to ay isa lamang ding laro. A game of survival which should only be possible in a horror movie or a fictitious novel.


Assassination Report: Quadruple Kill. Points to Hell's Scythe.



Saglit na tinitigan ni Canary ang camera na nasa sulok bago walang paalam akong hinila palabas ng kuwarto. Nagsimula kaming maglakad sa pasilyo na para bang walang panganib ang pwedeng bumangga sa 'min—sa kanya.



Sari-sari ang reaksyon ng mga nadaraanan namin na nasa campus pa. May kanya-kanyang ibinubulong ang mga 'to sa kani-kanilang kasama.


“Quadruple. Iba talaga kapag nasa kill ranking.”



Kill ranking is equivalent to the honor roll list in a normal school setup. A point system which also gives recognition to the top faction. Only the twenty best students can be listed. At iisa lang ang ibig sabihin kapag nasa ranking ka: marami ka nang napapatay.



Ang kasalukuyang may hawak ng kamay kong may bahid na rin ng dugo ay nabibilang sa mga pinakawalang pusong estudyante ng K-High. Si Canary na nasa ranking.



“A-ano'ng rank mo?” naitanong ko dala ng kuryosidad.



“Rank 10,” matipid niyang sagot.



“Si Stephan?”



Saglit niya 'kong nilingon na puno ng pagtataka bago sinagot. “Rank 2.”



Kaya pala gano'n na lang matakot ang mga estudyante kay Stephan. Kahit nga yata hindi malaman na nasa rank 'to, ngisi pa lang niya katatakutan na.



“Kailangan mo pa bang malaman kung sino ang rank 1?”



Umiling ako dahil sigurado namang ang student council president ang isasagot niya.



Fear or admiration? Hindi ko alam kung alin do'n ang dapat maramdaman habang pinagmamasdan ang sinusundang si Canary. Isa lang ang tiyak ko, may utang ako sa kanya.



“Salamat kanina.”



Napahinto siya kasabay nang hindi maipaliwanag na tingin sa 'kin. “Sira ka ba? Ngayon lang may nagpasalamat sa 'kin dahil may pinatay ako.” Ibinaling na niya sa harapan ang atensyon bago kami naglakad uli. “Marunong ka bang gumamit ng patalim?”



“Hindi at wala akong balak matuto,” buo ang loob kong sagot.



Taas kilay niya 'kong nilingon. “Pa'no mo ipagtatanggol ang sarili mo? Hindi ka makakaalis dito sa ganyang mindset.” Saka niya pa lang binitiwan ang kamay ko. “Dito ka na mamamatay.” Huling sinabi niya bago naglakad mag-isa patungo sa dormitoryo na ilang hakbang na lang ang layo.



Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang paglayo ni Canary na nagsampal sa 'kin ng realidad.



Pero kung sakali mang makalabas ako sa eskuwelahang 'to dahil sa dami ng pinatay ko, matatawag pa kaya akong tao? Matatanggap ba 'yon ng konsensiya ko? Mabubuhay pa ba 'ko ng normal?



Mga tanong na hindi ko gugustuhing alamin ang sagot.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon