LVII: The Culprit

78.7K 2.8K 387
                                    



Auriel



“PRESIDENT, how sure are you that only those drinks contain cyanide? Mas safe i-assume na lahat ng nasa vending machine ay nilagyan ng lason.” tanong uli ni Xander.




“Even if the poisoner wanted to, contaminating all the drinks isn't possible. Cyanide has a weakness,” pagdidiin ni Luciel. “A counteragent which is present in all of the beverages in the vending machine except from the three I mentioned.”




Nasa lahat ng inumin pero wala sa diet coke, kape o bote ng mineral water?



“Sugar!” I exclaimed when everything he said made sense to me. “Which means, hindi tatalab ang cyanide kapag isinabay sa pagkain o inuming matamis.”




“Exactly, Ms. Fortalejo. That's the reason why the coke that Mr. Dionisio drank didn't kill him.”



Tumango-tango naman si Paolo na para bang naliwanagan sa kung bakit buhay pa siya.



“If that's the case, why not the water dispenser then? It would have been more convenient for the culprit to just add cyanide in it,” dugtong na naman ni Xander.



“I'll tell you why.” Naglakad si Luciel patungo sa isa sa mga water dispenser na nakasandal sa pader. Saka sumenyas sa aligagang sirbedora ng cafeteria para lumapit. Si Dolores. “The water was just delivered a few minutes before lunch, am I right?” salubong niyang tanong dito.



“Y-yes po, sir. N-nawala ho kasi sa isip ko na u-umorder ng tubig k-kahapon,” medyo na-uutal at nagpapanic na sagot nito.




“Nawala ba talaga sa isip mo o dahil marami kang iniisip?” tanong ni Luciel na lalong nagpakaba sa babae.



Palingon-lingon si Dolores kasabay ng paulit-ulit na pagbubukas sara ng mga palad na sa tingin ko'y hindi normal.



“You may go,” putol ni Luciel sa katahimikan nito.




Mabilis 'tong naglakad palayo habang paulit-ulit na bumubulong sa sarili.




“The way the lady acts isn't just because of ordinary fear nor anxiousness. She has anxiety disorder. Panic attacks, difficulty in both sleeping and concentrating are some of the symptoms. Which are very evident on her.”




Ang patong-patong na eyebags sa mga mata ni Dolores at ang kakaiba niyang kilos ay sapat nang patunay na tama ang sinabi ni Luciel. Nakakabilib na napansin niya ang gano'n kaliit na detalye.




“Ano'ng koneksyon no'n sa tanong ko kanina, President? Is she the culprit?” takang giit ni Xander.




“No, it's the other way around. She's the savior of everyone who's still alive inside this cafeteria.” Nanlaki ang mata ng karamihan sa narinig. “Look closely at the water dispenser.” Kasama ako sa mga tumitig sa tinutukoy niya.




“Isn't it normal for water to be on the floor? That's how water dispensers are. Makalat,” nakangiwing sagot ng isa sa mga nanonood.




“That's a given, but is it normal for water to be on the water dispenser itself?” Sukat sa tanong ni Luciel, napansin ko ang tubig sa gilid ng dispenser na hindi naman dapat naroon. Umaagos 'yon pababa kung saan halos maglawa na ang sahig.




“With this you can say that the water container was placed clumsily just a few minutes ago. At dahil nga may disorder ang babaeng nakatoka sa mga water dispenser, she's mostly frantic and unaware of her actions. Nawala sa isip niyang linisin ang kalat na iniwan. Dahil din nakalimutan niyang magpa-deliver ng tubig kahapon, hindi nahaluan ng salarin ng lason ang water container ng dumaang gabi kaya napilitan 'tong maghanap ng alternative na pwedeng paglagyan. Ang vending machine.”




Nagliwanag ang ekspreyon ng mukha ng mga nakapalibot na para bang isang misteryo ang nalutas.





“Two more questions, President,” muling singit ni Xander kaya napalingon kaming lahat sa kanya. “How did the culprit place cyanide inside those cans if the vending machine is locked? And why are those diet cokes and coffee cans still close if they are contaminated?”




Naglakad si Luciel pabalik sa tapat ng vending machine at ng tatlong inumin na iniwan niya kanina sa mesa. “Notice the vending machine's keyhole.” Karamihan ay nagsipaglapitan sa vending machine at sinuri ang susian. “The school's vending machine is so old anyone can breach it.”




Patunay sa sinabi niya ang napakaraming gasgas ng kung anong matulis na bagay sa saksakan ng susi. Halatang pinilit 'yong buksan.




“And as for your last question Mr. De Silva, Ms. Fortalejo, come here,” tawag sa 'kin ni Luciel.




Napamaang ako habang sinisikap isipin kung ano ang maitutulong ko sa pagpapakita kung pa'no maisasara uli ang isang latang nabuksan na. Daig ko pa ang mag re-report sa harap ng klase ng walang alam tungkol sa ire-report ko. Idagdag pa na nakaka-intimidate sa dami ng alam ang lalaking lalapitan ko.




“Don't look so tense, Hany,” bulong niya sa 'kin kasama ang isang nakakalokong ngiti na lalong nagparamdam sa 'kin ng kaba. “I'm just going to borrow your pen.”




Muntik ko nang tampalin ang sariling noo dahil sa narinig. Kinabahan ako para sa wala.  Sinamaan ko siya ng tingin na alam kong balak niyang gantihan ng tawa kundi lang sa dami ng nanonood. “Sana sinabi mo na lang na ito lang pala ang kailangan mo,” saad ko habang iniaabot ang hinihingi niya.




“Sino'ng nagsabi na ballpen lang ang kailangan ko? I need you,” walang anuman niyang anas bago isinuksok ang ballpen sa bunganga ng lata at sinungkit ang takip n'yon na bahagyang nakalubog.



Hindi na 'ko nagkomento pa, seryoso na kasi uli siya sa ipinapakita sa lahat. Nai-angat niya ang takip kaya kita na 'yon mula sa butas. Walang sali-salita niyang ibinalik sa kamay ko ang ballpen at ipinagpatuloy ang pagsasara sa lata ng diet coke. Inikot niya ang pull-tab na nasa ibabaw papunta sa tapat ng bunganga ng lata tapos ay dahan-dahan at paunti-unti niyang hinila ang tab na siyang nagbigay puwersa para tuluyang umangat palabas ng bunganga ang takip.




Lahat kami'y parang mga batang manghang-mangha sa magic trick na ngayon lang namin nakita. Sa huli, inilapat niya ng daliri ang nakaangat na takip. Tumambad sa harapan namin ang saradong lata na kanina ay bukas.




“Holy shit! Posible pala 'yon?” bulalas ng isa na nagpasimula sa bulungan ng mga estudyanteng kanina lang ay halos mga hindi humihinga dahil sa pinapanood.




Iniharap ni Luciel ang likod ng dalawang lata sa mesa na kinakitaan ng bakas ng pulang pintura. “Walang balak ang salarin na itago ang ginawa.” Mahina niyang sinuntok ang salamin ng vending machine na bumasag do'n. Nagbagsakan at nagsipaggulungan sa sahig ang lata ng iba't ibang klaseng softdrink, kape at bote ng tubig. At mula sa kinalalagyan ng mga 'yon kanina, naging malinaw ang pulang marka na iginuhit pa rin gamit ang spray paint.




Kanya-kanyang lapagan ng hindi pa nabubuksang diet coke, kape at tubig galing sa vending machine ang mga estudyante. Kumbinsido silang totoo ang lahat ng deduction ni Luciel. Lalo pa't nakita na ng mga mata nila ang ebidensiya.




————————
A/N: Below is a video on how to close an opened drink. Credits to the owner.

https://youtu.be/7WiboyG_ik4

K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon