LXXVI: The Demon And The Angel

80K 2.8K 250
                                    


Auriel




NAALIMPUNGATAN ako nang maamoy ang isang uri ng pabango galing sa usok na nasisinghot ng ilong ko.


“Mabuti naman at gising ka na,” tinig ng babae na tuluyan nang nagpabalik sa ulirat ko.


Pagkamulat ng mga mata ko, agad din akong napatayo.



“Welcome to the Bryceton mansion, Ms. Auriel Fortalejo.”



Nang igala ko ang paningin, natiyak kong wala na nga ako sa K-High at nasa loob na ng isang magarang kuwartong napapalamutian ng mga mamahaling painting at antigong kasangkapan.



“L-Luciel!” tawag ko sa tinutukoy na nasulyapan kong nakakadena ang magkabilang kamay sa isang upuan.



“Don't worry, Hany. Nothing bad will happen,” matigas niyang turan habang pinipilit kumawala sa makapal na kadena.




“Pakawalan mo siya!” asik ko kay Serenity Bryceton na principal ng K-High.



“You can't order me around. Especially, in my own house." Halata ang panghahamak nito sa paraan ng pananalita niya.



“Ano bang kailangan mo sa 'min?” Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kami naririto. “Ang Mercenaries ang habol n'yo, 'di ba? Hindi kami na mga estudyante lang ng K-High.”



Isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa mga labi ng kaharap ko. “You have no idea what you're talking about.”


Naging palaisipan ang sinabi niya na lalong mas naging kumplikado nang muli siyang magsalita.


“Bring it in.”


Naestatwa ako sa kinatatayuan nang makitang pumasok si Xander sa pinto dala ang isang patalim na inilapag niya sa mesang nasa harapan ko. Walang salita siyang pumuwesto ilang hakbang mula sa 'kin bago bahagyang yumukod sa harap ni Serenity.


“Let's get to the point. I'll give you two choices: walk out of that door with your hands unstained and forget about Luciel or hold that knife and kill Xander in order to be accepted by the Bryceton Empire. Don't worry, he won't fight back.”


“Hindi ko naman hiniling na mapabilang o tanggapin ako ng Bryceton empire!”



Magsasalita na sana uli 'to pero napigil siya ng hindi ko inaasahang pagsigaw ni Luciel. “Keep your mouth shut, Serenity!”




“Don't get all worked up.” Sinabayan ng babae ang sumunod na sinabi ng ngisi. “Brother.”



Naibalik ko ang paningin kay Luciel na ngayon ko lang nakitang nagalit ng sobra. Pinipilit niya pa ring kumawala sa mga kadenang bumabakat at sumusugat na sa mga kamay niya.



“M-magkapatid kayo?” tanong ko na para sana kay Luciel pero si Serenity na ang sumagot.



“Siblings, but not blood related. Now, enough about us. What will your choice be, Auriel?”



Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit kailangan ko ng pagtanggap galing sa mga Bryceton. Nilingon ko si Xander na nakatayo lang at walang imik. Hindi siya natitinag kahit pa pwede siyang mamatay ng walang kalaban-laban dahil natural lang na hindi siya pwedeng sumalungat sa pinaglilingkuran niya.



Hindi lang si Eunice ang napaikot. Ang buong K-High ay pinaniwala sa isang kasinungalingan kasama na 'ko.



“Just walk away, Auriel,” hiling ni Luciel na pumiga sa puso ko. “Hindi mo kailangang dungisan ang mga kamay mo. You don't need to be acknowledged by the likes of us.”




Imbes na lungkot, inis ang naramdaman ko. “Let me remind you of what I told you before, Luciel; if loving you is a sin, I'm ready to go to hell for it.” Mabilis kong dinampot ang patalim na nasa harap. “Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko at hindi rin kita iiwan.” Itinapat ko sa leeg ko ang hawak bago matalas na tinitigan si Serenity. “Here's my answer.”



I'll rather choose death than kill or live without Luciel in my life.



Ipinikit ko ang mga mata kasabay nang pagtulak ng patalim papunta sa lalamunan ko.



“I didn't give you permission to die, Auriel,” boses na halos nasa tenga ko na kaya napamulat ako.



Ang kaninang nakakadenang si Luciel ay nakatayo na sa gilid ko ngayon. Nakaharang ng kamay niya sa patalim habang hawak naman ni Serenity ang puluhan n'yon. Dalawa silang pumigil sa tangka kong pagsaksak sa sarili.



“If I was a moment too late, I would have killed you!” Ramdam ang galit ni Luciel kay Serenity na mabilis nang dumistansya.



Walang imik na iniharap ako ng katabi sa direksyon ng pintuan bago sinigawan si Xander. “Mr. De Silva, you're fired! Get the hell out of my sight!”




Awa ang naramdaman ko rito na bahagyang yumukod sa harap ni Luciel bago walang lingong naglakad palabas.



Inalalayan ako ni Luciel kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad na rin patungo sa pinto.



“Saan ka pupunta, Luciel?”



Saglit kaming huminto. “I just graduated from K-High. Where I go is none of your business,” sagot ni Luciel na hindi man lang tinapunan ng tingin ang kausap. “I heard that your mother just gave birth.” Muli kaming tumigil sa paghakbang. “Tell father to make his new son the Bryceton heir.” Iyon lang at tuluyan na naming iniwan si Serenity na hindi ko na nasilip ang reaksyon.



“I'm sorry, Hany,” sa wakas ay sabi ni Luciel na sigurado ako kung para saan.



Sa tindi ng emosyong nararamdaman ko, nasampal ko na lang siya. “That's for faking your death that broke my heart to pieces!” Umigkas uli ang palad ko papunta sa pisngi niya na sinabayan ng pagluha ko. “This is for lying about who you are. You didn't trust me enough!”



Nakayuko siyang humarap uli sa 'kin. Handa siyang tanggapin lahat kaya isang sampal pa ang ibinigay ko sa kanya.



“That's for pushing me away, making me choose to give up!” Marahas ko nang hinila ang kuwelyo niya palapit. “And this is because I miss you and I love you, you damn demon!” Ako na mismo ang humalik sa mga labi niya na mayamaya pa'y ginantihan niya kasabay ng pagpulupot ng mga braso niya sa bewang ko.


“Still sweet, but a little bit spicy,” nakangiti niyang komento pagkatapos iwan ang mga labi ko. “Congratulations on graduating from K-High, Ms. Auriel Fortalejo,” bati niya bago ako muling hagkan.



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon