LXI: True Friendship

77.5K 2.8K 223
                                    


Auriel




NAGSIMULA ang klase gaya ng pangkaraniwang araw. Ang hindi lang pangkaraniwan ay ang ngiti ng ilan sa labi at ang magaang na atmospera.



Nang tumunog ang bell imbes na isa-isang lumabas gaya ng nakasanayan, grupo-grupo ang karamihan. Hindi nabubura ang mga ngiti nila. Magkakaibang faction pero nagtatawanan at nag-uusap usap sila na para bang normal na gawi nila 'yon.



Mapapangiti na sana ako gaya nila kundi lang nahagip ng paningin ko ang ilan na nangingilag at masama pa rin kung tumitig.




Hindi nga pala pare-pareho ang opinyon ng tao. May magpapakita pa rin ng pagkadisguto kahit pa para sa ikabubuti ng lahat ang isang desisyon. Hindi lahat matutuwa at tatanggapin na lang ng buo ang bagong batas ng K-High.




Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko, lumabas na 'ko at nagsimulang maglakad sa pasilyo. Hindi ang opisina ng student council ang balak kong puntahan. May tao akong kailangang abangan.



Saktong naabutan ko ang pakay na madaling naglalakad. Walang pag aatubili ko siyang hinarang.
Sinubukan niya 'kong lagpasan pero hindi ko siya hinayaan. Mistula kami nagpapatintero kahit wala namang linya na nakaguhit sa sahig.



“May kailangan ka, Auriel?” patay malisayang tanong ni Canary.



“Alam kong alam mo kung ano ang kailangan ko sa 'yo.”




Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. “Akala ko ba binawasan mo na 'yang kuryosidad mo?”




“Binabawasan ko pero hindi pa rin mauubos 'to sa loob ng katawan ko.”




“Bakit hindi na lang ang presidente ang tanungin mo?” Pagkatapos ng sinabi, nagawa niyang makaalpas at mabilis na sanang tatakbo kundi ko lang nahawakan at napigil ang braso niya.




“Please, Canary. Gusto kong malaman ang tungkol sa mga Addison. Iibahin lang ni Luciel ang usapan kapag sa kanya ako nagtanong.”



“Pinoprotektahan ka lang niya.”



“Gano'n din ang gusto kong gawin para sa kanya,” sinsero kong sagot na nakapagpasuko sa kausap.



“Alam ng presidente na matigas ang ulo mo kaya ayaw niyang magsalita.” Nagpatuloy siya sa paglalakad na sinabayan ko. “Isa pa, may hindi ka pa rin naman sinasabi sa kanya.” Alam kong ang tinutukoy ni Canary ay ang sulat na galing sa mga magulang ko. “Patas na kayo.”



Sa library kami tumuloy. Doon pinakatahimik. Bihira lang din ang may pumasok sa loob kaya kahit papaano mapapanatag kaming walang makakarinig sa 'min.



Inilapag niya ang bag at naupo saka nagsalita. “Noon, dalawang pamilya ang itinuturing na pinaka maimpluwensiya, ang mga Addison at mga Bryceton. Dalawa silang namumuno sa Underground Government,” panimula niya. “Dahil na rin dalawa sila, nagkaro'n ng 'di pagkakaunawaan sa pagitan nila. Ang mga pamilyang sumusuporta sa bawat isa sa kanila ay nahati. Nahati ang Underground Government.”



“Tumagal ba ang hindi nila pagkakaunawaan?”




“Hindi na lang 'yon naging simpleng hindi pagkakaunawaan.” Napailing si Canary sa ikinukuwento. “Ang maliit na gulo ay lumaki. Nauwi 'yon sa matinding hidwaan sa pagitan ng dalawang partido. Mafia war.”



“Kaninong pamilya kumampi ang pamilya mo?”



“Sa mga Bryceton.”



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon