XI: Territory Manager

99.6K 3.6K 327
                                    

Chapter XI
Territory Manager


Auriel





In speaking english, there are three things you must give attention to: grammar, pronunciation and vocabulary.”





Nagkaklase ang guro sa harapan pero hindi ko maibigay sa leksyon ang buong atensyon ko. May mga nagmamasid na naman kasi sa 'kin.




“With these three, even—”




Natigil ang guro dahil sa pagtunog ng bell na pinakahihintay na oras ng lahat. Lalo na ng mga kaklase kong binabantayan ang bawat kilos ko.





“Alright, we'll end here for today.” Habang nag-aayos ang guro, pinakikiramdaman ko naman ang mga nasa paligid. “Be sure to do your homework, class,” the teacher added as she made steps towards the door.





Lahat ng mata sa guro nakatutok habang palapit nang palapit sa pintuan kahit hanggang sa nakatapak na ang isa nitong paa sa labas. At nang tuluyan na nga 'tong nakalabas, tuluyan na rin akong kumaripas. Naunahan ko pa nga 'to na ilang hakbang pa lang ang nagagawa sa pasilyo.




“Habol, dali!”




Rinig kong utos ng isa sa iba pa, na sinunod naman ng mga 'to.




Bulungan at hagikhikan ng ilang naiwan na wala namang ideya sa kung ano talaga ang nangyayari ang huli kong naulinigan bago nakalayo sa classroom.




Saktong pagliko ko, namataan kong naglalakad si Canary bitbit ang isang makapal na binder.




I made a sigh of relief before calling her. “Canary!”



I was saved by luck again.





Canary





Napalingon ako kay Auriel na bigla na lang tumawag sa pangalan ko. Hingal na hingal 'tong sumabay sa paglalakad.





“S-saan ka pupunta?” tanong niya pa habang hinahabol ang sariling paghinga at naglalandas ang pawis sa noo. Wala na rin sa ayos ang suot niyang uniporme pati na ang kanyang buhok.




“Sa captain. Ipapasa ko ang dorm expenses.”





Saka ko lang napansin ang ilang lalaking halatang napahinto nang makita ako. Bakas ang takot sa mga mukha nila. Pilit namang nagtatago sa likuran ko si Auriel na umaasang hindi siya makikita ng mga 'to.




Sa laki niyang 'yon?




Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga mukha nila. Bloodlust na naman.



“Layas!”




Parang mga asong bahag ang buntot, nag-unahan silang makalayo pagkatapos ko silang sigawan. Saka ko binalingan si Auriel na halatang nakahinga ng maluwag nang mawala ang alam kong mga kanina pa humahabol sa kanya.





“Ga'no katagal ka nang pinupuntirya ng Bloodlust?” usisa ko bago itinuloy ang paglalakad.




Lalong nawalan ng kulay ang mukha niya sa narinig. “Walang pumupuntirya sa 'kin. Lagi lang talagang may humahabol,” iwas tinging sagot pa niya.




Walang salita ko siyang tinampal sa noo.




“A-aray, bakit?” tanong niya na sinarili ko na lang ang sagot.




Akala niya, mapapaniwala niya 'ko sa gano'ng klase ng kasinungalingan. Alam kong minamanmanan siya ng mga taga-Bloodlust nitong nakaraang mga linggo. Halos araw-araw ko siyang nakikitang sinusundan ng mga 'yon. Kahit sa dorm, may mga umaaligid na natitiyak kong taga-Bloodlust.




“May nakabangga ka ba sa Bloodlust?”




Sandali siyang natulala. Kusa yatang sumulpot sa isip niya ang sagot sa tanong ko. “W-wala.” Napili niyang itugon bago punasan ang sariling pawis at ayusin ang sarili.




Hindi ko napigil ang sariling tapikin na naman siya sa sentido. Napatitig siya sa 'kin habang sapo ang parteng pinalo ko.




Nakakainis na nagsisinungaling siya kahit hindi naman siya magaling do'n. Ni hindi siya marunong magtago ng emosyon at ekspresyon. Nakakairita, na alam ko nang nagsisinungaling, ayaw pang umamin.




“Bakit kailangan mo pang itago kahit halata naman na merong nangyari?”




Ilang segundo bago siya sumagot. “Ayokong madamay ka,” nakangiti niyang anas.




Nang mga oras na 'yon parang gusto kong tumawa.



“Dito na muna ako sa library Canary, salamat,” mabilis niyang paalam saka pumasok sa aklatan.




Napailing pa 'ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Parang lumalabas na ako pa ang pinoprotektahan niya.




Kaya maraming pinag-iinteresan siya. Masyado siyang mahinamabait.” Hindi ko napigil ang mapangiti. Ngiting hindi ko alam kung dahil sa naiisip kong para siyang tanga o ngiting dahil sa tuwa.




“You must be talking about the girl with big eyeglasses.”




Saka lang ako nakabalik sa kasalukuyan galing sa pag-iisip. Natulala ako sa lalaking nasa mesa nito at nagsalita. Wala akong kamalay-malay na nakapasok na pala ako sa opisina ng student council at pati ang nasa isip ay nasabi ko nang malakas. Narinig 'yon ng captain.




Kahit dito pala, may nakarating na tungkol kay Auriel.




Nanatili siyang nakatingin sa 'kin kaya napilitan akong sumagot. “S-siya nga, Captain. Pinag-iinitan yata siya ng Bloodlust. Tinanong ko kung sino ang nakabangga niya pero hindi niya 'ko sinagot kasi ayaw niya raw akong madamay.” Huli na nang ma-realize kong sobra na pala ang nasabi ko.



“I see.”


Bago walang anumang ibinalik ng presidente ang mata sa ginagawa, napansin kong saglit siyang nag-isip. Sa kung anong dahilan ay hindi ko na alam.



“Leave the dorm report on the table, Ms. Salazar. And then, you may go.”




Hindi na 'ko nagsalita. Inilapag ko na lang ang report sa mesa saka siya ilang segundong pinagmasdan.




“Is there anything else?” puna nito na muntik ko nang ikagulat.




“W-wala na, Captain.” Tumalikod na 'ko para tunguin ang pintuan. Huling sulyap ang ginawa ko sa presidente na abala pa rin sa ginagawa bago inilapat pasara ang pinto.




Nang makarating sa tapat ng library, bahagya akong sumilip para alamin kung naroro'n pa si Auriel. Hindi siya nakita ng mga mata ko kaya itinuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa susunod kong klase. Nadaanan ko ang mga lalaking sumusunod sa kanya kanina. Kung saan-saan nakatingin ang mga 'to para lang iwasang mapadako ang mga mata sa 'kin. Ipinagwalang-bahala ko na lang sila.




“Ms. Manager, are you a superhero?” nakakalokong tanong ni Eunice na nakasandal sa pader nang makaliko ako sa pasilyo.






“Ano'ng pinagsasasabi mo?” kunot-noo kong tanong.





“Wala lang. Just a random question.”



“Math question na lang sana ang itinanong mo. Baka nasagot ko pa.” Nilagpasan ko na siya.




Lumapad ang ngiti niya. “Then, how about a few equations?” Sinabayan niya na 'ko sa paghakbang.




Kung ano ba talaga ang ipinunta niya ron, ay wala na 'kong ideya.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon