XLIV: Sweet Hany

85.8K 3.2K 969
                                    


Chapter XLIV
Sweet Hany



Auriel



Ano'ng ginagawa niya d'yan?”




“Bakit may benda siya sa hita?”




Rinig na rinig ko man ang bulungan ng mga ka-faction kong nakasilip sa bintana ay hindi ako natinag. Nanatili akong nakatayo sa labas ng dorm.




“Inaabangan niya yata si Eunice.”




“Inaabangan mo nga ba ako, Au?”




Agad napalingon ang lahat sa katatapos lang magsalita saktong humakbang 'to palabas sa pintuan ng dorm.





Buhat ang ilang bagahe, nagpatuloy si Eunice sa paglalakad. Sinadya kong harangan ang daraanan niya na nakapagpatigil sa kanya.




“Oh feisty!” Nakangiti siya gaya ng kadalasan niyang ekspresyon.





“Wala kang konsensiya!” Hindi ko napigil ang galit, hindi lang dahil sa panggagamit niya sa 'kin kundi dahil sa pagpapa-ikot niya sa napakaraming iba pa.





Lumapad ang ngiti niya. “Sino ba 'ng nagsabi na meron?“ Nilagpasan niya na 'ko't nagpatuloy sa paglakad.





Ilang segundo kong tinitigan ang likod niya bago siya hinabol at marahas na hinablot sa braso. “Kakarmahin ka rin, Eunice!”





Panandalian siyang natulala bago pasimpleng inagaw ang sariling braso mula sa mahigpit kong pagkakakapit. “Then, are you going to be my karma, Auriel?”




Hindi ako nagpadala sa titig niya. Ginantihan ko 'yon ng matalim ding titig.





“Mas bagay sa 'yo na walang salamin. Lalo na kapag ganyang matalas ang titig mo.” Tumawa siya. “Anyway, kapag hand ka nang maging karma ko, alam mo naman kung sa'n ako hahanapin.“ Kumindat pa 'to bago ako tinalikuran.





Madiin kong nakagat ang labi habang pinagmamasdan ang paglayo ni Eunice na siya nang bagong captain ng Bloodlust.





“You're really a two-faced bitch, bitch!” sigaw ni Canary nang halos magkasalubong sila sa daan.




Tinawanan lang siya nito.





Canary



Kulang ang isinigaw ko pero alam kong kahit mapaos ako, wala ni isa sa mga sasabihin ko ang makakaapekto kay Eunice. Masyadong matigas ang mukha niya para makaramdam.





Diretso na 'kong naglakad papunta kay Auriel. “Pwede ka bang ma—?” Natigilan ako nang mapansin kung ga'no katalas ang titig ng kausap.





Kailan pa naging ganito katalim ang mga mata ni Auriel?




“Pagkatapos ni Eunice ang territory manager naman.”





“Ano kayang meron sa kanila?”





Mabilis na nilingon ni Auriel ang madadaldal naming mga ka-faction sa bintana. Para silang nabugaw na mga ipis nang tapunan ng matalas niyang tingin. Kurtina na lang ang naiwan sa bintanang kanina lang ay puno ng nakasilip na mga usisero't usisera.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon