XLI: Hide And Die

86.2K 2.9K 307
                                    


Chapter XLI
Hide and Die

Auriel





Taka akong napasunod sa mga estudyanteng nagmamadaling pumunta sa corridor. Ang mga mukha nila ay mababakasan nang pagkasabik na para bang may kakaibang mangyayari.




Para akong namalik-mata nang matanaw ang hindi mabilang na dami ng mga taong bigla na lang nagsipaglitawan galing sa gubat papalapit sa school grounds. Naka itim ang mga 'to at may dalang matataas na kalibre ng baril.





Special Event Announcement: Uninvited guests are approaching the school premises. Killing Spree is now in session!





“Ang tagal na rin nang huling may nagtangkang pasukin ang K-High.”




Napatitig na lang ako sa babaeng bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Bukod kasi sa ngayon ko na lang uli siya nakita, nakapagtatakang kinakausap niya 'ko pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin kamakailan.




“A-ano'ng nangyayari, Canary?” tanong ko na umaasang sasagutin niya.




“Kilalang eskuwelahan ng mga pamilyang kasapi ng Underground Government ang K-High kaya maraming kalabang organisasyon ang madalas na nagkakainteres na pumasok dito.”




Hindi ko na kailangang hingan pa siya nang dagdag na paliwanag. Napaka-obvious na ng mga rason kung bakit.




“Normal na siguro ang ganito,” dagdag ko matapos igala ang paningin sa mga estudyanteng hindi ko man lang nakitaan ng takot. Pabor sa mga gaya nila na hirap mag-ipon ng puntos ang nangyayari.





“Sa sobrang normal nga, automatic nang nagiging special event ang ganitong mga pag-atake.”





Pareho kaming natigilan nang biglang tumalon mula sa balkonahe ng third floor corridor na siya ring kinalalagyan namin ang student council president. Bumagsak 'to sa baba ng parang walang nangyari.




“It's about time something like this happened.” Gano'n din ang ginawa ni Stephan. “Xan, gusto mong makipagpustahan?” tanong nito sa kasunod na tumalon din gaya niya.




Sa ginawa nilang 'yon, lalo nilang napatunayan na hindi sila basta mga estudyante lang ng K-High.





Ang tatlo ay nakaabang na sa ibaba habang nasa likuran nila ang ilang kabilang sa kill ranking. Isa na ro'n si Kiel na kumaway sa 'kin. Kinawayan ko rin siya pabalik na sa tingin ko'y ipinagtaka ni Canary pero hindi na lang masyadong pinansin.




Sa kabilang dulo ng kumpulan, namataan ko si Unnie na inaasahan ko nang imposibleng mawala sa ganitong kaganapan. Sa tabi niya, nakahilera at naghihintay na rin ang iba pang estudyanteng gustong makaipon ng maraming puntos.




Aktong tatalon na rin pababa si Canary nang saglit na huminto. “May nakapagsabi sa 'kin na ligtas daw magtago sa Forest park,” pasimple niyang sabi bago tuluyang tumalon.




“Salamat,” pahabol kong sigaw na sana ay narinig niya.




Hindi ko na inalis ang mga mata sa mga paparating hanggang sa mag pang abot na sila ng mga nakahilera sa ibaba. Iglap lang, nag-umpisa ang bakbakan.





Pinangunahan 'yon ng student council president na walang hesitasyong sumugod habang parang wala lang na iniilagan ang mga balang ipinauulan sa kanya. Sinundan lang din siya ni Stephan at Xander na kapwa hindi nagpapahuli pagdating sa bilis ng kilos.




Kung titingnan, dapat mas lamang ang mga kalaban pero kabaliktaran ang nangyayari. Mas nagiging delikado ang patalim na hawak ng mga demonyo ng K-High.





Huling sulyap ang ibinigay ko sa presidente na pinaliliguan ng sarili nilang dugo ang lahat ng makalaban bago ako nagpasyang tunguin na ang Forest Park.




Wala akong maitutulong.




Nilagpasan ko na parang walang nakikita ang mga nadaanang nagpapambuno sa pasilyo.





Pati pala ang kanan at kaliwang bakod ay inakyat ng mga trespasser kaya may ilang nakatuntong na sa loob ng school buildings. At dahil nahaharangan ng mataas na bundok na nagsisilbing proteksyon, ang Forest Park nga siguro ang pinakaligtas pagtaguan.





Kampante akong pumasok sa loob ng tahimik na Forest Park. Balak ko sanang sa greenhouse na lang magtago pero napaatras ako nang makita kung sino ang humarang sa nilalakaran ko.




“Found you my little sheep!”




It was the student council secretary!



Akmang tatakbo na 'ko pabalik nang mapigil ni Yasmin. Marahas niyang hinablot ang buhok ko at isinubsob ako sa lupa. Damang-dama ko ang masakit na pag gasgas ng mukha ko sa magaspang na batuhan.



P-Pa'no niya nalaman na nandito ako?




Hinatak niya 'ko paupo gamit ang buhok ko. “Hindi mo 'ko matatakasan!”




Hindi ko inintindi ang sakit na halos makapagpasigaw na sa 'kin. Mas inuna kong pukpukin siya sa ulo ng batong nahawakan. Napabitiw siya n'yon sa pagkakakapit sa buhok ko.




“You bitch!” gigil na gigil niyang sigaw sapo ang nagdurugong ulo.




Walang direksyong kusang napatakbo ang mga paa ko. Pero hindi pa man ako nakakalayo, napatigil na 'ko at napatago sa likod ng isang puno nang marinig siya sa malapit. Masyado siyang mabilis, hindi ko siya kayang takbuhan.




“Where are you, you wench?!”




Halos isiksik ko ang sarili sa ugat ng punong kinauupuan. Dinig ko ang yapak ng mga paa ni Yasmin dahil sa ingay na ginagawa ng mga sangang nasa lupa kapag natatapakan at nababali.




“I'm gonna slit your throat!”




Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumabas mula sa likod ng punong pinagtataguan ko. “There you are!”





Tatakbo na sana uli ako nang makaramdam ng kirot sa isa sa mga hita ko. Napatingin ako ro'n at napaupo na lang nang mapansing may malalim nang hiwa ng patalim do'n.




“Tatakbo ka pa ha!”




Walang tigil man ang pag-agos ng dugo galing sa hita ko, pinilit kong makagapang palayo kay Yasmin.





“I'll count till twenty.” Halatang natutuwa 'to. “You'll hide, and when I seek you, you'll die!”




Idadaan niya sa laro ang buhay ko!



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon