XXXVIII: Bloody Red

84.5K 3.4K 823
                                    

Chapter XXXVIII
Bloody Red




Auriel





Isa sa mga magkaparehang sumasayaw sa gitna ay sina Stephan at Yasmin na halos magkayakap na. Nakakakilig kung pa'no nila tingnan ang isa't isa. Their expressions were tender as they gaze deep at each others eyes.





Sa tabi ng dalawa ay si Unnie na kasayaw naman ang vice president na naka puting lab coat tulad ng isang siyentipiko. Nakakatuwang isipin na ang isa sa mga seryosong miyembro ng student council ay kayang makipagsayaw ng ganito.




Ako na lang talaga ang naiwang nakaupo.



It's obvious you're meant for me.
Every piece of you, it just fits perfectly. Every second, every thought, I'm in so deep. But I'll never show it on my face. But we know this. We got a love that is homeless.




“May I?”



Napatingin ako sa palad na nakalahad bago sa mukha ng lalaking nag-abot ng kamay sa 'kin. Natulala na lang tuloy ako at hindi makapaniwala sa nangyayari.


.

“Here.” Mula sa likuran niya, inilabas niya ang isang puting rosas. “I saw you with the roses before.”




Ito ba ang dahilan kaya siya nawala kanina?




Itinaas niya ang kamay na may hawak sa rosas at isinukbit ang bulaklak sa buhok ko. “You look good whether in black or white.”





Walang salita ang pwedeng maglarawan sa nararamdaman ko ngayon. Ni hindi na nga ako literal na makapagsalita.




Pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala, nagawa kong abutin ang kamay niyang naghihintay.





Marahan akong inakay ng student council president sa gitna. Sa paglalapit ng mga katawan namin, kusang pumuwesto ang mga palad ko sa dibdib niya. Naramdaman ko na lang din ang kamay niya sa 'king bewang habang sumasabay kami sa mabagal na tugtog.




Why can't you hold me in the street? Why can't I kiss you on the dance floor? I wish that it could be like that. Why can't we be like that?'Cause I'm yours.




Tahimik lang siya na nakatitig sa 'kin. Ako naman ay hindi na alam ang gagawin dahil sa sobrang kaba. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya para makaligtas sa titig na pakiramdam ko ay tumutunaw sa 'kin na parang yelo. Hindi ko nga lang masabi kung tama ang ginawa dahil parang mas lalo akong kinabahan nang marinig ang tibok ng puso niya.




“Can you hear it?”




“O-oo.”




“It only goes like that when I'm with you.” Nadama ko ang paghigpit ng yakap niya sa 'kin. “Baka nga diabetic na rin ako.”




Napaisip ako sa sinabi niya. “Diabetic?”




“Didn't you know?” Inilapit niya ang labi sa tenga ko saka bumulong. “You're my daily dose of sugar. You're my hany.”





Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Nakakagulat na ang matatamis na mga salitang 'yon ay galing mismo sa kinatatakutang student council president.





Marahan niya 'kong inilayo. “Kung hindi lang sana nila sisirain ang sandaling 'to baka buhayin ko pa sila.”





Napatitig ako sa kanya na puno ng pagtataka bago bigla na lang namatay ang ilaw sa buong campus. Muntik na 'kong mag-panic dahil sa marahas na paghatak sa 'kin ng isang kamay. Bukod pa 'yon sa mga bisig ng presidente na nakayakap at ayaw akong bitiwan.





“'Wag kang matakot.” Napakalma ako ng boses niyang kayang iparamdam sa 'kin na walang mangyayaring masama.




Ilang segundo lang, nagbalik na ang liwanag pero wala na kami sa gym. Dinig ko lang ang pagtutuloy ng banda sa pagtugtog para matapos ang huling kanta.





Isang lalaki ang malakas na nagtulak sa presidente pasandal sa pader. Dalawa naman ang may hawak sa magkabila kong braso na hindi ko mapiglasan. Lima sila na kasulukuyan naming kasama ngayon. Tatlo sa kanila, sa presidente nakatuon ang atensyon.




“Unahin nyo 'yan, tapos isunod natin 'tong babae,” suhestiyon ng isa sa may hawak sa 'kin.





“Patingin nga ng tapang mo,” galit na sabi ng lalaking de hikaw bago sinuntok ang presidente. Ito ang parehong estudyanteng nabangga ko kanina sa east wing.





Tatlo ang nagtulong na bugbugin ang presidente na hindi man lang lumaban. Sinalo lang ng kilalang rank 1 ng buong K-High ang lahat ng suntok at sipa.




Naiiyak ko siyang pinagmasdan na nakaupo at nakasadsad sa tabi ng pader. Nakayuko at hindi gumagalaw. “Pres—” Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sa biglang pagtingala niya. Tumitig siya sa 'kin na para bang sinasabi niyang 'wag ko siyang tawagin.




“Gising ka pa pala.” Tinadyakan siya ng kaharap. At gaya kanina, hindi niya dinepensahan ang sarili.




Tuluyan nang umagos ang mga luha ko nang malaglalag galing sa buhok ko papunta sa lupa ang puting rosas na ibinigay niya sa 'kin.




Bakit hindi siya lumaban? Bakit hindi niya ipagtanggol ang sarili?




“Just seconds left.” Bulong lang 'yon pero malinaw kong narinig ang boses ng presidente.




Bumasag sa katahimikan ng paligid ang tunog ng bell. “Kill break is officially over.”




Alas dose na.





Matapos nang narinig galing sa speaker, tumayo ang presidente at pinahid ang dugo sa kanyang labi. Masamang tingin ang ibinigay niya sa lahat bago ginulo ang buhok niya at inalis ang suot na salamin. “Time's up.”




“A-ang president,” nahihintakutang wika ng isa sa tatlong nambugbog. Kahit ang mga nagbabantay sa 'kin, nakaramdam ng takot. Nanginginig ang kamay ng mga 'to.



“Welcome back to hell.” Kamao sa panga ang ipinambati ng presidente sa isa sa dalawang may kapit sa 'kin.





Naglabas ng patalim ang nasa kaliwa ko na agad naman niyang isinunod at sinikmuraan. Walang hirap niyang naagaw ang hawak nito at 'yon mismo ang isinaksak niya sa batok n'yon. At sa lalamunan ng nasa kanan ko.




Akmang tatakbo na ang tatlong natitirang pangahas na sumaling sa student council president pero agad silang naharang ng taong tatakbuhan sana nila. Parang hanging dumaan sa harap nila ang presidente at mabilis na binalian ng braso ang unang nahawakan sa kanila bago sinaksak sa dibdib. Tapos ay walang anuman niyang binunot ang patalim at ibinaon naman sa ulo ng kasunod. Saglit niyang tinitigan ang huli bago itinarak ang hawak sa tagiliran nito. Wala pa yatang isang minuto pero ang lima ay bagsak na at naliligo sa sarili nilang dugo.





Sinundan ko siya ng tingin nang may damputin sa lupang inaagusan na ng dugo. “Too bad the pure white rose became bloody red.”





Pulang-pula na nga 'yon.





Assassination Report: Penta kill, Points to Hell's Scythe.”




Lumapit siya sa 'kin at marahang hinawakan ang braso ko. “Nasaktan ka ba?”






“H-hindi, ikaw ang nasaktan.” Nanginginig ang kamay kong pinagpagan ang polo niyang nadumihan dahil sa pagsipa sa kanya kanina. Iyon lang ang kaya kong linisin, hindi ang mga tilamsik at patak ng dugo sa suot niya.





“Don't cry.” Iniangat niya ang mukha ko at pinahid ng daliri ang luhang tumutulo pa rin mula sa mga mata ko. “I don't want my hany to taste salty.”






Kung titingnan siya ngayon parang wala ngang nangyari sa kanya. Wala lang para sa kanya ang mga tinamo samantalang ang puso ko kulang na lang ay madurog kanina. Hindi ko kayang makitang nasasaktan siya.



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon