LIX: MIA

74.2K 2.6K 297
                                    



Auriel



WALANG kahit anong ingay ang maririnig sa gym. Kahit nga yata tunog ng paghinga wala. Hanggang sa umalingawngaw ang hakbang ng mga paa ni Canary palapit sa 'min ni Luciel. Inihanda ko ang sarili. Alam ko kung ga'no 'to kahigpit pagdating sa batas.



Tumigil siya malapit sa 'min. “Inaasahan ko na 'to.” Saka kami tinalikuran at humarap sa direksyon ni Stephan na ikinagulat ko.



Tumayo na rin si Xander na kanina pa walang imik at tumabi sa 'kin. “Let's all be idiots.”



“Damn it!” He gritted his teeth. “Akala ko ako lang ang mahirap intindihin!” Sumugod si Stephan na nasalag naman ni Canary.


Nagsimulang magpalitan ng atake ang dalawa. Oo nga't pareho silang magaling, lamang naman sa bilis si Stephan. Ilang beses niyang muntik mahagip ang leeg ni Canary na walang nagawa kundi ang umilag. Dahil na rin sa walang hintong pag-iwas ng huli, nawalan 'to ng balanse at napaupo sa sahig.


Bago pa maitarak ni Stephan sa ulo ni Canary ang hawak, maagap kaming kumilos ni Luciel para harangin 'yon. Siya ang nasa kaliwa habang ako ang nasa kanan. Ang magkaagapay naming patalim ang pumigil sa puwersa ni Stephan hanggang sa mapatalsik namin ang kamay nito na nakapagpaatras din sa kanya.


“Stop acting like a child, Mr. Sebastian,” ani Luciel.


Hindi nagpapigil si Stephan na agad bumawi at sinugod si Luciel habang tinutulungan kong makatayo si Canary.


“Don't blame anyone for, Ms. Balmaceda's death.”



Walang hirap na sinangga ni Luciel ang bawat atake ni Stephan na lalong nakitaan ng pagkairita dahil sa naririnig.



“Hindi mo maiintindihan dahil hindi ka pa nawalan!”



“Hindi ko talaga maiintindihan dahil hindi ako papayag na mawala siya sa kahit anong dahilan.” Nasugatan ni Luciel si Stephan sa balikat kaya napaatras 'to. “There's no such thing as an absolute rule. Every rule is breakable,” giit niya na hindi lang para sa kaharap. Gusto niyang marinig 'yon ng lahat. “I'm breaking the rules because I'm ready to fight and die for my reason. I'm ready to sacrifice for Auriel which you failed to do for Ms. Balmaceda.”



Nabakas ang pagkalito sa mukha ni Stephan. Alam niya sa sarili na tama ang mga sinabi ni Luciel sa kanya. Gulong-gulo man ang isip, itinuloy niya ang pag-atake.



Pumagitna ako sa dalawa. Ako ang sumalag sa pagsugod niya na nagpatilapon sa hawak niyang patalim. “Sana ipinaglaban mo ang nararamdaman n'yo sa isa't isa, Stephan,” malungkot kong saad. Saksi ako sa kung gaano katotoo ang namagitan sa kanila ng dating captain ng Bloodlust. Masyado lang talaga silang nagpasailalim sa takot. “Siguradong gano'n din ang gagawin ni Yasmin kung sinabi mong handa kang ipaglaban siya.”



Ang galit na nakarehistro sa mukha ni Stephan ay napalitan ng sakit at pangungulila. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng awa para sa kanya at para kay Yasmin.



Iginala ko ang paningin sa lahat ng nasa gym. Kahit sila, kakaibang reaksyon ang ipinapakita. Ngayon lang yata nila naisip na pwedeng labagin ang batas ng K-High kung kaya nilang ipaglaban ang mga paniniwala nila.



“Good evening, K-High.” Isang 'di pamilyar na boses galing sa speaker ang gumulantang sa lahat. “Siguradong interesado kayong malaman kung sino ang may kagagawan ng mga insidente ng paglabag sa batas n'yo.” Sukat sa sinabing 'yon ng tinig na halatang ginagamitan ng voice changer application, bahagyang sumilip mula sa dilim ang ilang mga pigura. Naka-hood ang mga 'to at puting maskara na tanging mga mata lang ang may butas. “Allow me to introduce your soon to be greatest fears: The Addison Mercenaries.”



Mali ang pag-aakalang iisang tao lang ang gumawa ng mga paglabag. Marami sila!



Dahil sa alam na ng lahat kung aling mga letra ang nasa pulang simbolong natagpuan sa tabi ng mga nabiktima, pati na ang kahulugan nito, nagsimula silang magpanic. Tila pamilyar sa karamihan ang pangalang Addison. Nakitaan ko sila ng pagkagulat ng marinig 'yon.



“Magiging amin ang buong K-High! Babawiin namin kung ano ang dapat naman talagang sa amin!”



Nabalot ng takot ang mga estudyante sa gym dala ng mga kalabang hindi namin kilala. Ang mga miyembro naman ng student council ay walang ipinakitang kahit anong bakas ng  pagkasindak.



“Bilang panimula, inuna na naming tapusin ang Principal ng K-High. We'll soon strike again. Prepare to bow down to your new government!”



Naglaho nga ang boses at nilamon ng dilim ang mga pigurang naka maskara, nag-iwan naman sila ng pagkabagabag sa ngayon ay mas tulirong mga estudyante ng K-High. May mga hindi mapakali sa kinatatayuan. Ang iba sa kanila, parang gusto na ngang tumakbo na lang. May sumisigaw rin at nanghihingi ng kasagutan.



“Shut the hell up!” biglang sigaw ni Luciel sa mikropono na nakapagpatigil ng lahat sa kani-kanilang puwesto.



Nilingon niya lang si Xander ay agad na 'tong lumapit sa kanya at pinalitan siya sa gitna. “No one will leave the gymnasium. That is an order from the student council president! Disobey, and you will be punished!” Rinig kong babala ng bisi presidente habang hatak ako ni Luciel pababa ng entablado at papunta sa main school building.



Hindi ko magawang ibuka ang bibig kaya tahimik na lang akong nagpahila. Tumigil lang kami sa paglalakad nang marating namin ang tapat ng isang kuwartong selyado ng security system. Ang parehong security system na nasa fourth floor ng dormitoryo ng Hell's Scythe.



Sinuri ni Luciel ang lock na para bang may sinisigurado.



“May nagpilit bang buksan?” usisa ko. Ang silid kasi ang Principal's office, may plakeng nakasabit sa pinto.



“Seems like it,” matipid niyang sagot bago walang hesitasyong inilagay ang passcode na nagbukas sa pinto.



Bumungad sa 'min ang magarang kuwarto. May telepeno sa ibabaw ng mesang nasa gitna at mga drawer na siguradong naglalaman ng mahahalagang files ng eskuwelahan. May isa pang pintuan. Dumiretso ako ro'n at pinihit ang seradura.



“Pinatay na nga nila ang principal,” nasabi ko nang walang makitang kahit sino sa binuksang silid.


“No, they didn't.”



Nagtataka ko siyang pinagmasdan. “Kung hindi nila siya pinatay, bakit wala ang principal dito?”



“She was never in K-High to begin with,” sagot ni Luciel na naging palaisipan para sa 'kin.


Muntik pa 'kong magulantang nany bigla na lang nag-ring ang teleponong nasa mesa. Paglapit ko, awditibo lang ang meron do'n. Walang dial pad na pwedeng pindutin para makatawag.




Nilingon ni Luciel ang camera na nasa loob ng opisina na saka ko lang din napansin bago sinagot ang tawag. Nagsimula silang mag-usap ng nasa kabilang linya na wala akong ideya kung sino.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon