LXXII: Emilio Aguinaldo

67K 2.4K 203
                                    


Stephan




THE blood on my hand and the president's body on the floor tells me that I was able to do my task.


"The knight has fallen! Soon victory will be ours," kumpyansang deklarasyon ng tumatayong pinuno ng Mercenaries.



And upon hearing the approaching footsteps from downstairs, he decided to retreat. Nagawa na rin naman namin ang inisyal na plano.



Huling tingin ang ibinigay ko kay Auriel na halatang nagtatanong ang ekspresyon sa mukha bago ko siya tinalikuran at naglakad paalis.



After a few seconds of walking in the dark corridor, I finally heard Auriel's cry. A cry that could break anyone's heart upon hearing it. Nakalabas na kami sa main building ay rinig ko pa rin ang boses niyang puno ng pagdadalamhati.



"Isa na lang ang natitirang paghihigantihan mo," sabi ng garalgal na boses galing sa 'king likuran.



"Not one, but two," pagtatama ko ng hindi 'to nililingon dahil mas gusto kong pagmasdan ang madilim na langit habang naririnig ang pag-iyak ng isa sa mga taong pinahahalagahan ko.



Natawa ako sa naisip. She's important and yet, I made her feel pain. Aren't I a psycho?



Nagsimula man silang humakbang papasok sa kadiliman ng east wing ay hindi ako natinag sa pagkakatayo.



"You should come. Mag pa-plano na tayo para sa nalalapit nating pagkapanalo."



"I'll be there," matipid kong tugon.



"Don't tell me your conscience is kicking in?"



Hindi ko napigil ang matawa sa narinig. "Kung may konsensiya talaga ako hindi ko na sana itinuloy una pa lang."


Conscience is like a myth to me.



"Then, we'll be expecting you." Iyon lang at umalis na ang pinuno ng Mercenaries kasama ang mga miyembro niya.



Nang hindi ko na narinig ang iyak ni Auriel saka lang ako tumuloy papasok sa east wing.


Nasa hardin na ko 'ng teritoryo ng Death Gods nang magising mula sa malalim na pag-iisip. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa damuhan bago tiningala ang langit na walang bituin dahil sa makakapal na ulap. Lumipas ang oras nang nakapikit lang ako hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto ng dorm.



"You shouldn't let your captain wait, you know," salubong ko sa taong nakasuot ng itim na hood at maskara na ngayon ay nasa harapan ko na.



Hindi 'to sumagot kaya tumayo na lang ako at naglakad papunta sa Forest Park.



"Ano'ng pakiramdam na makakita ng tumatangis dahil sa pinatay mo ang itinuturing niyang pinakaimportanteng tao, Captain?" anas ng kasama ko habang nasa gitna kami ng paglalakad.




Hindi ko inaasahan ang tanong niyang 'yon.




"I felt human for the first time. I felt disgusted with myself for the first time," natatawa kong sagot na dinugtungan ko rin agad. "Do you know what real hell feels like?" tanong na para sa sarili ko mismo. "Losing someone who has the same importance as your life, that's how real hell feels like."



I just made Auriel experience real hell.



Pagkatapos ng maikling usapang 'yon, wala nang nagsalita sa 'min. Kahit nga narating na namin ang pintuan ng purgatoryo ay hindi na umimik ang kasama ko.



"Well, be a gentleman and open the door for your commanding officer," utos ko na sinunod naman nito.



Pinihit niya ang malaking hawakan ng bakal na pinto at hinila 'yon ng buong puwersa. Umalingasaw agad ang amoy galing sa loob. I did clean it, but I'm no expert. I can't erase every dirt, blood, or feelings that are stuck inside. It'll stay there for eternity.



"Nagsimula na ba ang pulong ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan?" Sukat sa sinabi ko ay nakuha ko ang atensyon ng lahat ng nasa loob. "Narito na ang inyong lingkod Emilio Aguinaldo, Supremo Andres Bonifacio."



Naramdaman ko ang bahagyang tensyon na malamang ay dahil sa huli kong sinabi.




"What? It's not like I'm gonna betray you guys like what the real Emilio Aguinaldo did," I laughed. "I already killed the president."


Imbes na ako ang pagtuunan ng pansin, mas napapatutok ang mga mata ng nag-iisang pigurang nakasuot ng puting hood sa kasama ko.


"Sino 'yan?"



"Wala ba kayong mga sense of humor? Hindi man lang kayo natawa sa biro ko?"



Iginala ko ang paningin sa mga naro'n na puro nakahood at maskara. Sa tindig at bihis nila, mahihirapan ang kahit sino na alamin kung sino ang mga babae at lalaki. Masyado silang ingat na ingat sa pagtatago ng mga katauhan nila.



Ibinalik ko ang mga mata sa pinunong nasisigurado kong lalaki. "Don't you feel suffocated inside this big metal box where many have died? Are we in some sort of horror movie?"



Ang lugar kasi ang ginawa nilang headquarters mula pa noong una.



"Ikaw," tukoy nito sa kasama ko. "Hubarin mo ang maskara mo."



Akma namang tatalima ang nasa likuran pero pinigil ko 'to. "Ignored for the nth time," komento ko na ang pinuno ang kinakausap bago ko nilingon ang kasama ko. "You are a Death God, therefore you will follow only my orders." Pagkatapos ng sinabi kong 'yon, pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng naro'n. "Don't you think it's unfair? I don't know any of you because of those silly masks hiding your faces while here I am, so damn vulnerable. Imposibleng may hindi nakakakilala sa 'kin dito. Wala akong suot na maskara. I feel out of place." Napawi rin agad ang ngiti ko dahil sa kaseryosohan ng mga kasama. "My point here is, my right hand man will take off his mask as long as you guys do the same."



"This is not worth the argument," putol ng pinuno. "Let's continue planning for tomorrow's attack. Mas mahalaga ang makuha natin ang K-High bukas mismo. Samantalahin natin ang panghihina ng mga loob nila dahil wala na ang pinakamatibay nilang kinakapitan." Ipinagpatuloy nga nito ang diskusyon para sa tinutukoy na plano.




There are a total of forty Mercenary members in front of me, but I can tell that this is not all of them yet. Pwedeng may mga Mercenary na nasa labas pa at nagmamanman sa K-High. Pwedeng hindi lang din ang lalaking nasa harap ang nag-iisang pinuno.






K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon