LI: Bloodlust Baby

74.4K 2.6K 174
                                    

Chapter LI
Bloodlust Baby



Janina




Napahinto ako sa paghakbang nang mapansin kung sino ang makakasalubong sa hallway. Mabilis kong iginala ang mga mata para humanap sana ng ibang daraanan pero hindi ko na rin itinuloy ang balak dahil huli na. Nagtama na ang mga mata namin ni Eunice.




I never called her captain even once. I can't bring myself to address her that way.




Patay malisya kong itinuloy ang paglalakad. Lalagpasan ko na sana siya nang bigla na lang niya 'kong hatakin sa braso papunta sa Forest Park.




“T-teka Eunice.” Nahihintakutan kong pigil sa kanya pero hindi ko magawang alisin ang kamay niya.  There might be consequences even for trying.





Hindi niya 'ko pinakinggan at nagpatuloy lang sa paghila sa'kin. Huminto lang siya dahil sa di inaasahang pagsulpot sa harapan namin ng captain ng Death Gods.





“May lahi ka bang buwaya?!” singhal ni Stephan na sigurado akong ang katabi ko ang tinutukoy.





Pawisan siya at hinihingal. Parang sinuyod niya ang buong campus makita lang si Eunice. What could be the reason?




“You really say the funniest things, Mr. Sergeant at arms,” natatawang nang-iinis na sagot ni Eunice.






Eunice being called a crocodile is a perfect comparison. She always waits in silence till an unsuspecting prey comes and that's when she attacks without hesitation. Lagi siyang nakaabang na parang buwaya sa tubig.





Ibinalik ko ang mga mata kay Stephan na ngayon ko lang nakitang galit na galit. Madalas kasi siyang nakangiti at parang hindi seneseryoso ang mga nasa paligid niya.





“Don't interfere with me, kung ayaw mong ikaw ang unahin ko,” babala nito bago kami tinalikuran.





“I didn't interfere,” pahabol ni Eunice na parang hindi natinag sa ipinakitang galit ng kausap. “Nagkataon lang na napadaan ako ro'n tapos nakita kong mag-isa si Kiel.”





“Yeah right! Don't fuck with me,” kontra ni Stephan bago naglaho sa paningin namin.






I'm aware about Kiel being killed by Eunice, it was announced, but what did that have to do with the student council's sergeant at arms?




“Isn't he just sweet? Ang sarap niyang manakot,” nakangiting pahayag ni Eunice bago ako hatakin uli. “Come Janina, your fate awaits you.”





Gumapang na naman ang kilabot sa katawan ko. Walang kahirap-hirap niya 'kong nadala sa pinakamasukal na parte ng Forest Park.




“A-ano'ng gagawin mo sa 'kin?”




“Mali. Ano ang gagawin mo?”





Her puzzling question made me frown.




Ilang minuto rin kaming nakatayo lang at nagtitigan bago biglang dumating ang dalawa sa mga ka-faction ko bitbit ang isang babaeng estudyanteng nakagapos at nababalutan ng maliit na supot ang ulo.




“Good job, babies,” puri ni Eunice sa dalawa. She even gave them flying kisses before they left without saying anything.



Napatda ako nang alisin ni Eunice ang plastic na nakabalot sa ulo ng babae. My teeth gritted just at the sight of the girl.




K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon