LXXIII: Black And White

70.9K 2.5K 176
                                    


Auriel




NARIRINIG ko ang mga bulungan, pati ang mga yabag sa pasilyo pero hindi masyadong mai-proseso ng utak ko ang mga 'yon. Wala na rin naman akong balak intindihin kung ano o sino ang mga nasa paligid habang hatak ako ng babaeng mahigpit ang kapit sa kamay ko.




Bumukas ang isang pinto at nakita ko agad ang pamilyar na mesa. Ang mesa ni Luciel sa loob ng opisina ng student council. Nabasa na naman ang mga pisngi ko ng luha habang lumalapit sa lugar na madalas niyang pinamamalagian. Matapos kong umupo sa puwesto ni Luciel, isinubsob ko ang sarili sa mesa. His scent is all over the chair and table.




“Mas makakabuti yata kay Auriel ang manatili na lang sa dorm?” boses ni Canary na hindi ko na pinag-abalahang lingunin. “Wala pa siyang tulog.”




“Pareho lang kayong walang tulog.” Tinig naman 'yon ni Xander lalaki na siyang kumumbinsi sa 'kin kanina para lumabas. “The electronic lock can't really keep her safe. Lalo na ngayon. I promised the president I will protect her. I don't have the slightest intention of letting him down.”



Ang mga eksaktong salitang 'yon ang nagpapapayag sa 'kin na sumama sa opisina. I don't want to let Luciel down either.




Pagkatapos ng buntong-hininga na sa tingin ko'y si Canary ang nagpakawala, wala nang nagsalita sa kanila. Puro tunog ng papel, binubuklat na libro at ang pagkiskis ng ballpen na lang ang narinig ko. Dumaan ang napakabagal na oras nang hindi ako nag-aangat ng tingin. Kung pwede lang na manatili sa ganitong posisyon habang buhay. Kung pwede lang na dito na lang ako sa mesa niya. Kung pwede lang na ibalik ang lumipas na, pipigilin ko ang mga nangyari. Pipigilin ko.




“Ano'ng plano mo, Vice President?” saad ni Canary na mukhang kababalik lang dahil sa narinig kong pagsara ng pinto. “Apektado ang halos lahat ng estudyante dahil sa nangyari sa—presidente. Bumababa na ang moral nila. Nawawalan na sila ng pag-asa na matatalo natin ang mga kalaban.”



“That can't be helped, but I will try my best to give them hope again. Hindi tayo pwedeng magpakita ng kahinaan. Let's not fall into the enemy's trap.”




“Xander, papalitan mo na ba ang presidente?”




“No one, but Luciel Villaseran is perfect for that position. I can never take his place.” Huli kong narinig galing kay Xander bago ako nilamon ng antok na nagawa na 'kong talunin.




Hindi ko masabi kung imahinasyon o panaginip lang ang naramdaman kong masuyong haplos sa buhok ko na naging dahilan para mapabangon ako mula sa pagkakasubsob sa mesa. Nang i-ikot ko ang paningin, si Xander ang una kong nakita na abala sa isinusulat. Habang si Canary naman ay nakasubsob at mukhang natutulog na sa sariling mesa. Napasandal ako sa swivel chair at napapikit.




“Do you believe in ghosts, Auriel?,” tanong na nakapagpamulat sa mga mata ko uli.



Naibalik ko ang paningin sa bisi presidente na nagsasalita pero hindi naman nakalingon sa 'kin.


“They say spirits of the dead linger. Especially, when they have an unfinished business.”



Hindi na 'ko sumagot at isinubsob na lang uli ang mukha ko sa mesa. Kahit ano papaniwalaan ko ngayon. Kahit ano—makita ko lang uli siya.




Hinayaan kong muling lamunin na lang ng pagod at antok ang isip. Umaasang kahit sa panaginip ay makita at makausap ko uli ang lalaking kinasasabikan.


Kahit sa panaginip na lang, Luciel.



“Gising ka na pala,” nakangiting salubong sa 'kin ni Canary nang imulat ko ang mga mata habang nagsasalansan siya ng mga papel.


Nasapo ko ang sumasakit na ulo pagkatapos kong umayos ng upo.


“Hindi ka naman nag-iisip na gumanti Auriel, 'di ba?” tanong niya pa na tuluyan nang gumising sa 'kin. Nabakasan ko ng pangamba at pag-aalala ang mukha niya.



Mapait akong napangiti. “Hindi. Kahit ga'no pa kasakit ang nangyari, ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang gumanti.”



Hindi man kapani-paniwala pero totoong wala akong planong gumanti. Hindi ako sasalungat sa sarili kong paniniwala.



“Ayokong sayangin ang sakripisyo ni Luciel. Siguradong hindi niya gugustuhing mapasama ako,” dagdag ko.



Ilalabas ko na lang sa ibang paraan ang kalungkutan at pangungulila na magmula ngayon ay araw-araw ko nang mararanasan.




Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Canary sa balikat ko. “Nandito lang kami, Auriel.”




Hinawakan ko ang kamay niya bilang pasasalamat. Alam kong masakit din kay Canary ang nangyari, mas matagal niyang nakasama si Luciel kaysa sa 'kin. Pero alam kong wala rin sa isip niya ang maghiganti. Iisa lang siguro ang gusto naming mangyari, ang mahuli na ang mga Mercenary.




“It's time,” bungad ni Xander mula sa pinto.




Mabilis na tumayo si Canary na nauna nang naglakad palabas samantalang sumabay sa 'kin si Xander.




“I think I can give this back to you now.” Inilahad niya sa 'kin ang patalim ko. “Tiwala akong hindi mo gagamitin 'yan para ipahamak ang sarili mo.”




Tahimik kong kinuha ang iniabot niya.



Nagsasalita na si Canary sa mikropono nang maka-akyat kami ni Xander sa entablado. Ako na lang ang dumiretso sa upuan dahil sa unahan na pumuwesto ang lalaki katabi ang student council secretary. Puno na naman ng estudyante ang gym, mga estudyanteng naghihintay ng anunsiyong magbibigay pag-asa galing sa student council.



“I know K-High experienced a great loss,” seryosong turan ni Xander. “A president such as Luciel Villaseran can never be replaced. However, K-High will continue to survive and we will not let his sacrifice go to waste. We will—” Naputol ang mensahe dahil sa bigla na lang namatay ang mga ilaw at nabalot ang buong gym ng dilim.



Napahinto ako sa gagawin sanang paggalaw nang maramdaman ang isang tao na walang anu-ano'y sumulpot na lang sa 'king likuran at ngayo'y nasa leeg ko na ang braso.



“Stay still, Auriel. Something good is about to begin.”



Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Stephan.




Muling nagbalik ang liwanag. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Xander. Gumulat sa 'kin ang eksena kung saan natagpuan ko siyang nasa tabi ng isang Mercenary na nakasuot ng itim na hood habang kasalukuyan nitong salag ang patalim ni Eunice. Samantalang salag naman ni Xander ang patalim ng isa pa; ang pinuno ng Mercenaries na nakasuot ng puting hood at maskara.



Ang dalawang patalim ay tiyak na kay Xander tumarak kung hindi napigilan.




Dalawang tanong ang agad nabuo sa isip ko dahil sa nasasaksihan: bakit umatake si Eunice at bakit pinrotektahan ng naka-itim ang bisi presidente?



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon