LV: The Witnesses

75.5K 2.7K 451
                                    


Auriel





“PRESIDENT, may mga biktima na naman.”



Natigil ako sa paggawa ng homework ko dahil sa ibinalita ng bigla na lang pumasok sa opisina.




Nauna na 'kong tumayo kay Luciel. “Dalhin mo ko ro'n.” Tumango naman ang estudyante at mabilis na naglakad, na sinundan ko kasama ni Canary.




Pagkatapos ng ilang minutong mabilis na paglalakad, narating namin ang parte ng Forest Park kung saan marami na agad ang nakapalibot.





Tatlong katawan ang nakasabit sa tatlong magkakaibang puno. Ang mga kamay nila at paa ay nakagapos habang ang mga leeg nila ay nasasakal ng mas makapal na lubid.




Sa kabuuan, sampung estudyante na ang pinapatay gamit ang pandaraya. Pagkatapos kasi ng insidente sa swimming pool, may mga sumunod agad. Lahat sila, pinatay ng hindi ginagamitan ng patalim. Nananadya ang kung sinong gumagawa nito.




Napabaling ako sa marka sa puno: ang bilog na pulang marka na may M, W, o A na hanggang ngayon ay walang may alam kung ano ang ibig sabihin.




“Will the student council just keep watching?”



Nagpanting ang tenga ko nang marinig ang nang-uuyam na boses ng kadarating lang na captain ng Bloodlust.




Dahil sa sinimulan niyang tanong, nagatungan ang iba pang naroroon sa kung bakit hindi pa nalulutas ng student council ang mga nangyayari.




“Bakit nga ba hindi pa alam ng student council kung sino ang gumagago sa batas ng K-High?”




“Parang ang bagal nga nila kumilos ngayon.”




“Iyong tungkol sa Tagahatol nga hindi pa nila nalulutas.”





Magsasalita na sana ako para matahimik sila kundi lang ako naunahan ni Canary. “Patuloy naming iniimbestigahan ang mga nangyayari,” malamig niyang tugon na sa tingin ko ay ipinagdiinan niya para sa iisang tao.




Kitang-kita naman ang inis sa mukha ni Eunice habang nakatingala sa isang miyembro niyang nakabigti. “The student council better get their acts together or I'll—”




“Or you'll what, Eunice?” Napukaw ko agad ang atensyon niya dahil pagputol ko sa gusto niyang sabihin.




Nagsalubong ang mga mata namin. Walang kumukurap ni isa. Hindi niya na 'ko matatakot sa paraan niya ng pagtitig dahil hindi na lang siya ang kasing talim ng patalim kung tumitig ngayon. Kung totoong nakakasugat nga ang titigan baka kanina pa kami sugatan.




“We're actually not preventing anyone from doing anything regarding the matter,” singit ni Xander na nakatayo na pala sa gitna. Pero hindi siya ang nakapagpatahimik sa 'kin kundi si Luciel na kanina pa yata matiim ang titig sa 'kin. “As long as you follow K-high's rules.”




Matalas lang na tingin ang ipinukol ni Eunice sa lahat ng miyembro ng student council. Nahuli ko pa siyang sumulyap muna sa 'kin bago naglakad palayo kasama ang limang nasa rank na Bloodlust.




“Nakakaramdam pa pala ng galit ang lintek na 'yon,” bulong ni Canary. “1/4 sa kanya, tao pa.”




Para sa 'kin kahit ano pang maramdaman ni Eunice, hindi ko na siya maituturing na tao.




“President!” Isa na namang humahangos na estudyante ang bigla na lang sumiksik sa karamihan. “May nangyari sa cafeteria, ngayon-ngayon lang!”




Nahawi ang kumpulan nang mabilis na naglakad si Luciel. Ilang sandali lang ay narating namin ang cafeteria na puno ng estudyante. Lahat sila, nakatayo sa gilid habang pinagigitnaan ang tatlong nakasubsob sa magkakahiwalay na mesa. Samantalang dalawa pa ang nakahandusay naman sa sahig.




“Close all the doors! Walang lalabas at papasok ng walang pahintulot ko!”



Sukat sa sinabi ni Luciel, agad tumalima ang ilang malapit sa pinto at isinara ang tatlong entrance ng Cafeteria.



“The culprit may or may not be here anymore, but there might be poison left inside. We need to figure out how the victims got poisoned. Cooperate kung ayaw n'yong maging susunod na biktima.” Pagkatapos ng sinabi ni Luciel na medyo tumakot sa lahat ng naroroon si Canary naman ng kinausap niya. “Ms. Salazar, gather vital information from the students.”




Mabilis na kumilos si Canary at sinimulang tanungin ang mga estudyante sa loob.



“You're about to see something rare,” makahulugang bulong ni Xander.



“Ano'ng ibig mong sabihin?” may kuryosidad kong tanong na hindi na nito sinagot kaya ibinalik ko na lang ang mga mata kay Luciel, na pagkatapos suriin ng mabuti ang mga biktima ay ang mga nasa mesa naman ang nilapitan.




Pagkatapos siyasatin ang mga pagkain at inumin, tinawag niya si Canary na may kasama nang tatlong estudyante. “Ms. Fortalejo, I need you beside me,” tawag din sa 'kin ni Luciel na ikinagulat ko. Tiningnan ko siya ng may halong pagtataka. “You'll take down notes.”



Hindi ko man naintindihan kung para ano ba talaga ang ibig niyang sabihin ay lumapit na lang din ako na sinundan ni Xander.




Inabutan ako ni Canary ng isang maliit na notebook at ballpen. “Kilala mo ba si Shinichi Kudo o Conan Edogawa?”



“Ha?”




“Isipin mo na lang na assisstant ka ngayon ng isang school detective,” pabulong niyang dagdag.




Naningkit ang mga mata ko sa pag-iisip. Si Luciel ba ang tinutukoy niya? Iginala ko ang mga mata, halos lahat ay excited at parang may inaabangang mangyari.




“Write everything they'll say, Ms. Fortalejo,” utos ni Luciel na tinanguan ko lang bago niya sinimulang kausapin ang isa sa mga estudyanteng dinala ni Canary. “Name, and who of them were you with?”




“Liam Galiego. Si Marco ang kasama kong kumain,” turo nito sa bangkay na nakahandusay sa sahig. “Magka-faction kami.”




“And you?” tanong naman ni Luciel sa nag-iisang babae sa tatlo.




“Sophia Calderon, Captain. Si Cassey Carpio ang kasama ko,” turo naman nito sa nakasubsob sa mesa. “Hell's Scythe kami pareho.”



Ibinaling namin ang paningin sa huling estudyante na agad namang nagsalita. “Paolo Dionisio ng Death Gods. Si Rainer 'yong kasama ko,” tukoy nito sa lalaking nakasubsob din sa isang mesa.




“Did you write all those down?” Dahil sa tanong na 'yon ni Luciel, sa 'kin sila lahat napatingin. Nagmadali tuloy akong isulat lahat ng narinig. “Pay attention Ms. Fortalejo, we're about to solve a crime,” nakangising dugtong ni Luciel.




————————
A/N: First of the three special chapters.



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon