XVI: Good Samaritan

95.6K 3.7K 1.1K
                                    

Chapter XVI
Good Samaritan


Auriel





Limang leche flan ang bitbit ko pabalik. Ang sabi kasi ng presidente damihan ko. Nang makapasok sa opisina, walang salita kong inilapag sa mesa ang mga dala.




Mabilis niya namang kinuha ang isa at kinain 'yon, samantalang hindi niya pa ginagalaw ang naunang mga pagkain na dinala ko kanina.




Iglap lang, naubos niya agad ang laman ng plastik na lalagyan at sinisimulan na uli ang sumunod na leche flan.




“Mahilig ka sa matamis?” wala sa sariling naisatinig ko.




“Anything wrong with that?” Sinamaan niya 'ko ng tingin habang sumusubo pa rin.




Imbes na takot, pagkagulat ang naramdaman ko. Pinigil ko ang sarili na mangiti. May sweet tooth ang student council president ng K-High.




Pagkatapos maubos ang pang-apat na leche flan, nakuntento na yata siya kaya ibinalik niya ang atensyon sa pagsusulat.




Pasimple kong sinilip ang mga pagkaing una kong dinala. Pa'no ang mga 'yon?




Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nagsalita uli. “Taste the food,” tukoy niya sa kanin at mga ulam.




“Bakit? Hindi ko naman nilagyan ng lason ang mga 'yan.”





Kapag matamis na pagkain kaya niyang kainin agad pero kapag hindi, mag-aalangan pa siya?





“Wala akong sinabing nilagyan mo ng lason. Just do as I say!” may diin niyang dugtong.




Napailing na lang ako bago inabot ang kutsara at tinikman isa-isa ang pagkain sa tray. Nilakasan ko ang pag-nguya para malaman niyang ligtas ang mga 'yon.




“Don't forget the juice.”




Kinuha ko ang orange juice at ininom 'yon sa harap niya. Halos makalahati ko na nga ang laman ng baso.




“Does it taste good?” nakakaloko niyang tanong.




“Nakakamatay sa sarap,” napipika kong tugon.




Ibinalik niya sa papel na hawak ang atensyon. “Subuan mo 'ko.”



Nanlaki ang mata ko sa narinig.




“My hands and eyes are busy.” Iwinasiwas niya pa ang mga hawak.




Nanatili akong nakaupo at hindi gumagalaw. Hindi ko alam kung dapat ba talaga akong sumunod.




“Ayokong pinaghihintay, Ms. Fortalejo.”




Wala talagang utos niya ang pwedeng tanggihan. “Kukuha ako ng ibang kutsara.” Tatayo na sana ako nang pigilan niya.




“Are you that childish to believe in such things like an indirect kiss?”



“Hindi!” giit ko bago sumandok ng ulam at kanin na agad ring isinubo sa kanya. Tinanggap niya naman 'yon habang nagbabasa.




Para akong yaya niya.



Awtomatikong napasunod ang mga mata ko sa kanya nang damputin niya ang baso at inuman ang mismong parte kung sa'n dumampi ang mga labi ko kanina.



K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon