XXVI: Graduation

89.2K 3.2K 131
                                    

Chapter XXVI
Graduation




Auriel



May balita pa ba sa Tagahatol?”



“Wala na. Natakot yata sa president.”



“Sino bang hindi?”



Malinaw na bulungan ng ilang estudyante sa gymnasium. Dahil sa wala na ngang balita tungkol sa Tagahatol nabawasan ang isipin ko. May ilan na lang ang hindi nagpapatahimik sa 'kin. Partikular na ang tungkol kay Canary.




“Para sa'n na naman 'tong assembly na 'to?” Humihikab na sabi ni Unnie. “Napakaagang istorbo.”




Kasalukuyan kasing nakapila ang lahat at nakahiwalay ayon sa kanya-kanyang faction.




“It's the time of the year again.”




“Ang tagal kong hinintay 'to.”





Natawag ang pansin ko ng ilang ka-faction na nag-uusap. May ideya ang mga 'to kung para saan ang assembly, maliban sa 'ming mga bago.



Mayamaya lang, sunod-sunod nang umakyat sa entablado ang mga miyembro ng student council. Napako ang paningin ko sa presidenteng walang karea-reaksyon.




“We are gathered here today to congratulate two of K-High's outstanding students as they receive their diploma. Proof of their talent and skills,” nakangiting simula ni Yasmin.




Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. May ga-graduate sa K-High!




“May we call on rank 8, Tyler Sison and rank 9, Maica Fernandez.”





Umulan ng palakpakan habang umaakyat ang dalawang nabanggit na galing sa magkaibang faction. Habang iniaabot ni Yasmin ang diploma sa kanila, muling umugong ang bulungan.




“Mabuti pa sila makakaalis na sa impyernong eskuwelahan na 'to.”




“Kung ako ang nasa ranking hindi ko aalis dito. I'll stay and enjoy the fame.”





Kanya-kanya na namang pananaw ang mahina kong naririnig.





“Totoo yata ang kumakalat na balitang may relasyon ang dalawang 'yan. Mas pinili nila ang grumaduate para 'di maparusahan.”




“Mauutak!”



Puro sila mga haka-haka na madalas wala namang basehan. Halos lahat ng mga estudyante sa K-High kumikilos at nagkakalat ng balita kahit walang ebidensya.



“Let's give them one last round of applause as they exit the stage of K-High and into the world where they can show what they've learned from our renowned school.”




Magkasunod na bumaba ang dalawa sa entablado at tinungo ang magarang sasakayan na nakaabang sa gilid ng gym. Nasundan ko na lang ng tingin ang papalayo nilang kotse hanggang sa tuluyan nang mawala.




Totoo nga na may paraan para makalabas. Pero malabo na nga na makapasok ako sa rank 20, sa rank 10 pa kaya?




Tapos na ang graduation pero hindi pa rin humuhupa ang kaligaligan ng halos lahat nang nasa gym. May iba pa yatang dapat abangan.




“Bago tayo magpatuloy sa talagang dahilan ng assembly, let me first name the new set of students who made it into the prestigious kill ranking.” Si Yasmin uli ang nagsalita.



Ang ibang miyembro ng student council ay nakaupo lang sa likuran niya: si Stephan na walang pagod sa pag ngiti, si Xander na diretso lang ang tingin at ang presidente na blanko pa rin ang ekspresyon.




“Rank 20 Eunice Ferrer, Hell's Scythe.”





Napabaling agad ako kay Unnie na walang naging reaksyon. Ngayon ko lang talagang napatunayan na kaya niyang pumatay. Ikinagulat ko na nasa ranking na siya pero mas nagulat ako sa sumunod na narinig mula sa mga nagbubulungan na naman. Lito ko silang pinakinggan.



“Siya pala ang pumatay sa dating rank 20.”




“Teka, bago lang 'yan, ha.”




“Naunahan pa tayo. Mamaya dapat makakuha tayo ng rank.”



“Ngayong gabi sisiguraduhin kong makakaagaw ako ng puwesto sa ranking.”



Ano'ng meron mamayang gabi?



“Rank 19 Prescilla Madrazo, Death Gods,” pagtutuloy ng sekretarya ng student council.




Marami pang nabanggit na pangalan pero ang natandaan ko lang ay si Kiel Sandoval na nasa rank 10, Canary Salazar na nasa rank 8 na. Yasmin Balmaceda na nasa rank 4, Xander De Silva na nasa rank 3, Stephan Sebastian na nasa rank 2 at ang Student Council President na si Luciel Villaseran na nasa rank 1 pa rin.




“Now that we got rid of the little details, let's proceed to the main event. I'll give the stage to our beloved principal.” Paalam ni Yasmin bago naupo sa nakalaang upuan para sa kanya.



Mula sa malaking monitor na nasa entablado lumitaw ang imahe ng principal na nagpapatakbo sa buong eskuwelahan. “Students of K-High, as you are all aware of, next week will be Kill break.” Natatakapan ang buong mukha ng babae ng maskarang kalahating buwan at kalahating araw. Mata niya lang na matalas din kung tumitig ang litaw.




“Kill break?” Sinadya kong iparinig 'yon kay Unnie na patuloy lang sa paghikab mula pa kanina.




“Parang sembreak sa mga normal na eskuwelahan,” sagot niya. “ The most boring one week in K-High.”



“Bakit?”




“Isang linggong bawal pumatay.” Halata ang pagkadismaya sa boses niya.




“Hindi nga?!” naibulalas ko. Saka ko lang namalayan na napalakas pala ang boses ko nang mapansing nasa 'kin na ang lahat ng mata ng nasa gym, kabilang na ang mga nasa entablado. Mas ramdam ko lang ang titig ng presidente.



“As I was saying,” pagtutuloy ng principal sa screen na nagpabalik sa kanya ng atensyon. “No killing within that one week. Ang sinumang sumuway ay mananagot sa student council.” Mga idinagdag nito na nagpatunay sa mga sinabi ni Unnie.



Totoong walang patayan ng isang buong linggo!




“But before we go on to Kill Break, we will hold one of K-High's traditional events: the faction's Kill Off.”




Muli na namang umugong ang bulungan. Bulungan ng mga estudyanteng mas nasabik sa Kill Off na kung pwede lang na hindi ko na alamin kung para saan.





K-High (Korosu High) Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon