Prologue

164K 5.7K 1.4K
                                    

Idinilat ko ang aking mata mula sa pagkakahimbing, unti-unting nagliwanag ang buong paligid at malakas na putukan ng baril ang aking naririnig.

"Hihiga ka na lang ba diyan?" Napalingon ako sa lalaking nasa tabi ko, nasa itaas kami ng isang building at may hawak-hawak siyang M14 rifle-- isang uri ng sniper.

"Ilang oras na akong afk?" Tanong ko sa kanya. Binasa ko ang pangalan sa itaas ng kanyang ulo, Darkshadow, pagbasa ko sa kanyang username.

"Huwag kang sumasama sa school war kung mag-e-AFK ka lang," reklamo niya, isang malakas na putok ng baril ang aming narinig. Pumagulong siya sa direksyon ko upang maiwasan ang bala. "Shit." Reklamo niya nung magalusan siya sa braso at umagos ang pulang likido mula rito.

Dahan-dahan akong bumangon, pinagmasdan ang buong paligid. Sira-sira ang gusali, mararamdaman mo ang pagyanig ng lupa dahil sa sunod-sunod na pagsabog, walang katapusang pagputok ng baril.

"Sino ang winning team sa war zone ngayon?" Tanong ko sa kanya, ilang minuto din akong naging AFK dahil kinailangan kong maglinis ng bahay kanina.

"Red Ember University is the first place right now," sabi niya at ipinutok ang sniper na kanyang hawak. "Bulls eye." Nakangiti niyang sabi, mukhang may natamaan siyang kalaban.

Red Ember University is the strongest school here at School War Online. Kung magpapatuloy ito ay hindi namin makukuha ang grand prize.

Kinuha ko ang dalawang Dessert Eagle sa aking gun pocket at pinagpag ang palda ko. Inayos ko rin ang pagkakasuot ko sa school uniform namin. "Showtime?" Tanong sa akin ni Darkshadow.

"It's showtime." tumakbo ako pababa ng gusali na pinagtataguan namin.

Sa pagbaba ko pa lamang sa ikatlong palapag ay may nakasalubong na agad akong kalaban mula sa Yellow Razors Academy. Ikakasa niya pa lamang ang baril niya ay pinaulanan ko na agad siya nang putok ng baril hanggang sa maubos ang buhay sa kanyang HP bar.

Tumakbo ako palabas ng gusali at sumali sa gulo na nangyayari.

This is School War Online. Ready, aim, shoot!

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon