Shoot 13 "Request From Friend"

65K 3.3K 494
                                    

"Guys kinakabahan ako!" Napakapit si Katana sa aming dalawa ni Lucky habang naglalakad kami tungo sa office ng school Principal. Ngayong araw na kasi malalaman kung approve or rejected ang proposal na ginawa niya na magkaroon ng family.

"It will be approve, 'wag kang mag-alala." Sabi ni Lucky.

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung unang pagkikita namin ni Katana. Naulit pa ito nang mga sumunod na araw at mas close na kami mapa-SWO world o sa real world.

Sa ilang araw na iyon ay tumaas na ang level naming tatlo. Level 16 na ako at parehas silang level 17, mabilis na akong nakakahabol sa level nilang dalawa dahil minsan nagku-quest ako kasama si Thatjerk.

Speaking of Thatjerk, ilang araw ko na siyang hindi nakikita rito sa school. Online naman siya pero kapag mine-message ko siya ay parati siyang nagku-quest sa malalayong lugar. Matagal-tagal na rin yung araw na naka-bonding namin siya nina Lucky.

Kumatok siya ng tatlong beses sa loob ng principal's office bago pumasok sa loob. "Huwag kang kabahan." Pagpapalakas ko ng kanyang loob at ngumiti siya sa akin.

Hinintay lamang namin siya ni Lucky sa labas. "Lucky, bakit ayaw mong makipag-meet sa amin? Malay mo naman makapagbakasyon kami ni Katana diyan sa Pangasinan,"

"Basta, masaya na akong kaibigan ko kayo online. At isa pa, ang layo ng Maynila sa Pangasinan. Nakakahiya naman kung dadayuhin ninyo pa iyon para lang makita ako." Paliwanag niya. Napailing-iling na lamang ako and I respected her decision.

Ilang segundo ang lumipas at bumukas na ang pinto ng Principal's office. May hawak na papel si Katana, she immediately jump on us. "Guys! Na-approve ang request ko! I can now create my family, kailangan ko na lang pumunta sa registrar office para magpa-register then okay na."

Para kaming tanga na tatlo na nagtatatalon sa gitnan nung hallway, pinagtitinginan kami ng ibange studyante pero wala kaming pakialam. Ang mahalaga ay na-approve ang request ni Katana.

The three of us headed sa registrar office at kasabay nito ay nag-iisip na kami ng magandang pangalan para sa family.

"White knights kaya?" Suhestiyon ni Lucky. "'Diba? Ang astig!"

"'Wag iyon, pangalan iyon ng ibang school. Ano ka ba! Haha!" Natatawa kong sabi.

"Ay oo nga pala. Sorry." Nag-peace sign ito sa amin.

"Actually may naiisip na ako kaso sa tingin konay ang corny niya," kumakamot sa baba na sabi sa amin ni Katana, napatingin kami ni Lucky sa kanya and hinintay ang sasabihin niya. "BraveOrions, isang star ang Orion and it means the hunter. Hindi ko al--"

"Ang astig no'n, Katana! Iyon na lang!" Parehas naming sabi ni Lucky.

Pumunta kaming tatlo sa registrar office at pinakita ang approve form.

"BraveOrions family is now approved under the school of Blue Wave University!" Iyan ang sinabi nung babae.

Katana invited you to join BraveOrions.
Accept
Reject

Agad kaming sumali sa family ni Katana at may maximum ito ng 50 members. Sa baba ngayon mg pangalan namin ay may nakalagay na BraveOrions.

Maglalakad na sana kami paalis para mag-quest kaso ay nakasalubong namin si Thatjerk. He's now level 21. Heavy class ang pinili niya nung nag-level 20 siya so basically, magaling siya sa pagse-set up ng bomba and bringing an explosive devices.

"Hey guys, busy ba kayo?" Tanong niya agad sa aming tatlo. Napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka. "Actually, there's a group mission kaming tinatapos and ilang araw na kaming failed dito. Baka gusto ninyong tumulong?" Pahabol niyang tanong.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon