Shoot 61 "Representative"

62.4K 3K 286
                                    

Pagkapasok ko sa family room nakita ko sa isa sa mga upuan sina Katana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkapasok ko sa family room nakita ko sa isa sa mga upuan sina Katana. Lahat sila ay nakasimalmal kung kaya't nilapitan ko sila. "Bakit parang pinagsukluban kayo ng langit at lupa diyan?" Nangingisi kong tanong.

"Hey don't laugh, may problema talaga tayo." Sabi naman ni Lucky sa akin at umupo ako sa kanyang tabi.

Mukhang malaki ngang problema ito base sa kanilang mga hitsura. "Tungkol saan ba 'yan? May quest ba kayong hindi matapos? Maybe I can help,"

"Tungkol nga ito sa quest kaso ay ibang quest," si Thatjerk na ang nagsalita. "Wala pa tayong representatives para sa magaganap na joint quest ng limang school."

Ahhh, pinoproblema pala nila yung tungkol doon. Iyon yung quest kung saan kailangan magsama-sama sa iisang party ang limang school. "Wala bang willing?" Tanong ko at lahat sila ay umiling.

"I don't want to join in that quest. Halos lahat ng school ay tina-trashtalk ko kapag nasa war, eh," Sagot ni Thatjerk. Pinanindigan niya talaga ang pagiging jerk niya. "Kung sumali ako riyan, paniguradong they will just kill me."

"Eh ikaw, Katana?"

"I don't want to interact with them. Tayo na lang ang school na wala pang representative and the resr, mayroon na." Pagpapaliwanag niya kung kaya't napatango-tango ako. "Bakit hindi na lang ikaw, Majesty?"

"Ayoko na ngang sumali sa mga ganyan, eh. Sabi ko nga focus na lang ako sa pagpapa-level ke'sa sumali sa mga ganyang quest." Sagot ko sa kanila. We all sighed like we're the most problematic people here at SWO.

Hindi ko naman inaasahan na magiging problema ito. They asked me kung pwede si Darkshadow pero ako na ang humindi para sa kanya. Masyado nang busy si Raydin, I don't want to stressed him anymore.

I am tapping the table na para bang nag-iisip ako nang paraan para makakuha kami ng representatives. Malakas kong tinulak si Lucky nung may maisip ako at nahulog siya sa upuan.

"Aray naman! Kailangan talagang manulak?" Inis niyang tanong pero tinawanan lang namin siya. She seated again beside me. "Sige manulak ka ulit, Majesty, babarilin talaga kita." Banta niya.

"Sorry." Natatawa kong sabi.

"I have an idea," pagsisimula ko. "Mukhang ayaw naman ng lahat na sumali sa quest na iyon. Why don't we choose the top 20 players and then magkaroon tayo ng botohan sa Valencia hall? Nandoon ang lahat ng estudyante ng BWU and kung sino ang dalawang pinakamataas na boto, they will represent BWU kahit ayaw nila." Paliwanag ko. Atleast, buong BWU na ang nagsalita sa kung sino ang gusto nilang sumali sa quest.

"Sounds cool to me." Sagot ni Thatjerk. "Para hindi na rin tayo nagtuturuan kagaya nito."

"Okay, ipapakalat ko ang balita na 'yan. I am agree with your idea rin." Sabi ni Katana.

Magaganap ang botohan sa darating na sabado dahil mas maraming players ang nag-o-online kapag weekends.

Magaganap ang botohan sa darating na sabado dahil mas maraming players ang nag-o-online kapag weekends

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon