Shoot 22 "Couple Quest"

71.6K 3.6K 2.2K
                                    

"Etong babae na 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Etong babae na 'to... Akin 'to." Pang-aasar ni Lucky sa akin habang ginagaya ang boses ni Darkshadow at tumawa rin nang malakas si Katana.

Kanina pa nila ako inaasar ng mga ganyahang linya at hinihiling ko na lang na sana pala ay hindi na lang ako nag-online dahil binibwisit lang ako ng dalawa.

"Alam ninyo, para kayong siraulo na dalawa sa ginagawa ninyo!" Sagot ko sa kanila. "Bumalik na nga lang kayo sa ginagawa ninyo."

Busy kasi si Katana sa pagma-manage sa family habang si Lucky ang nagre-recruit ng mga bagong members. So far, hindi pa kami nai-introduce lahat na mga members sa isa't-isa dahil wala pa kaming meeting na nagaganap. Sabi rin ni Katana ay kasalukuyan niyang inaayos ang hangout room ng BraveOrions.

"Nag-trending nga rin sila kagabi e. There's a photo of the event last time na umiikot ngayon sa social media," sabi ni Lucky. Oo nga, nakita ko rin iyon dahil marami pa lang nag-capture sa ganap nung nakaraang araw.

Nag-trending sa twitter ang hashtag #BWURoyalties. What the heck, ang corny-corny no'n.

"Lahat tuloy ng tao ngayon ay curious kung sino kayo sa real world." Sabi pa ni Lucky. I am not interested na ipakita ang mukha ko para lang sa kasikatan ng mga avatars namin ngayon.

"Naku! Kung makikita nila si Majesty sa personal. Maganda na! Matalino pa! Maba-- maganda ulit haha!" Natawa naman na ako sa sinabi ni Katana sa amin.

There's no boring day kapag silang dalawa ang kasama ko. I'm glad na kahit maliit lang din ang circle ng online friends ko ay talaga namang totoo sila. Yung iba kasi ay nanggagamit lang ng ibang estudyante para mabilis na makapagpa-level e.

Napatahimik ako nung mabasa ko ang pm sa akin ni Darkshadow.

Darkshadow: Pumunta ka sa school garden, kapag wala ka pa rito ng 5 minutes... You're dead.

Napairap ako sa ere dahil akala niya yata ay matatakot niya ako sa mga ganoong klaseng pananakot niya.

"Oh nakasimalmal ka diyan bigla?" Biglang tanong sa akin ni Katana nung maoansin niya ang pagbabago ng aking ekspresyon.

"May private message si Darkshadow and I need to meet him... Ngayon na," gusto ko pa naman makipagkwentuhan kanila Lucky ngayon.

"Go na, puntahan mo na." Itinulak oa ako nilang dalawa paalis. "Magiging busy na rin kami mayamaya kung kaya't kitain mo na ang BOYFRIEND mo." She really give emphasize to the word "boyfriend.'

Bumuntong hininga ako, ano pa bang magagawa ko?

***

"Mahal tingnan mo yung rosas na iyon, kasing ganda mo."

"Hindi naman,"

"I love you mahal."

"Love you too, Mahal."

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon