Shoot 49 "His Absence"

62.7K 3.7K 648
                                    

"Dani, you're fine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dani, you're fine. You used to live without Raydin's presence." Sermon ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Ala-una na ako nang madaling araw nakatulog dahil binasa ko ang lahat ng tweets ni Raydin.

Almost 70% content of his twitter wall, patungkol sa akin. Marami akong litrato doon na hindi ko alam na kinuhanan niya pala.

Bumaba na ako at kumain saglit. "'Ma, pasok na ako!" Paalam ko kay mama.

"O, magko-commute ka yata? Hindi ka susunduin ni Raydin?" Tanong ni mama pagkamano ko.

"'Ma, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na busy yung tao," inis ko nang sabi kay mama. "Sige na 'ma, una na ako."

Lumabas na ako ng bahay at naglakad tungo sa kanto namin. Doon ako sumakay ng jeep.

Pagkarating ko sa office, as usual, a normal hectic day for us. Anong bago? Araw-araw yata ay parang parati kaming hinahabol ma oras. Lumapit sa akin si Jessa at Rose para makipagkwentuhan.

"Hoy 'teee!" Malakas ang boses ni Jessa. Wala pa si Cherry at mukhang na-traffic ang bakla.

"Ang aga-aga pero ang hyper mo na agad, Jessa." Suway sa kanya ni Rose at inirapan lang siya ni Jessa.

"Okay na pala yung paglipat mo sa Finance Department e, pumayag si sir! Next week, baka doon ka na." Hindi ko inakala na agad-agad aaprubahan ni Raydin ang request na iyon samantalang kagabi lang naganap ang break up namin sa game.

"Lilipat ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rose na para bang wala siyang ideya rito.

"H-ha? Oo, kulang daw sa man power sa finance department. At isa pa, I am also majoring math so gusto ko din i-try." Sagot ko sa kanya at napatango-tango si Rose.

"So, next week wala ka na rito?" nagmalungkot na mukha si Rose at Jessa. "Mami-miss ka namin, Danica." They both hugged me tightly. Napamahal na rin naman ako sa mga katrabaho rito sahil sobeang warm nang pagtanggap nila sa akin dito.

Dito sa team ni Raydin, they treat me as part of their family. Hindi ko nga namalayan na kulang isang buwan na lang at matatapos na ang internship ko e.

Pumasok ako sa office at kataka-takang wala pa si Raydin, usually kapag pumapasok ako ay nandito na 'yon at may kino-code e. Kumatok si Cherry at nagmamartsang naglakad tungo sa direksyon ko.

"Hoy, 'te! Ano yung nasagap ng wifi ko na lilipat ka raw?!" Sabi niya at yumakap. Kung may naging super close ako rito sa trabaho, si Cherry 'yon. Despite of our age gap ay sobrang nag-click ang ugali namin.

"Lilipat lang ako ng ibang department. Ano ka ba!" Mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Kahit na 'te. It just means na hindi na kita makikita rito sa office next week."

"Ba't wala pa si Raydin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam 'te. Baka ginagawa na naman ang thesis nila kasama si Celine the suso girl. Or baka pumasok sa school." Paliwanag ni Cherry at napatango-tango naman ako.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon